Chapter 75: Gangster...?

41 2 0
                                    

David's POV


"Nandiyan po si David?", rinig kong tanong ng isang lalaking nangangalang James.


"Bakit pre?", tanong ko. "Pasok ka muna." ngiting sabi ko.


"No need. Pinapa-tawag ka ni Sabrina." diretso niyang sabi.


"Bakit daw?", tanong ko. "Bakit ganiyan mukha mo?", katulad kasi siya kay Sabrina. Wala nang emosyon.


"I don't know." sabi niya. Hindi na ako nagtanong at sumunod na ako.


Bakit niya ako pinatawag? First time ito ah. Magtatanong ba siya about sa amin ni Loren? Nagseselos na ba siya kay Loren? If only I could tell her. Pero bawal daw sabihin kahit kanino. In just one wrong move, mamamatay si Sabrina.


Napansin kong nasa likod kami ng mga bahay namin. Anong gagawin namin dito? Impossible namang mag-uusap lang kami, hindi ba?


"What are we doing here?", ako na ang nagtanong.


"We'll wait for Sabrina." emotionless niyang sagot. Bakit ba dalawa na silang emotionless? Nasa dugo ba talaga nila iyon?


Maya-maya ay may naririnig akong mga yabag ng paa na papalapit. And I know, it was Sabrina. Pero bakit bigla akong kinabahan?


"Look whose here... The traitor." sabay ngiting makahulugan ni Sabrina. Yang mga ngiting yan, alam kong may gagawin siyang masama.


Nawala ang mga ngiti niya at napalitan nang galit.


Shiit. What did I do?


"Naalala mo ba yong sinabi ko sa'yo last time? Kapag nag-sumbong ka, ikaw sunod." sabi niya.


"W-w-what?", nauutal kong sabi. "What do you mean?", kinakabahan kong tanong. Shiit. Kalalaki kong tao, kinakabahan ako.


"Wag ka na magmamaang-maangan pa. You know what I told you before." at kumuha siya sa likod niya ng baril.


"Wait Sabrina... Puwede naman natin itong pag-usapan." sabi ko nang mabilis.


"No, sinabihan na kita dati. Pero hindi ka nakinig." at tiningnan niya na ako na para bang hindi niya na ako kilala.


"I'm sorry." nasabi ko na lang.


"Hindi ako tuma-tanggap ng sorry. Alam mo yan." and she pull the trigger.


Ito na ba ang katapusan ko? Bakit parang ang bilis kalimutan ni Sabrina ang lahat? Ang mga pinag-samahan namin? Ang mga masasayang alaala namin? Bakit parang wala na lang sa kaniya?


Ganoon ba talaga siya? Mas minahal niya si Edwin kaysa sa akin? Mas hinintay niya pa ang lalaking sumira sa buhay niya? Mas pinipili niya iyon kaysa sa akin?


Pero sige, kung yan ang gusto ni Sabrina.


"Okay, then shoot. Goodbye Sabrina. Sana maging masaya ka." at napapikit ako.


And without a second ay narinig ko ang isang putok ng baril.


Ano ba yan, hindi man lang pinaabot ni kamatayan ang birthday ko eh malapit naman na.


Pero wala akong naramdamang sakit sa binaril sa aking katawan. Ganito ba kapag patay na?


Dumilat ako at nakita ko si Sabrina na napapikit at kalong-kalong ni James. At may tama siya. At nakita ko ang baril at humarap sa bumaril kay Sabrina. At iyon pala ay si Diego, tawa siya ng tawa na akala mo ay siya ang demonyo. At pinutok ko ang baril at tumama ito sa tiyan niya. Kaya tiningnan niya ako ng sobrang sama.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now