Chapter 4: Never Have I Ever

314 10 1
                                    

David's POV



Kakatapos ko lang maglaro ng mobile legends at sunod-sunod akong panalo. Epic na tuloy ako. Hahahaha. Ang sarap sa feeling. Pero, mas masarap sa feeling kung kami pa din ni Sabrina.

* * * * * Kriiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiing * * * * *

Buti na lang tapos na ako maglaro nang may tumawag sa akin.

Akala ko si Mommy o kaya si Lola. But unexpected name called me. And it was Sabrina. Bakit naman tatawag sa'kin? May kailangan ba siya?

Nong isang araw kasi tinawagan ko siya, and luckily sinagot niya. Pero, hello ako ng hello hindi naman sumagot, pinatay lang.

Mga babae talaga ang gulo ng utak.

"Hello." kalma kong sagot.

(Hello?) pero nagtaka ako bakit lalaki ang nagsalita sa kabilang linya? Tiningnan ko ang caller kung si Sabrina nga ba talaga iyon at siya nga. Hindi kaya, nakidnap si Sabrina at kidnapper ang tumawag sa'kin.

At teka nga, bakit naman ako tatawagan?

At teka nga ulit, bakit ko ba iniisip yong mga yon?

(Hoy, andiyan ka ba?)

"Who's this?", tanong ko.

(It's me... Maclen)

Hah? Ano daw? Si Maclen? Nandito siya sa Pangasinan, tapos si Sabrina nasa Maynila. Paano napunta yong phone ni Sabrina sa kaniya?

"Paano napunta yong phone ni Sabrina sayo?"

(Listen to me... Sabrina is here) dahan-dahan niya pang sabi.

"Wait... Wait... You're just kidding right?", imposibleng nandito siya.

(No. I wasn't)

"Then how?"

(I explained it to you later. If you go here in resort)

"Don't prank me, Maclen." banta ko sa kaniya.

(I'm not pranking you. If you want to see her. Then come here in the resort. Aabangan ka namin sa labas)

At pinatay niya ang tawag. Pupunta ba ako? Paano kung joke lang ni Maclen yon? Pero, nasa kaniya ang phone ni Sabrina... Aish... Bahala na nga.

Siyempre, nagpa-pogi naman ako.

"Oh anak saan ka pupunta?", tanong ni Daddy habang nagbabasa ng dyaryo.

"Kila Maclen lang po Dad."

"Okay." tumango na ako. At naglakad papuntang resort. Malapit lang naman kaya puwedeng lakarin.

Tapos nag-ring na naman ang cellphone ko nang tingnan ko iyon ay biglang nawala ang ngiti ko.

Akala ko pa naman si Sabrina.

Sinagot ko na lang ito. Dahil, alam kong mangungulit lang tong babaeng 'to.

"Hello."

(Hi babe. Asan ka?)

"Na kila Maclen, bakit?"

(Can I come with you? Bored na bored kasi ako dito sa bahay)

"Ikaw bahala."

(Aah... Babe favor naman... Puwedeng sunduin mo ko dito sa bahay. Para Sabay na tayong pumunta kila Maclen?)

Hindi ko na siya sinagot. Bahala siya sa buhay niya. Pina-pagod niya ako. May importante akong pupuntahan... Sobrang importante, mas importante pa sa Airang iyon.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now