Chapter 65: The Date

45 2 0
                                    

Sabrina's POV

Pumunta kami sa hindi kalayuang lugar. Nang makababa kami mula sa kotse ay natukoy kong ito pala ang favorite naming tambayan na dalawa... Hindi ko man maiwasan ay napangiti na lang ako.

"Ahh... Binibini... Paumanhin ngunit puwede ko bang takpan ang iying mga mata?", napakunot-noo naman ako sa tinanong niya. Hindi dahil sa ang lalim ng tagalog niya kundi sa tinanong niya. Bakit kailangan I-blindfold yong mga mata ko?

"Bakit? May gagawin ka bang masama sa'kin?", tanong ko sa kaniya.

"Maaari ko bang saktan ang aking minamahal?", tanong naman niya kaya napatahimik na lang ako.

Ang ineexpect ko ay panyo ang ipantatakip niya sa'kin pero ang mga kamay niya ang nilagay doon at nagsimula kaming maglakad.

"This used to be our favorite place." sabi niya pero tahimik lang ako.

Tama siya... Dito kami nagpupunta after ng underground battle. Dito kami pupunta kapag magkikita kami. Hindi kasi alam ng parents ko. Dito kami kumakain, nagtatawanan, nagsasabi ng plano sa buhay...

Natigil lang ang pagpunta ko dito simula no'ng nawala siya. Nag-focus na lang ako sa pag-aaral at dumating si David... Ayon na, ang dami na ulit naganap sa buhay ko.

Huminto kami at unti-unti niyang inalis ang mga kamay niya at nakita kong may hinanda siyang isang maliit na date.

May red na petals ng rose na naka-heart... Lahat ng nakikita ko ay may petal ng mga rose. May mesa at may mga pagkain. Tanaw din dito ang paglubog ng araw. 5:30 na kaya maya-maya ay lulubog na ang araw.

In short... Maganda... And isa pa... Ganito ang gusto kong date...

"Take a seat..." sabay ngiti niya kaya napangiti na lang ako.

"Ikaw lang naghanda nito?", tanong ko.

"Oo... Hinanda ko 'to unang punta ko pa lang sa University niyo. Kaso lagi akong bigo... Mabuti nga ngayon ay hindi ka na tumanggi."

"Ganon talaga eh... Tara kain na tayo." sabi ko at binigyan niya ako ng pagkain... At lahat ay favorite kong foods.

Tahimik lang kaming kumain kaya mabilis lang kaming natapos. Maya-maya ay bigla siyang nagsalita.

"Sabrina.. Puwedeng favor?", uminom muna ako ng orange juice bago siya tingnan.

"Ano yon?", malumanay kong tanong.

"Puwede bang layuan mo na si David?", napatahimik naman ako sa tinanong niya.

"Bakit... ko naman gagawin yon?", tanong ko sa kaniya.

"Kasi... Nagseselos ako... Nasasaktan ako.... Nandito na ako... Ako naman yong mahal mo diba?", napatahimik ako sa isinagot niya.

"Tingin mo gano'n lang kadaling iwan si David? Siya nong nandiyan nong hinahanap kita, siya yong nandiyan nong nangungulila ako sa'yo, siya yong nandiyan nong nawala, siya yong nagmahal sa'kin nong wala ka."

"Pero kung siya yong nandiyan, bakit ka niya iniwan... Kung siya yong nandiyan, bakit kita kasama ngayon? Akala ko ba mahal ka niya?"

"Sabrina, nandito na ako... Nakita mo na ako... Nakasama mo na ako... Puwede bang ako na lang ulit? Ako naman yong totoo mong mahal diba?"

"Sabrina... Tumingin ka sa'kin... At sabihin mong hindi mo na ako mahal... Sabihin mong gusto mo na akong mawala."

Unti-unting nangingilid ang mga luha ko.

"Oo... Mahal pa rin kita... Mahal na mahal... Kahit nawala ka ng dalawang taon, ikaw pa din yong nandito." sabay turo ko sa kaliwang dibdib ko. Kaya napaluha na ako. "Ikaw pa din yong mahal ko. Walang nakapantay sa pagmamahal mo sa'kin..." kaya bigla siyang ngumiti.

"Pero I'm sorry..." at tumulo na naman ang luha ko. "Hindi kita kayang patawarin sa ngayon... Hindi ko magawa nang ganon-ganon lang..."

"Sabrina... Promise ko sa'yo gagawin ko lahat bumalik ka lang sa'kin. Pangako ko sa'yo hindi na ako mawawala sayo."


"Edwin... Babalik ako sa'yo pero hindi na muna sa ngayon. Everything takes time..." sabay ngiti ko. Ngumiti din siya sa akin at niyakap na lang ako. Kaya ayon niyakap ko din siya. At hinalikan niya ako sa noo.


"Hatid na kita..." ngumiti na lang ako.


Hihintayin ko kita Edwin... Alam kong ikaw pa din.


* * *


Sinamahan ko si Mommy dito sa company para daw alam ko kung ano ang gagawin ko. Sus, parang may kahilig-hilig naman ako sa business thingy na yan. Kaya nga hindi ako gumaya ng course kila kuya eh kasi wala akong kahilig-hilig dito.


Kanina pa kami palipat-palipat ng room dahil daw ay mga meeting with the board... But me... Di ako nakikinig... Kasi naman wala akong maintindihan. Tapos daw sakin daw ito ipapamana? Seryoso ba si Mama doon? Hindi niya ba maintindihan na wala talaga akong kahilig-hilig doon.


Siguro kong ipapamana sa akin yon ay siguro wala pang isang araw ay na-bankrupt na ang business namin.


Nandito kami sa conference room. Pang-limang meeting na namin ito. Ito ba ang ginagawa nila kuya lagi? Kapagod naman buti nalang at aircon dito.


Bago pa man mag-umpisa ang meeting ay napatingin ako sa pinto. May babaeng dumating...


Si Tita Mia... Mommy ni Edwin.


Nagbalik na din siya...


Hindi naman nagtagal ay nag-umpisa na ang meeting. Hindi naman nagtagal ay inantok ako... Sa'kin ba naman itinutok yong hangin ng aircon... Sinong di aantukin doon?


Tumayo naman kaagad ako nang matapos ang meeting.


"Una na ako Mommy..." sabi ko at naunang lumabas sa room.


Bago pa man ako makapasok sa elevator ay may humigit na sa kamay ko mula sa labas. Agad ko namang nilingon iyon at nakita ko si Tita Mia...


"Tita..." sabi ko. "Nakabalik na ho pala kayo." malumanay kong sabi.


"Can we talk?", seryosong tanong niya.


"Yeah... Sure tita." sabi ko. At pumunta kami sa pinaka-malapit na café. Pagdating naman namin doon at umorder siya ng dalawang cappuccino.


"I have something to tell you..." seryosong sabi ni Tita.


"A-ano po yon?", utal kong tanong... Bakit parang kinakabahan ako.


"No'ng umalis kami ni Edwin... Hindi niya nasabi sayo." napakunot noo naman ako sa kaniya.


"What do you mean, Tita?", tanong ko.


"Kaya kami pumuntang states... Dahil may sakit siya..."


"Ano pong sakit niya?", kinakabahang tanong ko.


"Edwin told me na wag sabihin sa'yo... Kilala ka niya, at kila rin kita.... Alam kong mag-aalala ka. No'ng nasa States... Desidido siyang gumaling para makauwi na dito, at makasama ka."


"Tita... Yong sakit niya ba gaano kalala?" mahina kong tanong.


"A little bit..."


"Magaling na ho ba siya?", worried kong tanong.


"Yes.... For now..." nabunutan naman ako ng tinik.


So kaya pala nawala si Edwin nang dalawang taon... Dahil may sakit siya. Pero bakit di niya sinabi sa'kin yon kagabi?


Napatingin ako kay Tita Mia nang hawakan niya ang kamay ko.


"Kaya sana... Patawarin mo na siya... Bumalik ka na sa kaniya..." ngumiti naman ako.


"Yes Tita... I'll come back to him... I promise."


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now