Chapter 58: Underground Battle

54 2 0
                                    

Sabrina's POV


Huminto kami sa isang abandonadong building.


"It's nice to be here again." sabi ni Mae sabay ngisi. Napangisi lang din naman ako dahil last November pa naka-underground battle.


"Sino kaya makakalaban natin this night?", tanong naman ni Andrea.


"Sana naman, yong marunong lumaban." sabi naman ni Rose.


Bago kami bumaba ay tinanggal ko muna ang kuwintas sa leeg ko. Napangiti ako dahil ang ganda niya. At sa sobrang ganda niya at ayaw kong masira iyon.


"Ang ganda ng kuwintas mo ah. Kanino galing yan?", tanong ni Andrea.


I gaved a sigh. "David gave me this after new year."


Nagtinginginan silang lahat sa akin.


"Kayo na ulit?!?", tanong nilang lahat.


"Hindi 'no." tanggi ko. "Last time he asked me, if puwede kaming maging friends. And isa pa, naka-move on na siya, and so I did... I heard his inlove again. Kaya pumayag na ako na maging friends kami."


"Naka-move on ka na agad?", tanong ni Mae.


"Yeah... Matagal na. He broke up with me 2 weeks before my birthday so I should move on. Matagal na panahon na iyon."


"Sa bagay." si Rose.


"Pero ingat na ingat na ingat sa kuwintas ah. Halatang nagki-care pa." sabat ni Lyn.


"Alam niyo, bumaba na tayo." at ako na ang unang bumaba. Madami pa kasi silang itatanong.


Pumasok kami doon sa building, bago pa man kami maka-punta mismo doon sa underground battle ay hinarang na kami ni kuya Steve, nagba-bantay dito sa underground, ka-gang mates dati ni Kuya Lei.


"Code name."


"Bad Blood." kaagad na pina-pasok kami sa loob. Kaagad na lumapit ako sa kanila Marvic, di pa nga nila kami napansin dahil tutok na tutok sa dalawang gang na naglalaban.


"Kailan tayo lalaban?", sabay-sabay pa silang nagulat. Mga ka-grupo ko ba talaga ang mga ito?


"Ui Master... Tumaba ka ah." sinamaan ko naman ng tingin so John... Sa dami ng puwedeng sabihin. Ayon pa talagang tumaba ako? Pero tumaba ba talaga ako? Napadami kasi ang kain ko nong New Year, pasensiya naman. Patay-gutom lang.


"Pagkatapos niyan at The Trinity ang makakalaban." ano daw? The Trinity? Bagong gang ba yon?


"Bagong gang?", kunot-noong tanong ko.


"They are from lower rank." explain ni Peter.


"From lower rank? Eh diba bawal yon?", kunot-noong taong ni Andrea.


Oo nga dahil magiging unfair yon sa isang gang. Yong isang gang sa mataas, tapos yong isang gang sa mababa, and we all know na mga malalakas ang mga nasa highest rank.


"Binago na daw eh." Sabi naman ni Makmak.


Ang may karapatan lang magpabago ay yong pinaka-mataas sa buong gang. Si Tito Kobe lang at si Kuya Red. So, kaya ba nandito sa Manila si Tito Kobe, last year?


"And our next battle, The Trinity versus Bad Blood." rinig ko mula sa speaker.


"Good luck Master, request back up ka lang." natawa naman ako sa sinabi ni Makmak.


Ako ang unang pumasok sa cage kasama sila Andrea at Mae.


"Ikinalulungkot kong sabihin na wala muna ang leader The Trinity. Dahil may problema sa pamilya." rinig ko na naman sa speaker.


Wala palang leader ah... Napangisi ako at nang tingnan ko sila ay ngumisi din. Lumapit din sila sa'min. Tatlo lang din naman kasi sila. So it means, tag-iisa kami ng makakalaban. Sumugod sila, at ang lumapit pa sa akin ay may dalang balesong.


Umilag-ilag ako dahil ayokong madungisan ang buong parte ng katawan ko at isa pa, masakit ang masaksak. Kung hindi niyo pa alam ang feeling ng masaksak... Try niyo minsan.


Nabangga mo yonh kinakalaban ni Mae, kaya tiningnan niya ako at bigla niya akong ki-norner mula sa mga braso niya. Katulad nong ginawa ni David sa akin noong isang araw.


Shiiit... Pano nangyari ito?


Gumalaw-galaw ako para bitawan niya ako pero maya-maya ay may naramdaman akong tumusok sa tagiliran ko.


Ang sakit... Sobrang sakit...


Hindi ako makahinga...


"Mahina ka naman pala eh." bulong niya at binitawan niya ako kaya napahiga ako sa sahig. Hinawakan ko pa ang sugat ko. And it was full of blood... Nasaksak ako...


After 3 years, nasaksak ulit ako.


"Brina!", sigaw nilang dalawa.


"Sabrina!", rinig kong sigaw ng dalawang lalaki.


Nakita kong dumating si James sa harap ko nang hingal na hingal.


"Okay ka lang ba? Kaya mo pa ba?", sunod-sunod na tanong ni James. Natawa na lamang ako.


"Oo naman... Malayo sa bituka to." sagot ko.


"Sabrina!", rinig ko na naman at nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Edwin.


Sobrang worried nong mukha niya.


Tumayo si James at sinuntok niya si Edwin. Nagulat naman sila Andrea.


"Manloloko ka! Huwag na huwag kang makalapit kay Sabrina!", at binuhat niya na ako. At kaagad na lumabas doon sa cage.


"Kayo na muna ang lumaban doon." Sabi ni James sa kanila Mae, tumango naman sila kaya lumabas na kami doon sa abandoned building at sumakay sa kotse niya. Dali-dali naman niya itong pinaandar.


"Ui insan, kaya mo pa ba?", tanong niya.


Natawa naman ako sa kaniya.


"Don't worry... Malayo sa bituka 'to." at sabay kaming natawa. Kaya lang ay kapag tatawa ako ay lalong lumalabas sa tagiliran ko.


Natutuwa na ako dahil nasa labas na kami ng subdivision namin. Pero, biglang tumigil ang engine ng kotse. Dali-dali naman siyang bumaba at tiningnan niya iyon.


"Kaya mo pa ba?", tanong na naman niya sa akin.


"Bakit? Ano nangyari sa kotse mo?", nanghihinang tanong ko.


"Nasira ang engine eh." after niyang sumagot ay bumaba na ako.


Sinarado niya ang kotse niya at inakay niya ako papasok sa subdivision.


Nanghihina na ako...


Mamamatay na ba ako?


"David!", nakita ko pa sa harap ko si David. Dali-dali naman siyang lumapit sa amin.


"Anong nangyari?", kinakabahan niyang tanong.


"Pahatid naman kay Sabrina doon sa bahay nila. Kailangan kong balikan ang kotse sa labas eh. Puwede ba bro?"


"Oo... Oo naman."


Nanghihina na talaga ako. Hindi ko na kaya. Nanglalabo na ang mga paningin ko.


And the last thing I knew...


Natumba na ako...


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now