Chapter 80: Allied

40 1 0
                                    

Sabrina's POV



"This is the result of your exams. And obviously, all of you are passed in all of your subjects" At ngumiti ang prof namin kaya nag-hiyawan ang mga classmate ko kasama na din si Mae.



Sino ba namang hindi matutuwa kung ikaw ang nakapasa, hindi ba? At kahit hindi man ako sumali sa mga hiyawan nila ay masaya ako. Lalo pa at these past few days ay puro na lang problema ang pumu-punta sa pamilya namin. Kailan ba kasi kami titigilan nang problema na iyan.



"So class, next week ay sem-break niyo na ng one week.* at nag-hiyawan na naman ang mga kaklase ko kasama na si Mae. "And after next week ay start na ng second semester." Tumango na lang ako.



"That's all for today, congratulations to the all of you. You did a great job. See you in the second semester. After this, ay puwede na kayong umuwi. Class dismiss." At kaagad na lumabas ang proof namin sa room.



Masyado pang maaga para umuwi ng bahay. 9:00 AM pa lang naman kasi. At ayaw ko din naman na umuwi muna ng bahay, dahil alam kong boring lang doon.



"End na din kaya ang session nila Andrea?",  tanong naman ni Mae habang nagliligpot ng gamit niya.



"Maybe, text mo na lang siya para hintayin na lang natin sila sa bench." Sabi ko sabay tayo. Tumango naman siya kaya hindi ko na siya pinansin.



Si kuya Red ngayon ay okay na, buti nga daw ay wala natamaan na organs sa katawan niya. Dahil dae kung hindi ay siguradong mahihirapan ang mga doctors na tanggalin ang bala sa  loob.



Ngayon ay nasa Paris sila ni Ate shirley upang mag-honey moon. Naudlot kasi last time kaya ipinagpatuloy na ngayon.mag-iisang linggo na sila doon. Pero naisip ko lang. Ano kayang ginagawa nila doon no? Sana naman may pasalubong ako kahit limang box lang ng ferrero rocker. Lalo pa at February na ngayon, February 14 is coming pa naman.



"Nasa baba na daw sila, naghihintay." Kaagad naman kaming bumaba at nakita ko sila sa bench naghihintay.



"Saan tayo pupunta?",  tanong ko.



"May ipapakilala ako sayo." Sabi ni Anrea.



"Sino?",  matalinhaga kong tanong.



"Basta. Just come with me."



Tiningnan ko sila Rose kung may alam ba sila, pero mukhang wala din kaya sumunod na lang kami kay Andrea.



* * *



Napunta kami sa Valdez, it's been year since nagawi kami dito. Ito yong pumunta kami kay Ivan. And the last thing I remember ay sumunod pala sa amin sila David. Buti na lang ay hindi siya napahamak because of me.



"Anong gagawin natin dito?", takang tanong ko. Wala naman kasing katao-tao dito kaya anong gagawin namin dito, hindi ba?



"Basta, master." Sagot ni Andrea.
Maya-maya ay nakita kong papalapit si Ivan at ang ibang hindi ko kilala.



"So, what's with them?", tanong ko.



"Sila ang mga bagong gang leaders." Sagot naman ni Andrea kaya napakunot-noo ako.



"Leaders?", taka kong tanong at humarap kay Ivan. "Eh hindi ba, kanang kamay ka ni Pogs? Anong nangyari?",  curious kong tanong.



"Sumapi siya sa Skulls, na pinamumunuan nila Diego. Pinigilan ko siya dati, pero sumapi pa din siya."



New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now