Chapter 81: Frustrated

37 2 0
                                    

Sabrina's POV


Palabas kami Mae ng school. Hindi ko alam kung bakit kami nandito sa school namin noong high school. Para bang nagising na lang akong nandito na kami.


Hindi ko pa din mawari kung bakit kami nandito. Hindi ko din alam kung bakit kami naka-suot ng uniform at may bag sa likod habang hawak-hawak ang dalawang libro.


Habang nag-uusap kami ay bigla akong hinawakan ni Mae kaya napatigil ako at kaagad na tiningnan ko ang nasa harapan namin kung bakit kami nahinto sa paglalakad.


At nang makita ko iyon, ay napaka-kunot noo na lamang ako.


Isang naka-uniform na lalaki at naka-sakay sa isang bike, muntikan na kaming masagasaan ng bike.


At napatitig ako lalo sa lalaking nakasakay sa bike.


Si Edwin... Na ngumi-ngiti sa akin.


Ang ngiting iyon.


Magsasalita na sana ako nang biglang maglaho ang lahat at nakita kong nasa kuwarto lamang ako.


Panaginip na naman?


Haays...


Kailan ko ba siya makikita?


At naisip ko na lang ang high school days namin doon  ilang years din kaming nawalay doon. Dito kami mula freshman hanggang senior. Yong JS na mukha akong basahan, yong mga kaklase kong nag-iiyakan pa nong graduation, tapos pagdating naman ng college ay wala nang pansinan, isa-isahin na natin bawat year.


Freshman year, dito ang unang taon namin sa high school, naalala ko pa nong first quarter ay ako ang pinagsulat ng reporting namin, tapos ako pa ang nag-report. Ang sipag kasi ng leader naming si Syzon. Pero wag ka, sa'kin lang mabait yon. He even cry no'ng natalo namin sila sa laro no'ng physics subject namin. Pero, I don't know why but kung kailan patapos na ang school year namin ay nagka-crush ako sa kaniya. Nalaman niya pa nga iyon eh, kasi sinabi ni Mae, yong dating closeness namin, bigla na lang nawala.


Sophomore year, dito naman yong nagka-hiwalay kami ng section ni Mae. Pero hindi naman mahirap iyon dahil maraming nakipag-kaibigan sa akin, kahit na alam kong hindi pa nila ako kilalang lubusan.


And in the sophomore year, I met Edwin. Ang pagkaka-alam ko kung paano kami nagkakilala ay lagi niya akong tini-tingnan, hindi pa kami magkaklase n'on kasi nasa senior na siya samantalang ako naman ay nasa sophomore year. Hindi ko alam kung bakit kami nagkakakilala niyon eh magka-iba kami ng schedule.


And then junior year came, ay naging kami na ni Edwin. Sobrang saya ko niyon dahil gusto ko na din siya. Ang saya namin n'on, at naramdaman kong masaya din siya sa akin.


At siyempre sa junior year, may JS na, siyempre sumali kami nila Mae, Rose, Lyn, Andrea, mag-kaklase pa kami no'ng junior. Magkaka-table lang kami niyon. Yong tipong gandang-ganda silang lahat sa akin, samantalang tingin ko ay mukha akong basahan.
Masaya naman kami niyon. But at the same time, malungkot dahil hindi ko partner si Edwin.


That was the time that I can finally say that I love him. So much more. More and more.


Then senior year came, not like before na pachill chill lang kaming dalawa ni Mae ay todo gawa na kami ng projects at magpapasa on time. Instead of Mae sleeping in the class, she is now always listening. And instead of puro lamon na ako ay iniintindi ko lahat kahit mahirap intindihin.


At nang dumating ang pasko noon ay namasyal kami ni Edwin sa Luneta Park. Ang saya-saya ko noon. Ang saya-saya namin no'n.


Pero hindi pa din alam ng Mommy ko na kami na ni Edwin.


And by that time, gangster na si Edwin. And so as he. Lalo siyang natuwa dahil, pareho daw kami ng buhay.


After the luneta park, he introduced me to his family. I met her two older sisters Edilyn and Aziana. Parang silang si Edwin.. Pero babae nga lang. Ganoon. Mom's Edwin is handling there business,  while her dad is a police man, general to be exact. Masayang-masaya ako dahil tanggap at gusto nila ako para sa unico hijo nila.


His dad even told me na tuturuan niya akong bumaril. But that didn't happen.


After that christmas, pagdating ng january ay wala na siyang paramdam. I waited him for almost 3 months at baka busy lang siya pero inabot na lamang ng ilang buwan ay wala pa din siya. Lagi din akong pumu-punta after ng klase ko sa bahay nila pero laging walang tao sa kanila.


Nang magtanong naman ako, ay umalis na daw ang nakatira doon. Tinanong ko kung saan nagpunta pero wala nang sinabi ang pinag-tanungan ko.


Lumong-lumo akong umuwi sa bahay niyon.


Hindi ko maisip kung bakit sila umalis.


Kung bakit siya umalis nang walang paalam sa akin. Ang saya pa namin noong pasko. Wala man lang siyang pasabi na aalis siya. Hindi man lang niya ako ininform na aalis siya, pada makapag-ready ako kahit papaano.


Pero wala eh... Bigla na lang siyang nawala na parang bula.


Ang laking impact niya sa akin. Ni hindi ako kuma-kain, lagi akong nasa kuwarto. Buti nga noong mga exams ko ay nakapasa ako, kahit walang pumapasok sa utak ko nong lessons.


He used to be my greatest downfall...


Dahil mahal na mahal ko siya.


Sobrang mahal.


I stop overthinking again. Ayoko nang ibalik ang dating ako. Dahil alam kong mahina ako noon.


Bumangon ako at dahan-dahang huminga.


I took my cellphone at inopen ang facebook.


Para ba akong nais-tuck nang makita ko ang screen ng cellphone ko.


Hindi ako maka-paniwala na siya itong nasa screen ko ngayon.


He set his profile picture in his facebook account awhile ago. May caption pang, ikaw muna.


Napaluha ako nang makita kung sino iyon.


Si Rejen na kaklase ko noong junior at si...


Edwin...

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now