Chapter 61: Harana

48 2 0
                                    

Sabrina's POV


Kumakain ako habang nanonood ng twilight. Wala kasing pasok ngayon at isa pa, wala din namang gagawin. Wait... Wala pala dapat akong gawin dahil hindi pa guma-galing ang sugat ko sa tagiliran.


It's been a week since nangyari ang underground battle, kagabi ay si Mae na muna ang pumalit sa akin. Galit na galit pa nga si Kuya Red, dahil daw hinayaan kong masaksak na naman ako. Ganoon din si Tito Kobe, ipapahanap niya daw ang sumaksak sa'kin pero ang sabi ko ay hindi na. It's all part of underground battle, right?  At bata pa ako, alam ko na ang mga bagay na ito.


At saka isa pa, ang masamang damo ay mahirap mamatay.


These past few days, ay hindi ko mawala sa isip si Edwin. Ewan ko ba sa utak at sarili ko at lagi ko siyang naaalala. Lalo na nong nakita ko siya sa underground battle, sobrang worried ng mukha niya nong nasaksak ako.


Pero, hanggang ngayon ay napapaisip pa din ako dahil sa reason ng pag-alis niya. Bakit ba siya umalis in the first place? May nangyari ba sa kaniya? Mahalaga ba ang reason niya para umalis siya ng biglaan at hindi nagpaalam sa akin?

It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you


Napatigil ako sa pag-nguya. Tama ba yong naririnig ko? May nang-haharana? Kanino naman? Sa kabilang bahay? Sa kanila Mary?


Aba! Hindi ko siya kinaya. Kung ganoon ang suwerte niya. Sino naman kaya ang nang-haharana sa ka niya?


There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out


Hindi ba puwedeng wag na lang lakasan yong boses? Alam niyo yong feeling na nakaka-inggit?


I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh


Bumangon ako at kaya pala naririnig ko ay dahil bukas ang bintana ng veranda ng kuwarto ko.


Lumabas ako ng veranda. At bigla na lang tumibok ang puso ko sa nakita ko.


Gosh! Seryoso ba ito?


Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine


Si Edwin...


Nanghaharana...


Sa akin...


Oh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain


Seryoso ba siya sa ginagawa niya? Alam niya din ba ang ginagawa niya? Bakit niya ako hina-harana? At kasama pa ang mga ka-gang mates niya.


I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only


Tiningnan ko si Edwin... At naka-titig lang siya sa akin. At ang mga titig na iyon ay parang matutunaw na iyon.


Ang mga tingin na iyon... Alam kong sincere siya.


Pero hindi... Ayoko na.


I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you


Ano na naman ba 'to Edwin?


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now