Chapter 11: Revelations

182 7 0
                                    

David's POV


Kinapa ko ang katabi ko. Pero wala si Sabrina. Napamulat ako, wala na siya. Iniwan niya na ako. Iniwan niya na ako. Iniwan na ako ng taong mahal ko dahil sa kalokohan ko.


Tsh... Bakit ba ako nagkaka-ganito? I know naman na susunod din kami in Manila.


Bumangon ako... Wala na din ang maleta niyang dalawa.


Bago siya umalis, ano kayang ginawa niya sa'kin?


Bumaba na lang ako dahil nagugutom na ako. Tiningnan ko ang wall clock ni Sabrina sa kuwarto at 9:00 AM na. Sa bahay 5:00 AM pa lang gising na ako. Pero ngayon 9:00 AM, ngayon lang ako nagising.


"Morning dude." sabi ni James.


"Kain ka na muna, bago ka umuwi. Sabihin pa ni Tito, pinapayat kita." sabi naman ni Maclen.


Umupo ako sa tabi ni Maclen. At sumubo ng kanin at tocino.


"Bakit parang bihis na bihis ka?", tanong ko kay Maclen.


"Tss... May pasok na tayo... Kaso ikaw lilipat ka na ng Manila."


Napatingin ako sa kaniya.


"Anong date ngayon?", tanong ko.


"June 3... Kung gusto mo nang kunin ang card mo... Kunin mo na sa school." sabi ni Maclen.


"Samahan na lang kita." sabat naman ni James. "Ano nga palang kinuha mong course?", baling niya kay Maclen.


"Business Ad..." sagot naman ni Maclen.


"Ikaw?", tanong sakin ni James.


"Accountancy. How about you?", balik kong tanong kay James.


"Lawyer."


"Ang galing naman ng pamilya natin. May police, may lawyer, baka one day marinig ko may doctor na din." natawa kaming lahat.


Tahimik na ulit ang atmosphere.


"May kailangan kayong malaman." napatingin ako kay James. Bakit bigla akong kinabahan?


"About kay Sabrina." dagdag ni James.


"What about her?", kunot-noong tanong ni Maclen.


"Sabrina has a gang." napatigil kami sa pag-kain ni Maclen.


"What? Are you sure? You're just kidding right?", sunod-sunod na tanong ni Maclen.


"I'm sure... As what I've said she has gang. She's the leader. And I think kaya siya bumalik ng Manila dahil may problema." explain niya.


Kung ganoon hindi siya umalis dahil sa ginawa ko? Sana, mapatawad niya ako.


"Ano naman yon?", tanong ni Maclen.


"Hindi ko alam... Masyadong masikreto si Sabrina."


"Tss... I never thought natutunan niya ang mga moves niya sa pagiging police. Tapos malalaman ko, leader siya ng gang. Ang galing eh no?", at natawa si Maclen. Oo nga noh?


"Ikaw, kabilang ka ba sa gang nila?", tanong ko kay James.


"Hindi." sabi niya.


"Ahh guys... Una na ako... Mala-late ako sa first class ko." at umalis na si Maclen.


"Wait for me here... Maliligo lang ako after that punta tayo sa bahay niyo. Para makapunta tayong school mo." at umalis na siya.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now