Chapter 78: The Wedding

59 1 0
                                    

Sabrina's POV

"Okay na ba ang lahat? Wala na kayong nakalimutan?", tanong ni Mommy.

"Okay na Tita." Sagot ni James.

"So, alis na tayo. Tara na kuya Roger."

"Sige po ma'am." Sagot ni kuya Roger at kaagad na pinatakbo kaagad ang van na sinasakyan namin ni kuya Roger.

After ng ilang weeks, naintindihan na din ni Mommy ang ginawa namin kay tito Romeo. She said sorry dahil ang bilis niyang magtiwala kay tito Romeo without  seeing his full background.

But as kuya Rex what saying, that's love, ay hindi ko din naman masisisi si Mommy dahil nagmahal lang din naman siya. Ang akin lang naman ay kilatisin niya muna ang lahat sa isang tao bago siya mag-settle sa isang tao.

Kaya ayon, okay na din kami nila Mommy sa bahay, nag-uusap na ulit kami kagaya ng dati. Sabi pa nga ni Mommy ay maghahanap na lang daw siya ng foreigner sa mga social media. Kaya natawa na lang kami.

Pero na-realize ko lang na habang patanda tayo ay feeling natin mag-isa tayo. Feeling natin na mag-isa lang tayo. Kasi, darating naman sa araw na mag-aasawa ang mga anak mo at kung wala ka namang asawa ay ikaw lang ang mag-isa sa buhay.

Siguro ayon yong reason kaya nag-boyfriend si Mommy, almost perfect na sana eh. Kaya lang, tatay pala ni Diego. Kaya ekis na agad.

Ngayon pala ay papunta kaming Bataan dahil ikakasal na doon si Kuya Red at ate Shirley. At ngayon ay, hindi na namin siya kasabay papunta sa Bataan,  dahil last last week lang ay pumunta na siya doon.

So ayon na nga, magpapakasal na sila. They've been together for almost 6 years already. And I think this is the time to settle down for both of them. Kasi alam niyo naman, patanda na tayo ng patanda kaya bago pa lumampas sa kalendaryo ang edad ay mag-pakasal na.

So ayon na din, nasa Bulacan pa kami. Malayo-layo pa dahil doon kami nag-bakasyon last year nila Maclen. Muntikan ko nang makalimutan iyon. Last year lang pala nangyari lahat ng pait, lahat ng hirap, lahat ng sakit, at siyempre lahat ng saya.

Napangiti ako sa naisip ko. Nag-settle down na si Kuya Red, siguro sunod-sunod na sila kuya niyan. Siguro ako, nasa 30 pa ata ako mag-aasawa. Paano ba naman kasi wala akong jowa.

Duh. Wag kayong maingay.

"Malayo pa ang Bataan kaya puwede pa kayong matulog kung gusto niyo." Rinig kong sabi ni Mommy.

Nagka-tinginan naman kaming dalawa ni James at parang nagbabasa kami ng isip. Ayon na nga, naisipan naming maglaro ng Mobile Legends, kagaya ng ginawa namin last year habang papunta naman kami ng Pangasinan.

Si Silvanna ang gamit ko, samantalang si James naman ay si Pharsa. Kaya ayon naglaro kami hangga't gusto namin. Si Kuya Rex naman ay naglalaro din ng Mobile Legends, di namin siya puwedeng maging kakampi dahil mythical glory na siya, samantalang kami naman ni James ay Epic pa lang. Si Kuya Leo naman,  at ayon naka-videocall sila ng girlfriend niyang si Ate Del (na uri ng downy ang pangalan. Chaar.) Hahaha.

* * *

"Ate bakit ang ganda mo?", tanong sa akin ng beki na nagma-make up sa akin.

Napangiti na lamang ako dahil wala naman akong masabi sa comment niyang ang ganda ko. Well, maganda naman talaga ako. #proud. Siyempre kung anong meron ka ay dapat mong ika-proud iyon dahil binigay iyon ni Lord at isa pa, binigay iyon ni Lord dahil ayon talaga ang para sa'yo. You have your own beauty kaya ipagmalaki mo at maging proud ka.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now