Chapter 73: Where Is He Again?!?

37 2 0
                                    

Sabrina's POV




Mabilis na natapos ang dalawang linggo. May pasok na naman. 'Yong ibang mga teachers ay nagbigay ng mga lectures, yong iba naman ay nag pa-recitation na. Dahil three weeks from now ay mid-term exam na naman namin. Kaya ayon mina-dali na nila. Kanina nga sa Literature ay ayaw ko sana mag-sulat dahil ang haba ng mga susulatin. Paano ba naman kasi, ngayon lang nagpa-lecture yong teacher namin. Tapos sama mo pa sa ibang mga subject. Kaka-stress. Tapos may thesis pa. Bigti na talaga.



Wait. Kailangan ba talaga yon sa buhay?



Haays.



Can somebody tell me what's the importance of the thesis?



Kakaloka.



Buti na lang at may vacant kaming two hours. After that ay isang subject na lang ang papasukan namin ni Mae. Napagpasyahan naman naming dalawa ni Mae na wag ng pumasok doon. May recitation kasi at simula pa lang talaga ay wala na kaming naintindihan ni Mae. At saka isa pa, wala kaming maisasagot ni Mae sa recitation. Kaya nag-punta na lang kami ng milk tea shop. Same lang kami ng flavor na Black Forest, so ayon nga, may promo daw na tatlong large milk tea at 160 lang. Ang tanong para kanino yong isa? Eh dalawa lang naman kami.



"Tingin mo kanino 'tong milktea?", tanong ko kay Mae. Eh kasi naman, unang higop ko pa lang ng milktea ay iba ang lasa. Iba ang lasa or di lang talaga ako sanay sa ganitong inumin? Shake naman kasi talaga ang gusto ko, kaya lang walang shake. Kaya napa-milktea na lang ako, isa pa libre lang naman niya ito. Hindi ko alam anong nagustuhan niya sa milktea na mapait.



"Turn around." napakunot-noo naman akong nakatingin sa likuran ko kung saan ay nandoon ang glass door. At saktong pagkalingon ko ay bumukas ang pinto at pumasok ang mga kaibigan ni David at si David. Kunot-noo kong tiningnan si Mae.



What does she mean?



"What do you mean?", taas kilay kong tanong sa kaniya.



"Hay naku, wag ka ngang magmaang-maangan diyan." sabay roll eyes niya sa akin.



"Seriously?", tanong ko sa kaniya. Baka lang kasi nagbibiro lang siya.



"I'm serious MASTER." and she emphasised the word master at ngumising aso.



Shiiit nakakahiya itong gagawin ko. War pa din kami hanggang ngayon ni David eh. Hindi ko alam kung war ba yon or closure na talaga yong usapan namin last year.



Alam niyo kasi, nahihiya ako sa kaniya.



"Okay fine." at tumayo ako kasabay ng pagkuha ko ng milktea.



At hinarap si David.



"Ahm, David." and I fake a smile sabay abot sa kaniya n'ong milk tea.



"What for?", English niyang tanong. Aba, ume-english na siya.



"May sobra kasing isa, eh sabi ni Mae sa'yo ko na lang daw ibigay. Pero kung ayaw mo naman, itapon mo na lang." at tumalikod na ako.



Hindi pa man ako nakakalakad ay narinig kong may nagtapon sa basurahan. Parang padabog.



"I don't need a milktea coming from you." at nilagpasan ako ni David.



Wait, what?!?



What did he just say?!?



"Better luck next time girl." at nakita kong kumapit sa braso ni David si Loren. Aba, tarsier lang?



New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now