Chapter 44: Sorry

55 4 0
                                    

David's POV



"Hi David." ngiting sabi ni Tita Luz.



"Hi din po Tita." ngiting sagot ko. Kunwari wla akong alam sa pinag-usapan nila kahapon.



"How are you?"



"Okay lang po Tita.." ngiti ko ulit.



"David..." and I looked at her.



"I'm sorry."



Kumunot ang noo ko.



"Para po saan?"



"Basta... Malalaman mo din in the right time." and then she smiled.



"Mars... Juice oh." biglang sulpot ni Mommy. "You David... You want?", tanong naman ni Mommy kaya kumuha ako.



Kaya ba nagso-sorry si Tita Luz at pinag-hiwalay niya kami? Kahit hindi na siya mag-sorry basta tanggap lang nila kami.



Maya-maya biglang dumating si Nikki na hingal na hingal.



What's with her?



"Hingal na hingal ka ah." sabi ko kay Nikki.



"Eh kasi kuya..." sagot niya habang hingal na hingal pa din.



"What's wrong with you Nikki?", tanong naman ni Mommy.



"Eh kasi po Tita si ate Sabrina nagsusuka sa tapat NG bahay niyo."



Wait what?



Did I hear it right?



Naunang lumabas si Tita Luz at sumunod kaming tatlo ni Mommy at Nikki.



Anong nangyari kay Sabrina?



And nang makalabas kami ay nakita ko si Sabrina na suka ng suka sa may gutter.



May kasama siyang lalaki at hindi ko alam kung sino yon. Nakatalikod kasi silang dalawa parehas. Yong lalaki kasi ay naka-hawak sa magkabilaang balikat ni Sabrina. Samantalang si Sabrina naman ay nagsusuka na naman.



Ano na naman bang nangyari kay Sabrina?



Dumiretso ng tayo si Sabrina pero ilang segundo lang ay bigla siyang natumba. Buti na lang at nandoon ang lalaki para sumalo sa kaniya.



"Dalhin mo muna siya sa kuwarto niya." utos ni Tita Luz kaya dali-dali itong tumungo sa loob ng kuwarto ni Sabrina.



Pumasok kami sa bahay at doon namin nakita si Tita Luz na umiiyak sa sahig.



"It's all my fault. Hindi sana siya magkaka-ganiyan kung hindi dahil sa'kin."



"Don't blame yourself baka may nakain lang siya na hindi puwede." pinahid naman ni Tita Luz ang mga luha niya dahil sa sinabi ni Mommy.


"David, pabantay naman muna kay Sabrina. I just call ate Delia para malaman kung ano ang nangyari kay Sabrina." Tita Luz explained.



"Samahan na kita. Baka bigla kang mag-break down." at lumabas na sila ng bahay.



Si Tita Delia ay yong Mommy ni Romel. Manghihilot kasi yon so baka alam niya ang nangyari kay Sabrina.



I go to Sabrina's room, pero hindi ko alam kung nasaan iyon. Bababa na sana ako nang may makita akong pinto na nakaawang. Kaya pumasok na ako.



Naramdaman yata nong lalaki ang pagpasok ko kaya napalingon siya.



"James?", gulat kong tanong.



"Nice to see you again." ngiting sagot niya.



"You too." sabi ko na lang.



Bakit ganito siya kung maka-ngiti sa akin ngayon? Anytime puwede niya akong suntukin dahil iniwan ko ang pinsan niya.



"Anong nangyari kay Sabrina?", tanong ko sabay upo sa tapat ni James. Nasa gaitna naming dalawa si Sabrina na mahimbing na natutulog.



"Honestly, hindi ko din alam. Bumaba siya sa kotse ko suka na siya ng suka." explained niya.



"Or baka may ulcer siya." dagdag niya pa.



Ulcer? What the fuck?



Bakit ba kasi hindi kuma-kain si Sabrina? May pagkain naman sila?



I look at her... Putlang-putla siya.



Ano ba ang nangyari sa kaniya?



"I guess you need time to talk." hindi pa man ako nakakasagot ay lumabas na si James.



Maybe, this is the right time to explain this everything. Dahil baka kapag gising siya ay hindi niya ako pansinin, just like in chat.



"I'm sorry..." panimula ko. "I'm sorry. I hurt you.. Again." nasaktan na naman kita. "Nag-promise pa naman tayo sa isa't-isa na hindi natin iiwan ang isa't-isa pero ako ang unang nang-iwan. I'm sorry for that. Ngayong alam ko na ang lahat. I'm taking you back. Sana, hanggang ngayon ako pa din."



"I love you Sabrina... Baby." and I kiss her forehead. At pagkatapos niyon ay lumabas na ako ng kuwarto ni Sabrina.



Ilang araw na ba no'ng nagka-hiwalay kami? Sana nga, ako pa rin ang puso niya.



Sinarado ko ang pinto at nakita ko si James na naka tayo sa tabi ng pintuan. And his hands are in the pocket.



"If you're winning her back. Make sure may alas dahil may makakalaban kang maraming alas." napakunot-noo naman ako. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako. "Nice seeing you here bro."



He said and he closed the door.



What does he mean?



Sinong maraming alas ang tinutukoy niya?



New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now