Chapter 63: His Reason

42 2 0
                                    

Edwin's POV


You won't be here... Sana hindi ka na lang bumalik. Hindi na kita...


Hanggang ngayon ay nage-echo pa din ang mga salitang binitawan ni Sabrina. Nang marinig ko iyon mula kay Sabrina ay tila ba parang dinu-durog ang puso ko para bang tinu-tusok ang puso ko nang paulit-ulit.


Kung alam mo lang Sabrina... Pinilit kong bumalik para sa iyo.


Nang makarating kami sa bahay at humarap ako kay Pogs. Lumapit ako kay Pogs at sinuntok siya sa panga kaya nagulat siya at natumba siya.


"Pinapa-bantayan ko siya sa'yo diba?!? Sabi mo wala na sila?!? Ano yong kanina?!? Sila pa din hindi ba?!?", galit kong tanong kay Pogs.


"Nag-break na sila eh."


"Wag ka na sumagot! Mag-isip ka na kung anong magagawa mo para mapaghiwalay sila." sabi ko at pumasok sa bahay.


Kumuha ako ng beer in can at ininom iyon.


Nang maubos ko iyon ay inihagis ko iyon sa kung saan. Itinumba ko ang ba basahin naming mesa. Lahat ng mahawakan ko ay nahahagis ko.


Nasasaktan ako...


Dali-dali namang bumaba si Mommy.


"Oh anak... What happened?", worried niyang tanong.


Lalaki ako pero kay Mommy ko nailalabas ang mga saloobin ko, sa kaniya ko nailalabas ang mga sama ko ng loob. Sa tuwing umiiyak ako ay siya ang laging suma-salo. Sa loob ng dalawang taon siya ang nasa tabi ko.


"Tell me... What happened?", sabay punas ng luha sa akin ni Mommy sa pisngi ko.


"Sabrina told me that he doesn't want me... She said she don't love me anymore. She even told me that I shouldn't come back." at tumulo na naman ang luha ko.


Sabihan niyo nang bakla ako or whatever but this is what I feeling right now... I am in pain right now. Masakit ang mga binitawang salita ni Sabrina. Pero mas masakit nang makita ko mismo sa aking harapan na may iba na si Sabrina.


"Anak... Siguro kasi nagulat lang siya sa pagbabalik mo... Umalis ka ng walang paalam sa kaniya... Hindi mo naman siya masisi diba?"


"Ano nang gagawin ko ngayon Mommy?", worried kong tanong.


I don't want to lose the girl that I have promises to. Ayoko siyang mawala. Ayoko siyang mawala ulit sa akin. Ayoko siyang umalis ulit sa akin.


"Wait for the perfect time. May oras para sa lahat ng bagay. Let this day pass. Hayaan mo muna si Sabrina."


"Pero Mommy, paano kung makuha ulit sa akin si Sabrina?", tanong ko na naman.


"No... Trust me... Hindi mangyayari yon. Mapapasayo ulit si Sabrina... Magtiwala ka sa'kin."


"Promise?", naluluhang tanong ko.


"Promise... Edwin." sagot naman ni Mommy. "Magpahinga ka na sa kuwarto mo, baka mapano ka na naman niyan dahil sa sakit mo."


Tumango ako at tumayo na at pumunta na ako sa aking kuwarto.


Napaupo ako sa gilid ng kama.


Oo... May sakit ako. Lung cancer, at stage 4 na ito... I was gone for two years para magpagaling sa States. Pero maski sila ay walang magawa. Malala na daw ang sakit ko, kaya di na siya kayang lunasan. Sabi pa ng mga doktor doon ay bilang na lang ang mga araw ko.


Hindi ko na nasabi pa kay Sabrina dahil ayaw ko pa na mag-alala siya. Alam kong may gagawin din siyang masama kapag nawala ako kaya ayaw kong mangyari iyon sa kaniya.



As if naman na mamamatay agad ako. Isa akong masama ng damo.


Nang malaman naming wala ng gamot ang sakit ko, ay napag-desisyonan ko nang umuwi ng Pilipinas. At kahit nasa States pa din ako ay may connection pa din ako sa Pilipinas. That's why Pogs, always approaches Sabrina. But that time, sila na pala ng David na iyon.


Pumunta ako sa veranda ng kuwarto ko at nakita ko si Pogs, at mga ka-gang mates naming dalawa.


Tss... Bakit pa kasi sumali yang si David sa kuwento naming dalawa ni Sabrina? Sa dami ng babae sa mundo bakit si Sabrina pa? Saan ba nanggaling yong David na yon? Bigla na lang sumulpot.


Pero napaisip na lang ako bigla.


Kasalanan ko din naman siguro ang lahat ng nangyayari ngayon diba? I left without a reason, pero hindi ko din masabi-sabi ang totoong nangyayari sa akin kay Sabrina.


Bigyan mo sana ako ulit ng isa pang chance Sabrina... Kahit sa huling pagkakataon na lang.


New Romantics | CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant