Chapter 76: The Talks

35 3 0
                                    

Sabrina's POV


After ng mga ilang days ay naka-uwi na kami sa bahay. At doon ako nagpatuloy mag-pagaling. Ang suwerte ko daw dahil nabuhay pa daw ako sa kabila ng tama ng baril. Tss. Parang sa balikat lang naman ako natamaan. It's not a big deal.


Hindi pa din ako nakakapasok sa school dahil na din sa hindi pa ako totally magaling. At dahil pinaghahandaan ko ang pagbabalik ni Diego. Yes, alam kong natamaan siya ni David pero alam kong hindi kaagad iyon mamamatay at pinaghahandaan niyon ang pagbabalik niya. Kaya dapat ready na din ako.


"Here's your food." Bumukas ang pinto at nakita ko si James na hawak-hawak ang tray ng pagkain. Tinanggap ko naman ang pagkain dahil gutom na din ako.


Habang kumakain ako ng oatmeal ay pansin kong hindi mapakali si James. Ano namang nangyari dito?


"Oh? Anong nangyari sa'yo?", taka kong tanong sa kaniya. Para kasing may bumabagabag sa kaniya.


"Ah wala. May iniisip lang." Sabay iwas niyang tingin sa akin.


"About naman saan?",  kunot-noo kong tanong.


Matagal siyang nakatitig sa kawalan.


"Hoy,  ano nga?",  tanong ko at gulat na gulat siyang tumingin sa akin.


"About lang sa course ko. Final exam na kasi next week. Iniisip ko lang kung gaano kahirap iyon." Sagot niya.


Oo nga pala finals na next week. Hindi pa ako nakakapag-review kasi naman natamaan pa ako ng baril ni Diego eh. Ito tuloy ako,  hindi ako nakapag-review. Ang dami ko talagang iga-ganti kay Diego. Yong acads ko at ang gangs.


"Sus,  ang talino mo kaya. I'm sure you can do it." Sabi ko sa kaniya sabay tap ng shoulder niya.


"Yeah." Sabi niya sabay ngiti. "Sige na, magpahinga ka na." At ayon ay kinuha na niya ang pinag-kainan ko at lumabas na siya ng kuwarto ko.


Humiga muna ako at nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. Maya-maya ay medyo sinipag na ako kaya kinuha ko na ang mga notes ko. Gosh, nakalimutan kong may finals pa pala. Hahaha. Kaya ayon nag-review ako kahit medyo masakit ang ulo ko. Go lang para sa course kung criminology. Balak ko sanang mag-shift sa BSBA for our business, dahil daw sa akin ipapamana ni Mommy ang business namin at lahat ng branch. Kamusta naman utak ko doon diba? Criminology ang course ko. Tapos ang magiging trabaho ko sa future business. Kamusta naman kaya iyon?


Pero kasi kung magshi-shift naman ako ay baka mahirapan lang ako sa BSBA dahil hindi ako prone sa business matters. And isa pa ay nandito ang passion ko. Yes, mahirap ang criminology,  pero baliwala iyon dahil iyon ang gusto ko. At saka puwede naman siguro ipag-sabay ang trabaho ng pulis at pagma-manage ng business. Isa pa,  ay nandito naman sila kuya. At isa pa,  sa pasukan ulit ay fourth year college na ako. Sayang naman taon.


Nasa kalagitnaan ako ng aking pagre-review nang marinig kong bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Mommy. Speaking of...


"What brought you here?",  bored kong tanong sa kaniya.


"Anak..." Sabay lapit niya sa akin pero pinigilan ko siya.


"No. Don't come near me." Sabi ko at bumalik sa kama ko.


"I'm sorry." Rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin.


Tama na yong narinig ko nong bago ako mabaril ni Diego. Mas pinipili niya ang Romeo na iyon kaysa sa amin nila kuya Red. Ibig sabihin lang niyon ay hindi kami mahal ni Mommy at mas lalong mahal ni Mommy si Romeo. I don't want him to call Tito anymore. He ruined my family.


New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now