Chapter 26: Like What The F?!?

77 4 0
                                    

Sabrina's POV

"Sab... Bumili ka nga doon ng Red Horse." sabi ni kuya Rex.

"Bakit ako? Nasaan ba sila Manang?", tanong ko.

"May binili sa palengke... Ikaw na lang. Sama mo si Mommy." sabi ni kuya ulit. Lumapit na lang ako para kunin ang pera sa kaniya.

Birthday kasi ni kuya Rex kaya ako pinapabili niya.

"Saan ako bibili?", tanong ko.

"Malamang sa tindahan. Subukan mo sa hardware."

Haays... Kapag sila kuya talaga... Lagi na lang akong barado.

"I mean saang tindahan?", tanong ko.

"Doon sa may labasan ng subdivision na ito. Doon kay Jazon." napatingin naman ako sa kaniya.

Wait??? Tama ba ako ng pagkakarinig? Sa kanila Jazon? Sa tito ni David?

"Mommy, samahan mo ko. Sa labasan bibili daw ng red horse." at ibinigay ko ang pera para hindi na makapag-salita si Mommy.

At maya-maya papunta na kami sa karinderya nila. Sana sarado sila ngayon.

Nakita ko si David na nagce-cellphone, hindi niya siguro ako napansin. Kaya hindi ko na lang siya pinansin.

Bakit ba bukas tong karinderya nila? Wala naman silang ulam na niluto?

Pumunta sa loob si Mommy, ako naman nanatili lang ako sa tapat ng pintuan. Ayoko nga pumasok. Dahil nahihiya ako.... Hoy kahit naman ganito ako, hindi naman makapal mukha ko no.

Tapos nakita ko si Joyce na natatawa sa'kin. Mukha ba akong joker?

"Sabrina, Tara dito... Buhatin mo." sabi ni Mommy.

"Ilabas mo..." sabi ko. Kinakabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit.

"Bakit? Nahihiya ka ba kay David?", tanong ni Mommy. Dito na ako lalong nahiya.

Naghiyawan sila Tiyo Jazon, pati yong asawa niya tapos yong dalawa nilang anak na lalaki. Pati na din si Joyce... Sama mo na din si Mommy.

"Wag ka mag-alala, hindi ka pa niya papakasalan. Mag-aaral muna kayo." sabi ni Mommy.

Haays... Kung alam lang nila Mommy ang nangyari saming dalawa ni David. Hindi niya siguro masasabi ang mga ganyang bagay.

"Wag ka mag-alala Sabrina... Babantayan namin tong si David." sabi nman ni Tito Jazon.

"Oy... Nice one", rinig kong sabi ni David.

Tss... As if naman gusto kong marinig yong boses ni David. Yuck.... Magsama sila ng bago niya.

"Yie...." katabi ko na pala si Joyce. Bakit hindi ko napansin.

Tawa pa lang ni Joyce, natawa na ako.

"Ayy... Kinilig?"

"Hindi ah... Bakit ako kikiligin?"

"Namumula ka eh."

"Oo na lang." at kinuha ang dalawang bote ng red horse. At umuna na.

"Kinilig siya." rinig kong sabi ni Tiyo Jazon.

Pinakiramdaman ko naman ang tibok ng puso ko at normal lang ang tibok niyon.

So, ibig sabihin hindi ako Kinilig.

Haays... Kalimutan mo na si David.... Puwede ba?

Hindi na siya yong David na nakilala mo noon. He break his promises, he is a Casanova.

Like what the fuck right?!?

* * *

"Weh? Muling ibalik na ba ito?", sabay hiyaw ni Andrea.

Teka... Anong muling ibalik? Ang alin?

"Ang alin?", tanong ko naman agad. Siyempre noh...

"You and David together. Maybe in right time." sagot niya agad.

"No... That's not will happen. I don't care at him anymore." sagot ko.

"Talaga? July 11 pa lang ngayon tapos nakipag-break ka June 22. Sure ka wala ka nang pakialam?", sabat naman ni Lyn.

Tss... Bakit ko ba kasi kwinento yong nangyari kagabi. Ayan tuloy nani-nermon na sila. But when it comes to gang, ako ang nani-nermon sa kanilang lahat. Bakit ba... Bawian lang.

"Oo... And one thing he has a girlfriend diba? Just like what I said dalawa yon."

"Edi kabugin mo... Duh..." sabi naman ni Rose. Nakakatawa lang na ganito sila magsalita ngayon, pero Kapag sa underground battle na, wala ka nang maririnig na salita mula sa kanila.

"Tss... Bahala siya diyan... Buhay nila yon eh. Just like what I said before... Kung kami, kami at kung hindi edi hindi. Simple as that." explain ko sa kanila.

Maya-maya ay nag-ring ang bell na hudyat na may klase na ulit.

Nag-tanguan lang kami at nagiba-iba na ng direksyon.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now