Chapter 28: Who's Their?

70 5 0
                                    

Sabrina's POV

Dahil wala akong magawa sa bahay ay naglibot-libot muna ako sa labas ng subdivision.

Nang mapagod ako, siyempre umuwi na ako diba? So, ayon nga naglakad na ako pauwi.

Habang naglalakad ako ay may sumabay sa aking isang lalaki. Naka-white shirt siya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka pauwi na din siya at ako naman nagkunwaring may tina-type sa cellphone.

Maya-maya narinig kong nag-salita yong lalaking katabi ko. Siya pa din yong kasabay ko kanina.

"Pre, nakita mo si David?", tanong nong lalaki.

Did I heard it right? David? Sinong David?

Aish... Bahala na. Madami namang David sa mundo eh. Hindi lang siya.

Tapos may lalaking lumapit sa'kin. Yong lalaki naman na katabi ko kanina ay nakatingin sa'kin. Wait? Anong nangyayari?

"Ate, may kilala kang David?", tanong nong lalaking lumapit sa'kin.

"Hah?", takang tanong ko. Sinong David?

"Diba boyfriend mo si David?", tanong ulit nong lalaking kulot, yong lumapit sa'kin.

Kumunot ang noo ko...

"Kilig si ate oh." sabi naman nong lalaking katabi ko, which is straight ang buhok.

Yon na lang ang palatandaan ko sa kanila. Straight at kulot na buhok.

"Diba boyfriend mo si David ate?", tanong ulit nong kulot.

Napa-hah na lang ako. Ano isasagot ko sa tanong niya? Hindi ba nila alam na wala na kami ni David?

"Ate, wag mong ikakaila, kilala kita." sabi ulit nong kulot at tinuro-turo niya pa ako. Sa sobrang lakas ng boses niya, pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

What? Kailan niya ako nakilala? Paano?

Kilala niya din kaya si Marvin?

"Ate, single ka po?", tanong nong kulot.

As in what the fuck?!? Sa lahat ng itatanong bakit yong single status ko pa? Parang tanga lang.

"Ate, diba boyfriend mo si David?", yong kulot na naman ang nagsalita.

Papalit-palit lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bahala silang dalawa diyan.

"Ate, pinsan ko si David Morales." and that hit me. Pinsan ni David itong straight? How come?

"Kaibigan niya nga pala kami ate." yong kulot naman nagsabi.

Tiningnan lang nila akong dalawa. So, baka it means time ko na mag-salita.

"So, anong gagawin ko?", tanong ko na lang sa kanila.

Ano ba naman kasing gagawin ko sa kanila diba? Ano din bang paki ko sa mga sinasabi nila? Hindi na kami ni David. Kaya, what's my care with him?

"Wala." sabi nong lalaki at nag-walk out yong kulot.

Tss... Akala niya ah...

Palakad na sana ako nang biglang mag-salita ulit si Straight.

"Basta ate ah... Pinsan niya ako." sabi niya kaya umalis na ako.

Ano ba naman kasing paki ko diba?

Pero paano ba nila ako nakilala? Ngayon ko pa nga lang sila nakikita?

Bahala na nga siya diyan mag-isip.

Mas maganda pang umuwi na lang ako.

Naglakad ako patungong bahay at nakita ko si Joyce.

"Saan ka galing?", tanong niya.

"Wala, naglibot-libot lang." sabi ko.

Kilala niya kaya yong lalaking kumausap sakin kanina?

"Uhm... Joyce.."

"Bakit?", tanong niya.

At kwinento ko sa kaniya ang nangyari kanina sa labas ng subdivision.

"Yong kulot na may nunal sa mata?", tanong niya.

"Ewan ko basta kulot at straight yong buhok nila eh." I forgot their face.

"Baka si Potpot at Joshua yon."

"Aah... Okay... Thanks." at pumasok na ako sa bahay.

* * *

Lumabas na ako ng bahay dahil ihahatid daw ako ni Kuya Rex sa school namin. Kabog diba? Ngayon lang yan.

Dahil wala pa naman si kuya ay bumili muna ako ng candy sa kanila Nico.

Pagdating ko doon ay bukas na kaya lang ay doon mismo sa inaabot ang binibigay ay sarado.

Nag-aalinlangan pa nga akong bumili kasi baka Natutulog pa. Eh bakit naman kasi nila binuksan diba?

Bahala na nga...

"Pabili nga." sabi ko. At tinanggal yong nakaharang kaya nakita ko Si Nicole na kakagising lang. Ngumiti siya sa'kin. Kaya ngumiti din ako. Napatingin naman ako sa likod at nandoon si David, kakagising lang din. Ano ba yan, kakagising lang niya tapos ako agad ang nakita niya. Ang sama pa ng tingin niya sa'kin. Sobra...

Ano bang problema niya sakin? At ang sama ng tingin niya?

"Ano yon ate?", tanong ni Nicole kaya napabaling ako sa kaniya.

"Mentos nga 20 piraso." sabi ko kaya kumuha na siya ng mentos. Kahit hindi ko tingnan si David ay alam kong ang sama ng tingin niya sa'kin.

Haays... Sapakin ko kaya siya?

"Ate oh... Ito na." ngiting sabi niya kaya nagbayad na ako at umalis na sa tindahan nila.

"Oh Sabrina... Tara na." sabi ni Kuya Rex at sumakay na ako sa kotse niya. Nag-drive naman agad siya kaya inon ko na lang ang radio sa kotse niya.

Hindi na nila ako bibigyan ng kotse dahil yong bagong kotse ko daw ay may gasgas na naman daw ulit eh limang araw pa lang naman.

Magco-commute na lang daw ako. Okay lang naman sa'kin yon dahil sila Mae, Lyn, Rose at Andrea ay ganoon din. Okay na rin naman na iyon dahil hindi ako hinahatid-sundo ni kuya Roger. Ayoko sa lahat ay bantay-sarado ako. I'm not a kid anymore.

Pero ngayon, ewan ko ba kay Kuya.

Pero, bakit ganoon ang tingin sa akin ni David?

* * *

"Gaya nga ng sabi mo diba kakagising niya lang. Baka naalimpungatan lang yon." sabi ni Mae.

"At saka... Nakakakilig yon... Pinakilala ka sa mga kaibigan niya. How sweet of David." sabi naman ni Andrea.

"Ewan ko ba sa utak no'n at utak ng mga kaibigan niya. Tinanong ba naman ako kung single daw ba ako? Ang kapal ng mukha niya diba?", sabi ko Sabay subo ng black forest cake ko.

Nandito kami ngayon sa bakery treats. Sa tapat ng St. Mary, which is school namin iyon. Uwian na kasi namin kaya napag-pasyahan naming tumambay muna dito.

"Malay mo, manliligaw sayo." sabi naman ni Rose.

"Duh... Kakasabi niya lang diba na boyfriend ko daw ba si David. Tapos itatanong niya single daw ba ako?"

"Baka pinapatanong ni David?", tanong naman ni Lyn.

"Bakit naman niya itatanong yon?", tanong ko.

"Malay mo... Malay nating lahat." sabi naman ni Mae.

"Ewan ko sayo." sagot ko lang.

"Alam kaya to ni Marvin?", tanong ko sa kanila.

"Siguro... Ask him na lang about diyan." sabi ni Andrea at kumain na kami.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now