A/N Hey guys !! If you want a dedication just comment down and I'll dedicate one of my previous chapters to you:)
Happy reading :)
SOMEONE’s POV
Kasalukuyang tumatakbo ang sasakyan ko papunta sa isa sa mga mansion ko. Mula doon ay nag-iintay ang isang mahalagang tao na katulong ko sa larong sinimulan ko.
Siya ang utak ng larong ito. Hindi ko alam kung anong atraso sa kanya ni Snow Frost pero isa lang ang sinisiguro ko, malaki ang galit niya sa babaeng iyon.
Maingat kong iginarahe ang sasakyan ko at sumalubong sa akin ang ilan sa mga katulong ko. Nakabantay sa bawat sulok ng mansion ang mga tauhan ko at lahat sila ay armado.
Dire-diretso akong naglakad papasok sa loob at doon ay bumungad sa akin ang matatalim niyang tingin at ang nangungunot niyang noo. Naglakad ako papunta sa may hagdan at sinenyasan ko siyang sumunod sa akin.
Habang naglalakad kami ay ramdam kong pinapatay na niya ako sa mga tingin niya. Tsk. Mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagpalpak ng grupo ko.
Anong magagawa ko? Eh, sa tatanga-tanga ang ilan sa mga tauhan ko. Isa pa, hindi ko na kasalanang masamang damo talaga si Snow Frost kaya hindi agad siya namatay doon sa pagsabog ng sasakyan niya.
Nang makarating kami sa tapat ng isang silid ay agad kaming pumasok. Pagkatapos kong isara ang pinto ay naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa may leeg ko at pilit niya akong sinasakal at itinutulak sa may pinto. Napapikit ako dahil sa sakit.
“A-ah! L-let me… go!” Pilit kong sigaw.
“You ruined my plan!”Galit na sigaw niya.
“Shut up! L-let me go! Bullshit!” Nahihirapang saad ko. Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko, yung tipong para bang may hawak siyang isang naghihingalong ahas at pilit niyang pinipisil ito upang tuluyan ng malagutan ng hininga.
Nahagip ng mata ko ang isang flower vase na nakapatong sa may lamesa na nakapwesto malapit sa amin.
“Die!” Sigaw niya. Pilit kong inaabot iyon at labis ang galak ko ng mahawakan ko ito.
Hawak-hawak ko na ang flower vase at handa na sana akong ihampas ito sa kanya kaya lamang ay napansin niya ito dahilan para bitawan ng isang kamay niya ang leeg ko. Pilit niyang inaagaw sa akin ang vase at napangisi ako ng ilang saglit pa ay wala na sa leeg ko ang kamay niya. Habol-habol ko ang hininga ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at gamit ang buong lakas ay tinuhod ko ang maselang parte ng katawan niya at dahil doon ay napaupo siya sa sahig. Nang matuon ang atensyon niya sa ibaba niya ay ginamit kong pagkakataon iyon para ihampas sa kanya ang vase na hawak ko na naging sanhi ng pagkawala ng malay niya.
Napahawak ako sa may leeg ko. Agad kong binuksan ang pinto at tinawag ang mga tauhan ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niyang nakahiga sa sahig at mula doon ay may umaagos na dugo. Napahinga ako ng maluwag at saka itinuon ang atensyon ko sa may parteng leeg ko.
“Muntik na ako doon ah.” Mahinang saad ko. Hinintay kong dumating ang mga tauhan ko.
Nang makarating sila ay agad nilang binuhat ang katawan niya.
“Ano pong gagawin namin sa kanya young lady?” Tanong ng isa sa kanila.
“Tignan mo kung may pulso pa siya.” Utos ko.
Nang masuri na na niya ang pala-pulsuhan nito ay tumango-tango siya. Magaling naman.
“Call my doctor.” Saad ko na lang. Alam na nila ang gagawin sa kanya. Malaki ang parte niya sa plano ko kaya hindi pa siya pwedeng mamatay.
YOU ARE READING
Snow Frost
Action"BEING A REAPER, MAKES ME DISTINCT FROM OTHERS, RUN UNTIL YOU CAN... BESIDES, IT WILL ONLY TAKE ONE STEP FOR ME TO REACH YOU AND GIVE YOU YOUR COMING DEATH" -SNOW FROST 2014 Inzaynderella. All rights reserved.