57

5.7K 171 8
                                    

Hindi na-edit. Pasensya na sa grammatical errors.

****


UNO's POV

"Bantayan mo ng mabuti si Ixander. H'wag mo siyang hahayaan na makatakas."

"Opo, young lady" Magalang na sagot ko sa kanya. Tinignan niyang muli ang taong iyon na isang linggo ng hindi nagigising. "Pathetic." Nang-uuyam na sabi niya bago siya tuluyang umalis ng silid na ito.

Naupo na lang akong muli at saka pinagmasdan ang walang malay na si Ixander.

Kahit naman papaano ay kilala ko na rin ang lalaking ito. Madalas kasi ay kasama niya ang kapatid ko.

Mamayang gabi ay ibibigay na sila sa organisasyong matagal ng naghahanap sa kanila at kailangan kong makaisip ng paraan para mapigilan iyon.

Hindi maaaring mapasakamay sila ng mga hayop na iyon. Paniguradong bibihagin sila para magamit na pa-in kay Snow. Ang nakakainis lang ay sa ibang mansyon nakakulong ang ina nila kaya naman siguradong mahihirapan ako na iligtas siya.

Napabuntong hininga ako. May plano na ako kung paano ko sila itatakas pero alam kong hindi ko iyon kakayaning gawin ng mag-isa.

"Nasaan ako?" Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakasandal na si Ixander sa may headboard at bahagyang hinihimas ang sentido niya.

"Sino ka?" Muli na namang tanong niya. Hindi ako sumagot bagkus ay muli akong nag-isip.

"Pamilyar sa akin ang itsura mo. Parang nakikita kita sa Stonelight University"

Inaalagaan ni Snow ng mabuti ang kapatid ko kaya naman dapat ko ring alagaan at protektahan itong kapatid at ina niya.

"Hey, are you deaf? Tinatanong kita kung nasaan ako?" Tumayo siya at lumapit sa may pinto para buksan ito. "Bakit ayaw mabuksan?" Pilit niyang pinipihit ang doorknob pero wala, hindi bumukas ang pintuan. Nasa labas kasi ang kandado kaya naman kahit na bantay niya lang ako ay pareho lang kaming nakakulong dito.

Lumapit siya sa bintana at saka dumungaw roon. "Bakit ang daming tao sa labas? Bakit sila may mga baril?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Si Davis? Nasaan si Davis? Anong ginawa niyo sa kanya?!" Sigaw niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Isn't it obvious? Na-kidnap ka. Kinidnap ka namin." Sarkastikong sagot ko.

Hindi makapaniwala niya akong tinignan. "Ano?" Tila ba naguguluhan siya sa sinabi ako. Kung anong ikinatalino ni Snow ay siya namang ikinahina ng utak nitong kapatid niya.

"Kinidnap niyo ako? Kidnapper ka? Nagjo-joke ka ba?" Tanong niya at medyo natawa pa.

Inilabas ko ang baril ko at napatitig naman siya rito. "N-nasaan si Davis? Ligtas ba siya? Anong ginawa niyo sa kanya?"

"My sister is safe. Sigurado akong kasama siya ngayon ng kapatid mo" Ani ko at saka muling itinago ang baril ko. Kumunot ang noo at mayamaya at biglang nanlaki ang mga mata niya.

"I-ikaw si--"

"Chloi Davis, ang long lost sister ni Floribeth Davis. It's nice meeting you Ixander Frost." Putol ko sa sasabihin niya.

"Kapatid ko? Imposible, wala akong kapatid" Tinaasan ko siya ng kilay ng marinig ko ang sinabi niya. Oo nga pala, na-trauma siya nangyari noon sa pamilya niya at dahil sa isang aksidente ay nagkaroon siya ng temporary amnesia.

Tss. Hindi pa rin pala bumabalik ang ala-ala niya. Akala ko pa naman ay dahil sa gabi-gabing bangungot niya ay maaalala na niya lahat.

"Bakit ba hindi ka pa rin nakakaalala. Tss." Wala sa sariling saad ko.

Snow FrostWhere stories live. Discover now