transaction

26K 549 18
                                    

MIKHAIL'S POV

"Kumpleto na ang pera. Mga armas na lang kulang. Siguraduhin niyong hindi kayo sasabit. Maliwanag ba? Twenty-million ang laman ng briefcase na yan. Walang labis, walang kulang. Make sure na maayos ang mga kargamento." Tumingin ako kay Sir Steven habang ibinibigay niya ang briefcase kay Snow. Kasalukuyan kaming nasa mansyon dahil sa isang misyon.

Ito ang kauna-unahang misyon na makakasama ko si Snow. Kailangan kong galingan. Kasama ko ang pinakamagaling naming reaper.

"At oo nga pala, hindi lang kayong dalawa ang lalakad. Rio will come with you as well." Nalaglag yata ang panga ko sa sinabi ni Sir. Si Rio? Kasama namin siya?

Tinignan ko si Snow and I can tell na hindi siya sang-ayon sa set-up na ito.

"I can do this alone Sir. I don't need any assistance, but if you will insist then.. itong si Mikhail na lang ang isasama ko." Medyo nagulat pa ako sa sinabi ni Snow. Ako daw? Ako na lang daw? Hindi ko alam pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na napapangiti habang nakatingin sa kanya.

"Why Snow? Still pissed off, e?" C'mon! It's work, nothing more." Nilingon naming lahat ang nagsalita at nakita si Rio na naglalakad palapit sa amin.

"Stop it Rio," saway ni Sir Steven dito. "Umalis na kayo ngayon din at ng makuha niyo na ang mga armas na kailangan natin."

Nauuna si Snow sa paglalakad at kami namang dalawa ni Rio ang sabay.

"Yow dude!" Bati niya agad sakin.

"Problema mo?" Tanong ko agad. He's my bestfriend since childhood at Hindi ko alam kung paano kong natagalan ang lalaking to.

"Highblood e? Ganun na ba kalakas makahawa ang virus ng nyebeng yun?."

"Virus e? Ano namang virus?" tanong ko.

"The cold witch monstrous virus." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Sari-sari na kasi ang nalalaman niya, wala namang kwenta. Pffft.

"Ewan ko sayo. Manahimik ka na lang kung ayaw mong masaktan," banta ko sa kanya. Nilingon ko si Snow at nakakuyom na ang kamao niya. Sigurado akong naririnig niya ang pinagsasabi nitong si Rio.

***

"Doon ka magbantay. At ikaw naman doon ka sa kabila. Once na nasa kanya-kanya na kayong pwesto, give me a hand signal to assure na walang kakaiba sa pinaglalagyan niyo." Pareho kaming nakatingin ni Rio kay Snow habang nagbibigay ito ng instructions sa amin.

"At sino ka naman para utusan ako?" Tsk. Minsan may pagkatanga itong si Rio eh, nakita ng--

"Kung ayaw mong sumunod, edi umalis ka. Hindi ka naman kailangan dito." Seryosong sabi ni Snow habang inililibot ang tingin sa paligid.

"Tsk. Akala mo kung sino." Bulong ni Rio.

"Stupid." Sabi naman ni Snow.

"Anong sabi mo?!" Galit na sabi ni Rio.

"Stupid. You're stupid." Diretsa at may diing sabi ni Snow ng may blangkong ekspresyon.

"Aba't!"

"Mananahimik ka ng panandalian o mananahimik ng pangmatagalan. Choose little mouse." Pareho kaming natulala ni Rio dahil sa isang mabilis na galaw ay nakatutok na ang baril ni Snow sa ulo nito.

Kailan ba titigil ang dalawang ito sa pagbabangayan? Ang problema rito kay Rio masyado niyang ginagalit si Snow at ito namang si Snow pumapatol, kaya ang resulta... ayan, walang katapusang bantaan na umaabot pa sa tutukan ng baril.

Natahimik naman si Rio. Pffft. Mabuti nga sa kanya.

"Now. Move. Alis na," Ani Snow sa amin at saka ibinaba ang baril niya.

Snow FrostWhere stories live. Discover now