31

9.8K 260 5
                                    

SNOW's POV

"Hey girl. Wake up." Nakaramdam ako ng pagtapik sa may pisngi ko. Kasunod noon ang paulit-ulit na linya niya at ang pagyugyog ng balikat ko.

Saglit kong iminulat ang mga mata ko at saka nabungaran ang maamong mukha ni Kendra Alarquez. Napaayos ako ng upo dahil napakalapit ng mukha niya sa akin.

"We're here." She said at inaayos ang bag niya. Sumulyap ako sa mga kasabay naming pasahero at nagbababaan na nga sila. I composed myself at tumayo na. Naunang maglakad si Chloi Williams at nasa likudan naman niya si Kendra. Nang makababa na kami, I was surprised ng ikawit ni Kendra ang kamay niya sa mga braso ko. Saglit akong natigilan dahil doon.

"Sabay na tayo Snow huh." She said with a smile on her face. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya. Ayoko namang maging bastos dahil mukhang iba naman ang ugali niya.

"Young lady, may tawag po kayo." Said Chloi.

"Decline it. Tatawagan ko na lang mamaya kung sino man 'yan." Sagot naman ni Kendra dito. Napakunot naman ang noo ko. Bakit kaya ayaw niyang sagutin ang tawag na iyon? Dahil ba sa akin? Natatakot ba siyang may marinig ako?

"Hey there little brother!" Kendra shouted. Saglit kaming tumigil sa paglalakad at kumaway si Kendra dito.

Nakatingin sa direksyon namin si King at si Nathan. Teka? Magkasama ba sila? Weird.

Nagtatakang tingin ang ipinupukol sa akin ni King samantalang nagtatanong naman ang kay Nathan.

Bumitaw si Kendra sa akin at lumapit sa kapatid niya. Nagyakapan silang dalawa at lumapit naman sa pwesto ko si Nathan. Kinuha niya ang bag na dala-dala ko at bahagya siyang ngumiti sa akin.

"Kamusta?" He asked.

"Sa condo ko na lang sasabihin sayo." Ani ko at saka nagsimulang humakbang.

"Sandali lang Snow!" Napatigil ako sa paglalakad at saka mariing ipinikit ang mga mata ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko nilingon ang tumawag sa akin.

"What?" Seryosong tanong ko kay King na kasalukuyang palapit sa pwesto ko.

"Why are you avoiding me?" Pagtatakang tanong niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nag-iintay siya ng isasagot ko.

Umiwas ako ng tingin sa hindi ko malamang dahilan.

"May problema ba kayong dalawa?"said Kendra.

"May pupuntahan pa kami ng kasama ko. Mauna na kami." Pagdadahilan ko na lang. Nagtatakang tumingin sa amin si Kendra. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ng kapatid niya. Tatalikod na sana ako pero mabilis na nahawakan ni King ang kamay ko.

"Snow." Pagtawag niya. Hindi ko maintindihan pero may kakaiba sa boses niya. The moment he called my name was like he's pleading.

Inalis ko ang ekspresyon sa mukha ko ng harapin ko siya.

"Let go." Ani ko.

"But-"

"May pupuntahan kami kaya bitawan mo ang kamay ko." I demanded. Humigpit ang hawak niya dito pero isang malamig na tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. He gently squeezed it and look at me with a pleading eyes.

I look away, dahil hindi ko siya matitigan ng ayos. Tss. Ano ba kasi ang nangyayari sa akin?

Nagsimula na ulit akong maglakad pero bago pa ako makalayo sa kanya ay may pahabol pang sinabi si Kendra.

"Let's go shopping Snow huh! Maybe kapag hindi ka na busy!" She shouted.

Snow FrostWhere stories live. Discover now