35

8.5K 283 4
                                    

UNEDITED. SABAW ANG UPDATE. SORRY NA. HA-HA! Tweet me guys, @exoLdirectioner (This is my PERSONAL ACCOUNT, kaya wag niyo kong aawayin okay?) Pati na rin sa instagram @llznh15xlkslbccdtks. Use the #SnowFrostAGangsterStory or #SFAGS! Usap tayo dun sa Twittter at instagram! I'm going to stalked your tweets guys! Asahan ko 'yan huh!





NATHAN's POV

"Bilisan niyo! Sakay na dali!" Sigaw ko sa kanila habang binubuhay ang makina ng sasakyan ko. Kasalukuyan ng nakaupo si Ixander sa may shotgun seat habang kalong-kalong ang walang malay na si Davis. Sumulyap ako sa relo ko.



'Sampung segundo na lang.'



Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ng makasakay na silang lahat. Hindi pa kami ganuong nakakalayo pero sunod-sunod na malakas na pagsabog na ang narinig namin. Sumulyap ako sa side mirror ng sasakyan at kitang-kita ko ang pag-apoy at ang dahan-dahang pagguho ng gusaling iyon. Napangiti na lang ako sa isip ko. Nagtagumpay kami.




"Fuck!" Napatingin ako sa rear mirror ng marinig kong magmura si King. Ano namang problema ng isang 'to? Kalong-kalong niya si Snow, na kasalukuyang walang malay. Tinignan ko si Snow at ganun na lang ang pagkunot ng noo ko ng makita ko ang kalagayan niya. Wala sa sariling inihinto ko ang sasakyan at saka ako dali-daling bumaba papunta sa backseat.

"Ken, ikaw na ang magmaneho." Utos ko at bumaba naman siya. Naupo ako sa inupuan niya at saka pinasadahan ng tingin ang nagdurugong braso ni Snow. Nagkukulay-ube na ang palibot ng  sugat  niya at namumutla na rin ang mukha niya.



"Snow." Pagtawag ko sa kanya habang tinatapik ang pisngi niya. Pinakiramdaman ko ang pulso niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ng maramdamang pabagal ng pabagal ang tibok nito. What the fuck?! Ano bang nangyayari? Anong nangyayari kay Snow?

"Bakit? Anong nangyayari?" Natatarantang tanong ni King. Hindi ko makuhang magsalita.

"Ano bang nangyayari Nathan?" Inis na tanong sa akin ni Kris. Binalingan nilang lahat si Snow, maging si Ixander, nakatingin na din sa direksyon namin.

"Snow!"

"Snow!"

"Ate Snow!"

Sunod-sunod na pagtawag nila sa kanya pero wala silang nakuhang sagot. Panay ang pagtapik ko sa balikat niya ganun rin sa pisngi niya pero hindi pa rin siya nagigising. Shit. Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Tinignan ko si King at halatang-halata ang pag-aalala sa mukha niya.

"Ken. Pakibilisan! Kailangan na nating madala si Snow sa ospital sa lalong madaling panahon!"



***

Snow FrostWhere stories live. Discover now