36

8.2K 242 6
                                    

FLORIBETH's POV

"Ano?! Tatlong oras?" Hindi ko napigilang bulaslas kay Nathan, nang sabihin niya sa aking tatlong oras na lang ang itatagal ni Snow. Niloloko niya ba ako?


"Kumalma ka Davis." Tanging sagot niya sa lang sa akin.


"Paano ako kakalma Nathan? Si Snow ang pinag-uusapan dito!" Asik ko sa kanya.


"Alam mo, ang mabuti pa... bantayan mo na lang si Snow. Kailangan ko ng umalis para maghanap ng antidote para sa kanya." Kalmado niyang saad at saka nagsimulang itulak ang wheel chair ko.


"Hindi. Sasama ako. Gusto kong tumulong." Determinadong saad ko. Kahit sa paghahanap manlang makatulong ako.


Kahit yun lang.




Sobrang nagi-guilty na kasi talaga ako. Ako ang may kasalanan nito e. Ako ang dapat humanap ng paraan para mailigtas siya dahil nga kasalanan ko.





"No. Just stay here." Seryosong saad niya at saka ako sinuotan ng facemask. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Snow at saka kami pumasok. "Kahit na anong mangyari, doktor at nurse lang ang hahayaan mong makapasok dito okay?" Bilin niya at as usual ay wala sa sariling tumango ako. "Good. Now, take this." Ani niya at saka inabot sa akin ang isang maliit na baril. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "For security purposes. Just in case na may hindi magandang mangyari" Bilin niya at saka sumulyap sa relo niya. "Aalis na ako. Bantayan mo si Snow. Kung may kailangan ka. Just pressed that button." Itinuro niya sa akin iyong red button na nasa dingding. Tumalikod na siya at saka nagsimulang humakbang. Nung pipihitin na niya ang doorknob ay mabilis ko siyang tinawag sa pangalan niya. Nakataas ang parehong kilay niya at bahagya pa siyang nakanguso.


"S-sorry... Kasalanan ko." Nauutal na sabi ko. Umiling siya at maya-maya bahagya siyang ngumiti.


"Walang may kasalanan." Lumapit siya at yumuko ng kaunti para magkapantay kami. " Ginusto ni Snow na iligtas ka. Ginusto niyang bawiin ka. Hindi mo kasalanang nakahiga siya ngayon dyan sa hospital bed na 'yan, suot-suot ang isang cheap na hospital gown at nag-aagaw buhay. You deserve to be here. You are destined to be with Snow's side. Ikaw ang nagsisilbing guardian angel niya. Hindi man halata pero importante ka talaga sa kanya. Handa siyang ibuwis ang buhay niya para sa'yo... kaya sana sa susunod, iingatan mo na ang sarili mo." Saad niya at saka marahang tinapik ang mga balikat ko. "Bantayan mo siya. Ayoko mang umalis at iwanan siya dahil nag-aalala ako. Hindi pwede. Kailangan kong mahanap ang antidote kahit na anong mangyari."


Ngumiti ako at saka nag-thumbs up sa kanya. "Maliligtas naman si Snow di ba? Hindi naman siya mamamatay di ba?" Magkasunod na tanong ko habang pinipigilan ang mga luhang pumatak sa mata ko.


"Of course. She's Snow Frost after all. Masamang damo siya kaya naman, sigurado akong mabubuhay siya." Natatawang saad niya at saka umayos ng tindig.


"Itago mo na ang baril na 'yan." Utos niya at sinunod ko naman ito. "Aalis na talaga ako. Dalawa't kalahating oras na lang ang natitira." Pinal na sabi niya, as he made his way out of the room.


Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang pagsara ng pinto. Binalingan ko ang walang malay na si Snow. Nilapitan ko siya at saka mahigpit na hinawakan ang nagkukulay-ube niyang mga kamay.


"Snow..." Pagtawag ko sa pangalan niya.




Tinignan ko ang namumutlang mukha niya at hinaplos ang buhok niya. "S-sorry talaga..." Bulong ko habang pilit na pinipigilang maiyak. Sa t'wing tinitignan ko siya, hindi ko talaga mapigilang makonsensya.








Snow FrostWhere stories live. Discover now