20

12.1K 334 3
                                    

KING's POV

"Young master, ito na po ang mga kailangan niyong papeles." Agad kong inabot ang envelope na hawak-hawak ni Sebastian.

"Wala ba kayong napansing kakaiba dito? Bago ang araw na mamatay si Dad?" tanong ko. Kasalukuyan akong nasa Korea para ayusin ang ilan sa negosyo ni Dad. Nagluluksa pa rin kasi si Tita hanggang ngayon dahil sa pagkamatay nito.

"Madalas siyang balisa noon. Wari bang, laging may bumabagabag sa kanya. Gusto ko siyang tanungin noon kaya lamang ay kilala mo naman ang papa mo. Mas gusto niyang sinasarili na lang ang problema." Paliwanag niya.

"Eh si Ate? Hindi ba siya bumisita manlang dito?" tanong kong muli.

"Ang young lady po? Nung nakaraang araw ay nandito siya. Nanatili siya ng dalawang araw dito at pagkatapos noon ay agad din siyang bumalik sa Amerika."

"Wala ba siyang nabanggit tungkol kay papa?"

"Wala po, young master. Sa dalawang araw na pananatili niya rito ay nagkukulong lang siya sa kwarto ng inyong papa. Naririnig namin ang iyak habang sinasabi ang mga katagang, magbabayad ang kung sinumang gumawa noon sa ginoo."

Napakuyom na lang ang kamao ko. Hindi ko matiis na makitang nagkakaganoon ang mga taong importante sa buhay ko. Si Tita, si Ate at Ixander. Naiinis ako dahil wala manlang akong magawa. Bakit kasi ang babagal kumilos ng mga kinuha kong mag-iimbistiga sa pagkamatay niya.

"Noong araw na mangyari ang krimen? Nasaan kayo?"tanong ko. Nakita ko ang pag-iiba ng sistema ni Sebastian sa naging tanong ko.

"N-nung araw na yun? Nasa kompanya ako dahil inutusan ako ng papa niyo na umattend sa meeting niya sa board dahil sabi niya ay masama daw ang pakiramdam niya." Kinakabahang saad niya.

"Ganoon ba? Sige. Makakaalis ka na.' utos ko at saka binuklat ang mga papeles na nasa harapan ko.

Habang abala ako sa pagbabasa ng mga papeles ay biglang nagring ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at agad kong sinagot ito.

"King."

"Kendra noona." Tawag ko sa pangalan niya.

"Nasa Korea ka daw? Totoo ba?"

"Yeah. Wae?"

"Nothing. How's my dongsaeng?" tanong niya.

"I'm doing good. Ikaw?" tanong ko. "Kailan ka uuwi sa pilipinas?"

"I'm good. Babalik ako soon. May inaasikaso lang akong importanteng bagay."

"Ganoon ba? Hihintayin ka namin." Saad ko. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Simula kasi ng tulungan na niya si Dad sa pamamahala sa kumpanya ay bihira na naming siyang makita. Sa pagkakaalam ko nga, nung araw na mamatay si Dad ay hindi niya manlang ito nakita dahil masyado siyang abala sa negosyo namin.

"Sige King. Madami pa akong gaga-"

"Hindi mo ba kakamustahin sina Tita?" Ramdam kong bigla siyang natahimik.

"Hindi na. Alam ko namang maayos ang kalagayan nila." Hindi na lang ako umimik. Tutal ay ibinaba na rin naman niya ang tawag. Napakibit balikat na lang ako sa inasta siya. Hindi naman siya ganoon dati.

Tanggap naman niya sina Tita at Ixander. Pero bakit ngayon ay parang nag-iba siya? Hindi ko na lang pinansin ang iniisip kong iyon at muli ko na lang binalingan ang tambak ng papeles na nasa harapan ko.



FLORIBETH's POV

Kanina ko pa napapansin si Chloi. Tulala lang siya at para bang malalim ang iniisip niya. Lalapitan ko sana siya kaya lang may nauna ng lumapit sa kanya. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang nag-uusap sila. Maya-maya pa ay tumayo na rin ang mga ito. Nakita kong tumingin sa gawi ko si Chloi. Nginitian ko siya pero tinignan niya lamang ako. Nag-iwas din siya ng tingin. Naiwan akong nakasunod lang sa kanilang dalawa.

Snow FrostWhere stories live. Discover now