The COMEBACK

17.1K 446 18
                                    

CHAPTER FIVE

Pinagmamasdan lang ni Snow ang hawak niyang passport. Hindi niya alam kung dapat ba siyang tumuloy. Ito ang unang pagkakataon na labag sa loob niya ang gagawing misyon. Bukod sa hindi siya papatay ng target ay kailangan niya pa itong protektahan. That's her mission, protect her target the entire time. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang tumatakbo sa utak ni Mr. Steven. Nalaman din ng dalaga na ang yumaong ama pala ng target niya ay hindi lamang basta basta kasapi ng mafia.

Pinuno din ito ng organisasyon noon kaya lamang ay namatay ito.. o tama bang sabihin na pinatay ito. Hanggang ngayon, di pa rin natutukoy kung sino at kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Maya-maya pa, nangibabaw sa tahimik niyang silid ang tunog ng cellphone niya.

Agad na lumapit ang dalaga rito at sinagot ang tawag.

"Papunta na ako." yan lang sinabi niya bago niya binaba ang tawag.

******

SNOW'S POV

Pagkarating na pagkarating ko sa mansyon, dumiretso na agad ako sa opisina ni Mr. Steven, hindi na ako nag-abala pang kumatok.

Nadatnan ko silang nag-uusap ni Rio.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Inis na sabi ni Rio.

Imbis na sagutin siya, hindi ko siya pinansin.

"Sir." tawag ko kay Mr. Steven.

May kinuha siyang isang brown envelope at saka ito iniabot sa akin.

"Nandyan ang mga school papers mo, isang estudyante ang target mo kaya naman kakailanganin mo ring mag-aral sa pinapasukan niya para mas mabantayan mo siya." Paliwanag nito. "Alam ko na ayaw mong tumira sa isang malaking bahay kaya naman, isang condo unit na malapit sa eskwelahan mo ang tutuluyan mo." saglit siyang tumigil bago muling nagsalita "At ito," inilabas niya ang isang susi. ."May kotse, pera at pagkain. Pati ang ilang armas ay naruon na rin sa tutuluyan mo. Sa madaling salita, wala ka ng kakailanganin pa. Lahat ng kailangan mo nandoon na. Inayos ko ng lahat."

"Mukhang pinaghandaan mo talaga ang pag-alis ko." seryosong saad ko. Sa ikinikilos niya ngayon, mukhang pinagplanuhan niya talaga ang mga pangyayari ngayon.

"There's no turning back Snow, tandaan mo.. oras na itapak mo yang mga paa mo sa lugar na yun, wala ng atrasan. You have to do your mission. Huwag kang maging duwag. Besides, sa tagal na ng pangyayaring yun.. siguro naman nakalimutan muna ang pagpa-----" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Sino bang nagsabi na hindi ako tutuloy? Sa tingin mo ba aaksayahin ko ang oras ko sa pagpunta dito para lang kunin ang mga walang kwentang bagay na ito? Hindi ako duwag, babalik ako sa Pilipinas."pinal na sabi ko habang diretsong nakatinginsa kanya. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng inis sa kanya. Naiinis ako, dahil pinalalabas niya na isa akong duwag kahit na, alam ko sa sarili kong hindi ako ganun.

"Teka! Ano bang nangyayari dito?" tanong ni Rio. Mukhang ramdam niya ang tensyon sa pagitan naming dalawa ng ama niya.

"Ganun ba? Mabuti naman." Tumango-tango siya at saka muling nagsalita. "Nakahanda na ang private plane na gagamitin mo sa pagbalik mo sa Pilipinas, ihahatid ka ng driver ko papunta sa airport."ani Mr. Steven, nasabi ko na bang nagmamay-ari siya ng isang Private Airport at International Airlines na exclusive lang sa mga transaksyon ng mafia, kaya naman hindi problema ang sasakyan sa pagtravel naming mga reaper kung saan mang lugar kami madestino.

Snow FrostWhere stories live. Discover now