61

6.1K 181 6
                                    

Hindi na-edit. Sorry for the grammatical errors.

****

Sa isang abandunadong gusali ay naroon ang higit sa 200 katao para sa isang malaking transaksyon.

Alerto ang bawat isa sa takot at pangamba na may mangyaring hindi maganda.

"Nasaan sila?" Tanong ng isang lalaking mayroong ekis na pilat sa mukha.

"Papunta na rito si Vladimir De Silva. Nakahanda na ba ang mga tauhan mo?" Tanong naman ng babaeng kasama nito.

"Palagi naman silang handa. Sa tingin mo dadating ba siya?" balik nitong tanong.

"I don't want to underestimate her but she knows the plan. Siguradong mamaya ay magugulat na lamang tayo at nandyan na siya"

Ngumisi ang lalaking may ekis na pilat sa mukha. "I've been with her for 8 years. Ako ang nag-train sa kanya kaya naman alam ko na ang takbo ng utak niya. Dadating siya"

"Wala namang problema kung dumating siya. Nakakalat na ang mga tauhan natin sa labas kaya naman nasisiguro kong hindi niya magagawang makapasok rito" Kampanteng sagot ng babae na naging dahilan ng pag-iling ng lalaking may ekis na pilat sa mukha.

"Sabi mo kanina ay ayaw mong pagdudahan ang kakayahan niya pero ngayon you are obviously underestimating Snow" Lumapit ito sa babae at saka tinapik ang balikat nito "Hindi basta-basta ang babaeng iyon. She can kill us in just a snap"

Bahagyang nakaramdam ng takot ang babaeng iyon ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa kaharap. "Nasaan na nga pala ang nobyo mo?" Pag-iiba ng lalaki.

"Parating na sila. Kasama niya ang mag-ina" Tumango-tango ang lalaki.

Naglakad ito palapit sa butas na bintana at saka dumungaw. "Nandito na sila." Mula sa taas ay tanaw niya ang pagtigil ng sampung sasakyan. Sunod-sunod na bumaba ang mga sakay ng sasakyan at saka pumuwesto sa kanilang mga lugar.

Bumaba ang isang binatang kung tatantyahin ay nasa edad bente na. Matikas itong nakatayo at kasunod naman niya ang isa pang lalaking hindi nalalayo sa singkwenta ang edad.

Naunang maglakad ang lalaking nasa edad singkwenta at kasunod niya ang binatang kasama. Nakasunod rin sa kanila ang  dalawang tauhan na parehong mayroong malalaking katawan.

Nang makarating sa ikalawang palapag kung saan naghihintay sa kanila ang isang babae at ang lalaking may ekis na pilat sa mukha ay agad ang mga itong lumapit sa kanila.

"Ikinagagalak kong makita kang muli Mrs. Kendra Alarquez Briffin" Nakipagkamay ang lalaking nasa edad singkwenta na sa babae at binalingan nito ang lalaking may malaking ekis na pilat sa mukha. "Ikaw rin Lucas... long time no see"

SAMANTALA...

"Hindi pa rin ba kayo kinokontak ni Fhey Davis?" Tanong ng dalagang si Snow kina Spike at Nathan na parehong naghahabol ng hininga.

"H-hindi pa" Simpleng sagot ni Nathan at saka binalingan ang mga katawan ng tao na kung bibilangin ay aabot sa 60 ang bilang. Ang mga taong ito ang mga nagbabantay sa lugar na kinatatayuan nila at ang ilan naman ay iyong mga naglilibot-libot sa lugar na nakakita sa kanila.

Prente namang pumwesto ulit si Snow sa taas ng isang puno habang hawak ang kanyang telescope.

"Nandito na sila" Ani ni Snow habang nakatanaw sa abandunadong gusali. Umakyat ng puno si Spike at saka kinuha ang telescope kay Snow. "Vladimir Organization" Usal nito habang mainam na nakatingin sa mga dumating. "Sinasabi ko na nga ba't nandito rin si Kurt" Pagkausap nito sa sarili.

Snow FrostWhere stories live. Discover now