55

5.6K 161 8
                                    

Hindi na-edit. Pasensya sa typo at maling grammar. :)

****


SNOW's POV

"Paanong nangyaring nawawala si Ixander?!" Sigaw ni Nathan.

"M-masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nawalan ako ng malay kaya hindi ko na... sana tumawag ka manlang ng nurse?!" Putol niya sa paliwanag ni Davis.

"Tama na. Manahimik kayo" Pag-awat ko sa kanila.

"Pero hindi ko naman..."

Hindi na muling naituloy ni Davis ang sasabihin niya dahil muli na namang nagsalita si Nathan "Ano?! Hindi mo sinasadya? Hindi mo sinasadya na maging mahina ka?! Alam mo Davis, you're useless!" Tila nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Nathan kaya naman mabilis kong kinuha ang baril ko at itinutok ito sa kanya.

"Magsalita ka pa ulit Nathan at sisiguraduhin kong sasabog ang bibig mo." Malamig na usal ko.

Tinignan ko si Davis at nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "Magpahinga ka na. Kami na ang bahala rito." Utos ko na lang na agad naman niyang sinunod.

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Kung nakakapatay lang siguro ang tingin. Paniguradong kanina pa nakabulagta si Nathan sa sobrang sama ng tinging ipinupukol ko sa kanya.

"Sa tingin ko ay hawak na sila ng taong iyon." Agad na sabi ni Nathan at saka siya napabuntong hininga. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ko binaba ang baril ko at saka ako napabuntong hininga.

"Sigurado akong na kay Vladimir De Silva na sila. Kailangan na nating mahanap kung saan ang lungga ng matandang iyon. Masyado na yata niyang ini-enjoy ang laro niyang ito." Tiim-bagang na sabi ko.

"Paano kang nakasisiguro na si Vladimir De Silva nga ang nasa likod ng pagkawala ng kapatid at ina mo?" Makahulugang tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Sino ba ang nasa likod ng pagkamatay ng ama ko at ng pamilya ni Davis? Hindi ba't ang matandang iyon? Siya lang ang maaaring gumawa nito. Siguradong kami na ni Davis ang isusunod niya."

"Paano kung hindi pala siya ang puno ng lahat ng ito? Paano kung ibang tao pala?" Muli ay makahulugan na namang pahayag niya. Umiling-iling ako at saka muling nagsalita, "Ginagago mo ba ako Nathan? Nasabi ko na nga ang mga dahilan kung bakit siya ang salarin dito hindi ba? Hindi pa ba sapat iyon? Isa pa, imposibleng may iba pang gagawa nito sa amin. Siya lang ang nabanggit ni Sir Steven sa akin na may malaking galit sa amin kaya ang Vladimir na iyon ang salarin natin."

Bumuntong-hininga si Nathan at saka tumango-tango. "Naaalala mo ba noong unang beses na magkita tayo? Sinabi ko sayong mag-ingat ka dahil hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Tandaan mo palagi ang bilin kong iyon."

Napaismid na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at ganon na lang siya magbitiw ng mga linya niya ngayon. Para bang may kakaibang laman ang mga sinasabi niya. Para bang may alam siya na hindi ko alam.

"Alam mo Nathan, makinig kang mabuti sa sasabihin ko" Tinignan ko siya ng diretso sa mata. "Mahalaga ang tiwala ko. At dahil ikaw lang ang maituturing kong kakampi dito sa Pilipinas, malaki ang tiwala ko sayo. Kung may nalalaman kang hindi ko alam o kung may gusto kang sabihin sa akin. Sabihin mo na. Huwag mo ng paabutin sa puntong tayong dalawa pa ang magpapatayan" Umismid ako. "Don't you even dare to break my trust or else..." Tinaasan ko siya ng kilay, "I will surely break your bones into pieces until you lost your breath." Pagbabanta ko sa kanya na ikinapawis naman niya.

"Ngayon, tatanungin kita..." Muli ay diretso ko na naman siyang tinignan. "May itinatago ka ba sa akin?" Tanong ko. Matagal bago siya nakasagot.

"W-wala Snow. W-wala." Pautal-utal na sagot niya. Tinaasan ko na naman siya ng kilay. "Sigurado ka ba?" Paninigurado ko at sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Magaling naman kung ganoon dahil kung may itinatago ka sa akin sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na nakilala mo ako. Ayokong gamitin ang pagka-Satanas ko sa'yo kaya umayos ka." Huling turan ko bago ako tumalikod sa kanya.


-SOUTH KOREA-

Mikhail's POV

"Wala ka bang napapansin kay Dad?" Napatigil ako sa paglilinis ng baril ko ng magsalita si Rio.

"Binawasan ba niya ang allowance mo?" Balik-tanong ko sa kanya.

"Gago. Seryoso ako." Iritang sagot niya.

"O talaga ba 'tol?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Gusto mo na bang mamatay?" Gigil na tanong niya.

"Pikon ka talaga! Hahahaha!" Pagtawa ko pero ng makita kong seryoso talaga ang mukha niya ay napaayos ako ng pwesto. "Wala akong napapansin! Bakit ba?" Saad ko na lang at saka muling itinuloy ang paglilinis ng baril ko.

"May kakaiba kay Dad e'. Palagi siyang may kinakausap sa telepono niya. Dumadalas rin ang pag-alis niya. Nung minsan sinundan ko siya pero mukhang nakaramdam sila at iniligaw nila ako. Tss." Napaisip naman ako bigla. Natural lang naman na palaging umalis si Sir Steven dahil madami siyang negosyo, malamang yung mga nakakausap niya sa telepono ay mga kasyoso niya.

"Baka naman abala sa negosyo si Sir Steven" Padadahilan ko na lang.

"Tss. Iba e. Pakiramdam ko may tinatago si Dad." Napailing na lang ako sa tinuran ni Rio. Bahala nga siya dyan. Kung anu-ano na ang pumapasok sa kukote niya e'.

"At oo nga pala, anong balita na kay Kendra Alarquez?" Pagtatanong niya na naman.

"Kumpirmado. Siya ang nagpapatakbo ng Briffin Organization at alam mo ba, magugulat ka kapag nalaman mo kung sino ang katuwang niya sa pagpapatakbo noon" Nakangising saad ko. Kumunot naman ang noo ni Rio. "But as of now, I won't name, names." Usal ko pa at saka tinaas baba ang kilay ko na para bang nang-aasar. Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumisi lang ako. Hindi ko pa kasi nasisiguro ang ugnayan ni Kendra sa lalaking iyon kaya hindi pa ako makapagbigay sa kanya ng impormasyon.

"Trabahuhin mo na agad 'yan Sy. Pakiramdam ko talaga, may mali sa mga nangyayari ngayon"

"Oo na. Oo na. Ginagawa ko naman ang dapat kong gawin" Kunware ay iritang sabi ko.

"Ginagago mo ba ako Sy?" Gigil na tanong niya. Kita niyo? Pikunin talaga ang gagong 'to e.

"Hindi kita inaano dyan." Pagmamalinis ko.

"Aba't!"

"Wag kang masyadong pikon Rio. Kaya lumalaki lalo yang eyebags mo e'. High blood ka palagi. Wag ganon! Chill ka lang!" Natatawang sabi ko.

"Ulol! Wag mong pakialaman ang eyebags ko! Palibhasa, madalas kang mapagkamalang babae kaya inggit na inggit ka sa pagiging 'manly' ko." Banat niya pa. Napaismid na lang ako at saka tumayo. "Oh? Sinong pikon sa ating dalawa? Walk-out pa!" Sigaw niya habang naglalakad ako palabas. Gago talaga 'yon. Lakas maka-feeling gwapo, mukha namang kuwago sa laki ng mata niya. Tss.

Nilabas ko ang cellphone ko at saka tinignan ang homescreen nito. Walang iba kundi ang isang stolen picture ni Snow. Kuha 'to nung mga bata pa kami habang sabay-sabay kaming nag-te-training.

"Nakakagago 'no Snow? Habang nandito ako at hinihintay ka, nandyan ka naman at mukhang may nagugustuhan na. Tss" Napangiti ako ng mapakla. "Kumpara sa aming dalawa ni King Alarquez mo na 'yan di hamak naman na mas gwapo ako dyan. Idagdag pang mas kaya kitang ipagtanggol sa mga magtatangkang manakit sayo. Subukan monkayang gustuhin ako? Malay mo naman, tayo talaga ang para sa isa't-isa" Napahigpit ako ng hawak sa cellphone ko.

"Baliw ka na Sy." Natigilan ako ng marinig ko ang nakakairitang boses ni Rio.

Shit!

Kingina. Narinig niya ba ang mga sinabi ko?


Fuck!


Snow FrostWhere stories live. Discover now