33

9.3K 253 5
                                    

SNOW's POV

"Hindi kayo sasama." Madiin kong sabi kay King matapos naming magplano ni Nathan.

"Pero­­­­­­­­­­­­­­­­—"

Hindi ko siya pinansin at muling itinuon ang atensyon ko sa mapang ginawa ni Nathan. Isang oras na ang nakalilipas simula ng matunton nila ang eksaktong lokasyon kung nasaan si Davis. They tracked her location using Spyera, it was a spy phone software.

Sa sobrang aligaga ni Nathan hindi niya naisip na nilagyan niya nang tracking device ang cellphone ni Davis. Nung una ay hindi iyon gumagana ngunit nang dumating si Ken na masasabi kong maraming alam tungkol sa mga ganuong bagay ay agad nilang nalaman  kung nasaan si Davis.  Isa talagang genius si Ken pagdating sa mga ganitong bagay... kung tutuusin maaari siyang maging spy agent kung gugustuhin niya, kaya lang mukhang nag-eenjoy siya sa pagiging gangster niya. Sabagay. Being a gangster is not that complicated. Hindi kagaya naming mga reaper, sa tuwing pupunta kami sa isang misyon o di kaya ay miski sa paglabas namin sa mga tinitirhan namin laging nakabaon sa hukay ang isa sa mga paa namin. Palaging nakabuntot sa amin si kamatayan.

"Pero hindi ba't sinabi ko nang tutulungan namin kayo?" Pagpipilit niya pa.

"Oo nga Ate Snow. Gusto naming sumama sa pagbawi kay Floribeth." Dagdag ni Ixander.

"Isa pa, kung hindi dahil kay Ken hindi niyo naman malalaman kung nasaan si Davis ngayon" Nilingon ko si King nang sabihin niya 'yon. Gustuhin ko mang pagbigyan sila dahil na rin sa mga naitulong nila sa amin  ay talagang hindi pwede.

Mafia ang pinag-uusapan dito. Mafia ang kalaban. Isa pa, kapag hinayaan ko silang sumama parang hinayaan ko na ring malaman nila kung sino at ano ba kami... para ko na ring ipinahamak sila. Maaaring mamatay sila kapag nagkataon.

At iyon ang hindi  pwedeng mangyari. "Gusto naming tumulong kahit na hindi namin alam kung ano ba ang dahilan at kinuha nila si Floribeth. Gusto namin siyang tulungan kahit na wala kaming ni-katiting na alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin nang lahat ng ito" Bumuntong hininga si Ken habang sinasabi iyon. "Kahit na wala kaming kaalam-alam sa gulong papasukin namin... tutulong kami."

"Bakit ba atat na atat kayong tumulong at sumama sa amin?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Dahil kaibigan ka na namin Snow." Saglit akong natigilan sa isinagot ni Kris.

"At ang magkakaibigan, nagtutulungan Ate Snow!" Masiglang sabi ni Ixander at nangingiti pa. Lumingon ako kay King at halatang hindi niya gusto ang sinabi ni Kris. Why? H'wag niyang sabihing ayaw niya akong maging kaibigan? Well, ayoko rin naman. Ipapahamak ko lang kasi sila kapag nagkataon. Simula nang sabihan ako ni Spike na ayaw ni King sa mga kagaya kong reaper ay iniwasan ko na siya. Kaya lang talagang makulit ang lalaking ito at palagi siyang nakabuntot sa akin. Kaya naman kahit na gustong-gusto ko siyang iwasan ay hindi ko rin magawa.

Snow FrostWhere stories live. Discover now