Detective is now erased on the game.

13.2K 352 2
                                    

KEN POV

"Bakit ba kasi natin ginagawa to?! Para tayong mga aso!" Gigil na tanong sa akin ni Kris.

"Sumunod ka na lang sa utos ni King para walang gulo!" gigil din na sagot ko sa kanya.

"Mukha nga kasi tayong tanga sa ginagawa natin. Sinusundan natin siya na para bang mga aso tayo! Naiisip mo ba yun huh! Palibhasa kasi ang pangit mo kaya wala kang paki-alam sa image mo!"litanya niya pa.

"Manahimik ka Kris, kung hindi.. kamao ko ang magpapatahimik sayo." banta ko sa kanya. Inustusan kasi kami ni King na bantayan itong si Snow dahil mawawala siya ng ilang araw. At ngayon ay kasalukuyan kaming nakatago dito sa may halamanan habang si Snow naman ay kausap si Davis sa may hindi kalayuan.

Kung tutuusin ay pwede namang hindi ko na sundan itong si Snow dahil nga pinamamanmanan ko na siya kay Detective Chen, kaya lang kapag ginawa ko yun.. malalaman ni Kris na pinasusundan ko si Snow at bukod doon ay siguradong uulanin ako ng sangtambak niyang mga tanong.. at kapag minalas pwede pang malaman ni King.. kapag nangyari yun mas lalong magugulo.

"Ano ba kasing problema ni King!! Nakakainis na! Alam mo bang may date pa ako ngayon huh?! At dahil sa pesteng ginagawa natin ngayon ay hindi kami natuloy!!" patuloy na satsat niya. Kung hindi ko lang kaibigan ang lalaking ito, malamang nakatikim na siya sakin. Nakakairita masyado. "Wag na natin siyang sundan! Nasa school lang naman tayo kaya walang gagalawa sa kanya. Isa pa, mukha bang may magtatangkang lumapit kay Snow? Tignan mo nga! Her presence will surely scared the hell out of someone! Ewan ko nga, kung paanong nakakatagal si Davis na kausap si Snow." Well, may punto siya doon. "Kung ako nga, sa tuwing nakaka-usap ko siya, kinakabahan pa rin ako.. how much more yung mga hindi nakakakilala sa kanya?!"

"Alam mo Kris, kung ayaw mo ng ginagawa natin.. You're free to leave, besides hindi naman kita kailangan dito." Ani ko. Nakakainis kasi. Kung walang siyang gagawin kundi magreklamo ng kung anu-ano..much better kung umalis na lang siya. Hindi na mga siya nakatutulong nakaka-irita pa.

"Ewan ko! Bahala kang magmukhang aso dyan sa pagsunod sa kanya!" Naramdaman kung tumayo na siya.

"Sino kayang magmumukhang aso sating dalawa pagbalik ni King?" I slowly said. I saw him stop on his track.

"Are you threatening me?" Di makapaniwalang tanong niya.

I smirked. "Hindi naman sa ganun Kris, I am just stating a fact. I mean, pareho nating kilala si King.. at alam mo namang ayaw niya sa mga taong hindi marunong sumunod di ba? Pero nasayo ang desisyon e, go and pursue that flirty date of yours and get beat up when King come back.. or stay here and.. everything will be under control." Gusto kong matawa sa reaksyom niya. Nanlalaki ang mga mata niya at bahagya pang nakakawang ang bibig niya. Looks like I win huh? I knew it. Magaling nga talaga akong mangonsensya.

"Alam mo Ken, wala naman talaga akong date ngayon! Sinusubukan ko lang kung bibigay ka. Ha.ha. Ang galing kong umarte di ba? Ha.ha" sarkastiko at kinakabahang sabi niya. Palusot pa ang gago. Halata namang takot kay King.

Natuon ang pansin ko sa lalaking bagong dating. Nakapwesto siya sa may di kalayuan kay Snow. Pamilyar ang itsura ng lalaking iyon, para bang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Oy Ken, nakikita mo ba yung lalaking yun?" Napabaling ako kay Kris ng bigla siyang magsalita.

"Sino?" Tanong ko.

"Yun yung bagong dating. Balita ko, magaling daw makipag-away ang lalaking yan. Nakabangga daw siya ng grupo nina Dino at alam mo ba ang nangyari?" bagong dating? Teka yun bang- "Nathan San Diego daw ang pangalan niyan, transferred student from Korea, napabagsak niya ang grupo nina Dino nung isang gabi. Ang alam ko pa nga, nasa ospital ang ilan sa mga miyembro niya pati na rin si Dino sa tindi ng inabot nila sa San Diego na yan." Sabi pa ni Kris. Tinitigan ko ang lalaking iyon at saka ko naaalala kung sino siya.

Snow FrostOnde histórias criam vida. Descubra agora