32

9.6K 292 4
                                    

SNOW's POV

Nakasandal ako sa may pinto ng sasakyan ko habang nakatingin sa kulay berdeng gate na nasa harapan ko. Nagtatalo ang isip ko kung tama ba ang gagawin ko. Nalilito ako at nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hindi. Nasa tapat ako ng dati naming bahay. Nanggaling na ako dito noon pero ni-hindi pumasok sa utak ko na muli pa akong babalik dito. At ngayon ay may bonus pang kasama ang obligasyon ko, kailangan ko pang pumasok sa loob para maghanap ng ilang ebidensya.


Ewan ko ba. Ang alam ko kasi reaper ako at hindi isang detective agent. Pero dahil ito ang kailangan kong gawin para sa misyon ko ay wala akong magawa.


Muli kong nilingon ang bahay at kagaya ng kanina ay napailing na naman ako. Itong-ito pa rin ang itsura nito. Ang dating kulay puting mga pader ay napalitan ng kulay putik, marahil ay dahil na rin sa tagal nang hindi napipinturahan.


Ang sabi sa akin ng katiwala, hindi daw nila pinakialaman ang mga gamit sa loob. Kung ano daw ang ayos nito walong taon na ang nakararaan ay iyon pa rin daw hanggang ngayon. Ang tanging ginawa lang daw nila noon ay linisin ang mga talsik ng dugo sa mga pader at maging sa sahig noong mangyari ang malagim na sinapit ng pamilya ko noon.


Bahagya pa ngang natakot sa akin ang katiwalang nakausap ko kanina dahil ang alam daw niya ay wala nang nakaligtas sa pamilya namin noon. Ayaw niyang maniwala na ako ang panganay na anak ng dating nakatira doon. Sa isip-isip ko, muntikan na rin naman ako noon. Mabuti na lang at naitago ako ng ama ko.


Sa pagtayo ko ngayon dito, hindi ko alam kung saan ba ako kumukuha ng lakas na tignan ang dating bahay namin. Aminin ko man kasi o hindi sa sarili ko ay patuloy pa ring bumabalik sa aking ala-ala ang mga nangyari nang gabing iyon.

Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Maging ang emosyong matagal kong itinago ay kusang lumalabas ngayon.


Huminga ako nang malalim at saka umayos nang tayo. Humakbang ako nang isang beses at kagaya nang inaasahan ay bumilis na naman ang tibok nang puso ko. Kanina pa ako kinakabahan pero ngayon ay kakaibang kaba ang nararamdaman ko.


Nanlalamig rin ang sistema ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba ako.


Muli ay humakbang ako sa pangalawang pagkakataon. Isang hakbang na lang at nasa mismong tapat na talaga ako ng gate.


Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko, hanggang sa makapasok ako. Ilang sunod-sunod na hakbang pa ang ginawa ko at nakatingin lang ako sa kawalan hanggang sa makarating ako sa tapat ng mismong pintuan.


Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Humigpit ang hawak ko sa doorknob at habol ang hininga kong pinihit ito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at unang tumambad sa akin ang mga kagamitan naming nababalutan ng puting tela.


Saglit akong natigilan ng makita ko ang malaking family portrait na nakasabit sa may dingding. Hindi ko magawang bitawan ang doorknob na hawak-hawak ko. Nakatingin lang ako dito at wari bang sinasariwa ko sa aking isipan ang mga ala-ala ng kahapon.




"Mommy! Mommy! Si Ate Snow po! Kinukuha po niya itong baril-barilan ko po!" Napataas na lang ang kilay ko nang marinig ko ang sumbong ni Ice kay Mommy.

Snow FrostWhere stories live. Discover now