44

7.2K 186 6
                                    

Hindi na-edit. Pasensya na sa mga typo at maling grammar. {",)

SNOW' POV

"Tss. Tigilan mo na nga ang pagtawa mo! Ano ba?!" Inis na sabi ko kay King Alarquez na ngayon ay panay ang pagtawa dito sa loob ng sasakyan. May paghampas pa siya sa manibela at paghawak sa tiyan niya. Kulang na lang ay gumulong siya. Tss. Bwisit talaga siya!

"Hahahaha! I'm really sorry Snow! Hahahaha! Its just that... Hahahahha! The moment you say that 'stop swearing baby' thing is really really funny! Haahahahha!" Lalo na naman akong namula sa kahihiyan! Alam niyo ba yung pakiramdam sa mga ganitong sitwasyon na gusto niyo na lang magpakain sa lupa? Ganun na ganun ang pakiramdam ko ngayon.

Sinamaan ko na naman siya ng tingin pero talagang walang epekto sa kanya ang mala-laser beam kong mga titig. Aish! Inis ko nang hinablot ang collar ng damit niya at saka siya malamig na tinignan.

Napipikon na ako!

Mag-iisang oras na kasi siyang ganyan! Aalalahanin niya yung sinabi ko pagkatapos ay matatawa siya. Titingin siya sa mukha ko at ganun din matatawa ulit siya. Oh di ba? Para na talaga siyang sira-ulo sa ikinikilos niya.

"Hindi ka ba talaga titigil?" Seryosong tanong ko rito habang mahigpit na hawak-hawak ang collar ng suot niyang damit. Mukhang nagulat siya sa inasta ko at maya-maya ay itinikom na niya ang bibig niya. Iyong tipong pinipigilan talaga niya ang sarili niyang matawa.

Ha! Trying hard pa siya! Nag-iwas pa ng tingin pero halata mo naman sa mga labi at mata niya na tawang-tawa pa rin siya.

"Sasapakin na talaga kita." Balewalang sabi ko at saka siya binitawan. "Umalis na nga tayo dito!" Utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Grabe Snow! Ganyan ka ba talaga magmahal?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya pero nanatili pa ring nasa labas ang atensyon ko. Hindi ko siya nilingon. "I feel the love." Sarkastikong dagdag nito at saka nagsimulang paandarin na ang sasakyan. 

Nang makarating kami sa CRB (Clark Residential Building) ay dumiretso rin kami sa unit ko. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ay sinalubong na agad ako ni Nathan.

"Goodness Snow! Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kitang tinatawagan pero hindi ka sumasagot! Alam mo bang pati si Rio at Mikhail ay nag-aalala na rin sayo? Tumawag ako sa kanila at sinabing bigla na lang-" Napatigil siya sa pagsasalita ng mapatingin siya sa likuran ko. Kilala ko naman kung sino ang tinitignan niya. "Saan mo siya dinala?! Bakit hindi manlang kayo nagpaalam?!" Galit na sigaw pa nito. Geez. Nathan is sounding like an annoying old man now.

Bakit ba tanong siya ng tanong? Ano bang pakialam niya?

"Dude, we just went on a date. Can't you just slow down?" Tinignan ko si King matapos niyang magsalita at saka siya sinenyasan na sumunod sa akin sa kusina. Nagugutom na kasi ako at nangako siya sa akin na ipagluluto niya ako.

Walang imik kong nilagpasan ang walang-imik rin na si Nathan. Natigilan siya bigla. Anong nangyari dun?

"What dish will you serve me?" I asked as soon as we entered my kitchen. He just shrugged and check on my cabinets to look for ingredients.

"I don't know?" Kibit-balikat na sagot nito. "Experiment time honey." Dagdag pa nito habang iginagala pa rin ang mga mata niya. Napangiwi na lang ako. Mabuti pa siguro ay magpadeliver na lang ako, pero nabanggit na sa akin ni Ixander noon na magaling magluto ang kapatid niya. Tss.

Ano kayang trip nito?

Habang abala siya sa pagluluto ay inilabas ko na lang ang cellphone ko.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon