26

9.8K 278 14
                                    

SNOW'S POV

Ilang beses ko ng tinititigan ang larawang ito ni Davis. Gulo-gulo ang buhok niya at may sugat siya sa may noo at parteng labi niya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pulang mantsa sa damit na suot niya. Tss. Halatang pinahihirapan siya ng mga taong may hawak sa kanya.

"Damn it!" Mahinang mura ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi dapat ako ganito. I'm Snow Frost. Kailan pa ako naging maalalahaning tao? This is not the first time na nangyari ito. Ganitong-ganito din ang pakiramdam ko nung nalaman kong may nangyari sa kanya. Nung naholdap siya. I was so damn worried at her that time that it made me want to kill someone. And now it happen again. Pagdating talaga kay Davis ay nag-iiba ang sistema ko and it made me wonder why.

Why am I acting this way? Para bang unti-unti nang natitibag ang pader na itinayo ko sa pagitan ko at ng mga taong nasa paligid ko. Am I starting to be weak again?

Mabilis akong umiling on that thought.

No. That can't be. I'm stronger than others. I fiercer than them. I'm way better than anyone else .

"Uminom ka muna ng tubig Ate Snow." Napabalik ako sa diwa ko as I heard Ixander's voice. Nandito pa pala siya. Inabot ko ang basong may lamang tubig na hawak niya at saka ininom iyon.

"Salamat." Saad ko at saka inilapag ang baso sa lamesang katapat ko. Tumango lamang siya at umupo sa tabihan ko. Inagaw niya ang litratong hawak-hawak ko at muli ay nakita ko na namang nagtagis ang mga bagang niya.

Hindi ko alam kung ano ba ang namamagitan sa kanila ni Davis. Kanina nung unang beses niyang makita ang larawang iyon ay halos magwala na siya sa galit. Mabuti na lang at mabilis siyang napakalma ni Nathan.

"We need to find her as soon as possible. Baka mas lalo na siyang nahihirapan ngayon." Ani niya habang nakatingin sa litrato.

Tumango ako. Ginagawa na namin ni Nathan ang lahat ng pwede naming gawin para mas mapabilis ang paghahanap kay Davis, kaya lang kasi hindi naman ganuong kadali iyon.

Kagaya nga ng dating sinabi ko wala kaming kaide-ideya kung sino ba ang mga totoong kalaban. Hindi namin alam kung ano bang kailangan nila at kung sinu-sino ba sila. Para bang nasa isang gyera kami na walang kadala-dalang armas at walang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid.

"Kakausapin ko si Kuya. Madami siyang koneksyon dito kaya naman nasisiguro kong matutulungan niya tayo." Suhestyon ni Ixander. Gustuhin ko mang tumutol ay ipinagpaliban ko na lang. Tama naman kasi siya. Ayoko mang humingi ng tulong sa King na 'yon kaya lamang ay kumpara sa amin ni Nathan ay mas madami siyang koneksyon. Kumbaga, ang Pilipinas ay teritoryo niya. Grupo nila ang pinakamalakas sa underground PH (Gangster level) kaya naman hindi na nakapagtatakang madami siyang kilala at koneksyon.

Tumayo na siya at sumenyas na aalis lang siya. Tumango ako at ang sunod ko na lamang narinig ay ang pagsara ng pinto.

"Nasaan na kaya si San Diego?" Mahinang bulong ko. Inutusan ko siyang pumunta sa may lobby para humingi ng kopya ng CCTV sa tapat ng unit ko. May cctv kasi dun kaya naman may posibilidad na maaaring makita kung sino ang naglagay ng box. Maaari namin iyong magamit bilang isa sa mga clue para mahanap si Davis.

Kapag nagkataon pwede na kaming gumawa ng first move... but of course we need to calculate things first. Hindi kami pwedeng kumilos ng basta-basta. One wrong move and someone's life will be in danger.

And that someone for now... is none other than Davis. Lagi kong sinasabi na hindi ko siya hahayaang mapahamak pero laging kabaliktaran ang nangyayari. And by thinking of it, it makes me hate myself... even more.

Kapag talaga nahanap ko siya at nakilala ko ang mga taong nasa likod ng pagkawala niya. I will surely turn their body into pieces. No. Not pieces. It should be ashes. Yeah. That was more satisfying... I think. Their bodies into fined ashes? That will be a heaven for me.

Snow FrostWhere stories live. Discover now