30

8.8K 246 14
                                    

SNOW's POV

"Take care." Saad ni Rio nang maiabot niya sa akin ang bag ko. Tumango lang ako sa kanya at sinensyasan niya akong umalis na.

Kasalukuyan akong pasakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang isip ko. Hahanapin ko ba sila? Parang hindi ko pa yata kaya. Hindi ko pa sila kayang makita. Hindi pa ako handa.

Saglit kong kinuha ang cellphone ko at agad na pinadalhan ng mensahe si Nathan.

'I'm on my way back there. Wait for me at the airport. -Snow'

Matapos kong i-send ay itinurn-off ko na ang cellphone ko at itinago ito sa bulsa ng jacket na suot ko.

Pagkapasok ko ay hinanap ko agad ang assigned seat ko. Nang makita kong sa tabi ito ng bintana ay nagtungo na ako. Naupo ako at tumanaw sa labas. Ito ang paboritong pwesto ko.

Saglit na nabaling ang tingin ko sa dalawang babaeng palapit sa pwesto ko. Bakante pa ang dalawang upuan sa tabi ko kaya naman nasisiguro kong dito sila uupo.

Kilala ko ang isa sa kanila at pamilyar naman ang isa. Kung hindi ako nagkakamali ay nag-aaral sa paaralang pinapasukan ko sa Pilipinas ang isa sa kanila.

Pinagkatitigan ko ang babae at tama nga ang hinala ko. Chloi Williams. Ang Little Miss Perfect ng Stonelight University. Ang babaeng alalang-alala noon kay King Alarquez ng matapunan ito ng harinang may itlog. Lumipat ang tingin ko sa babaeng kasama niya, walang iba kundi si Kendra Alarquez. Ang nakatatandang kapatid nina Ixander at King.

Mataman siyang nakatingin sa akin at ng makalapit na ito sa upuang nasa tabi ko ay ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga ngiting iyon. Maging ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kanina ay kakaiba din.

"Hi Snow?" Nag-aalangang bati sa akin ni Chloi. Tumango lamang ako sa kanya bilang sagot at itinuon ko na lang muli ang pansin ko sa labas.

"Snow? Snow Frost?" Nabaling muli ang tingin ko sa kanila ng marinig ko ang pagtawag ni Kendra Alarquez.

Nakakunot ang noo ko at may bahid ng pagtataka ang mukha ko dahil hindi ko alam kung bakit niya alam ang pangalan ko. Ngumiti siya sa akin at saka inilahad ang kamay. "I'm Kendra. King's sister." Pagpapakilala niya. I fake a smile at her, at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.

"So, ikaw pala si Snow Frost?" Saad niya pa. "I see. Palagi kang naiikwento sa akin ni King. And even Ixander seems to know you too." Paliwanag niya habang tumatango-tango.

"Really? Well I bet, that stupid little devil is saying bullshit's about me right?" Tanong ko na pinatutungkulan ang kapatid niyang si King. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagkuyom ng kamao niya at maging ang pasimpleng pagtaas ng kilay niya.

"O-of course not. Tuwang-tuwa nga sila kapag naiikwento ka nila sa akin eh. Lalo na si Ixander." Sagot niya at nagpakawala pa siya ng ngiti sa mga labi niya. "You know what? You look cool and you're pretty. Magkakasundo tayo." She said while smiling from ear to ear. Maganda itong si Kendra Alarquez. I maybe heartless pero nakaka-appreciate pa naman ako ng ganda ng isang tao. No wonder na hindi nga kapani-paniwala na magagawa niyang parayin ang asawa niya. But sometimes, our eyes can betrayed us. Hindi lahat ng nakikita nito ay totoo. May mga taong magaling magpanggap. Magbalat-kayo. And in reality maraming namamatay dahil doon. You didn't know may sasaksak na pala sayo sa likuran mo.

Saglit akong sumulyap kay Chloi na kasalukuyang nagmamasid sa paligid. Ewan ko, pero may kakaiba sa mga ikinikilos niya.

Teka? Bakit nga pala niya kasama ang kapatid ni King? Are they somehow related to each other?

Snow FrostWhere stories live. Discover now