Reaper?

11.8K 394 8
                                    

KING POV

"Sigurado ka bang papasok ka na agad King?" muli nanamang tanong sa akin ni Ken. Nakakairita na ang lalaking ito. Kanina pa siya paulit ulit ng tanong sa akin.

"Isa pang tanong Ken." banta ko sa kanya.

"Nag-aalala lang naman kami sayo Kuya." singit naman ni Ixander.

"Oo nga, isa pa hindi mo pa naman kailangan pumasok. Baka nakakalimutan mo na sayo ang school kaya, okay lang na hindi ka muna pumasok." si Kris.

Alam ko naman iyon. Hindi ko nga din alam kung bakit ba nagpipilit pa akong pumasok, gayong kahit hindi naman ako pumuntang school ay makakakuha pa rin ako ng diploma.

"Dahil nag-aalala ka sa kanya."

Ako? Nag-aalala? Kanino naman?

"Kay Snow Frost."

Ano? Kay Snow? Teka nga?! Ano bang nangyayari sa akin. Urgh.

Speaking of that girl. Hindi ko pa siya nakikita, ilang araw na ang nakalilipas. Ang balita ko pa ay nadetention room siya noong isang araw.

"Kuya!" agad na napabalik ang diwa ko sa sigaw ni Ixander. Masama ko siyang tinignan.

"Yung phone mo. Kanina pa tumutunog." saad niya. Sabay turo sa cellphone ko.

Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad kong dinampot ang cellphone ko at saka nagtungo sa labas ng unit ko.

Nang makalabas na ako ay sinigurado kong walang ibang tao sa paligidbago sagutin ang tawag.

"Hello." kaswal na sabi ko.

"Sir."

"Ano ng balita?" agad na tanong ko.

"May nakuha na po kaming lead tungkol sa pumatay sa papa niyo."

"Ganun ba? Sige. Magkita tayo. Sa dati pa din. Siguraduhin mong walang makakakita sayo." ani ko saka ko ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Isang buwan na rin simula ng mamatay si papa. Hanggang ngayon hindi pa namin alam kung sino ba ang pumatay sa kanya. Pero isa lang amg sinisiguro ko.

"Kung sino man ang pumatay sa kanya. Gaganti ako. Kung kinakailangang pumatay din ako para makamit ang hustisya sa pagkamatay niya, gagawin ko. Buhay ang kinuha ng kung sinumang pumatay sa kanya.. kaya dapat buhay din ang maging kabayaran. Buhay ni papa yun at hindi ako papayag na walang managot sa pagkamatay niya."

SNOW POV

"Snow!" lumingon ako kay Floribeth ng tawagin niya ako.

"Bakit?" plain na tanong ko.

"Uh, kasi ano..."

"Ano?"

"Nabalitaan mo na ba?"tanong niya.

"Nabalitaan ang ano?" naguguluhang tanong ko.

"Magkakaroon ng isang death ceremony ngayon. Di ba nga namatay yung papa ni King? Isang buwan na kasi ang nakalilipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon, napagpasyahan ng board na magkaroon ng isang araw ng pagkilala para sa yumaong ginoo. At ang sabi ngayon daw gaganapin iyon."paliwanag niya.

"And? What do you want me to do?" tanong ko naman. Ano namang paki-alam ko doon.

"Required na pumunta ang lahat ng estudyante."saad niya.

"Hindi ako pupunta." walang ganang sabi ko at saka humakbang palayo sa kanya.

Sa isang buwan na pagsunod ko kay Floribeth, wala namang kakaibang nangyayari sa kanya. Iniisip ko nga na baka ginawa lang ni Sir Steven na dahilan iyon para umalis ako sa Korea at bumalik dito sa Pilipinas.

Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip niya.

"Look who's here. Snow Frost, the cold robot princess." napalingon ako sa nagsalitang iyon at agad na nabungaran ang itsura ng isang lalaki. Pamilyar siya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung lalaki nung isang araw sa detention room.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko sa kanya.

"Mukhang nakinig ka sa akin. Hindi ko na nakikitang kasama mo si Alarquez. Tama ang ginagawa mong yan. Hahaba ang buhay mo dahil dyan." ani niya. Hindi pa rin natatanggal ang nakakalokong ngiti sa labi niya. This jerk.

"Wala akong panahon na makipag-usap sayo kaya, tigilan mo ako." ani ko at saka ko siya nilagpasan.

Ngunit hindi pa ako nakalalayo ay muli nanaman siyang nagsalita.

"Wala kang panahon na makipag-usap sa akin pero may panahon ka para sundan si Davis." agad akong napatigil sa sinabi niya. Paanong-

"Natigilan ka yata Snow? Nagtataka ka ba kung bakit ko alam?" tanong niya. Hindi ko siya nilingon at nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Rinig kong humakbang siya. Ilang saglit pa ay nasa harap ko na siya at seryoso lamang na nakatingin sa akin. "Kung ako sayo, pipiliin ko ang pagkakatiwalaan ko. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, lahat ito ay pawang palabas lang. Isa itong laro na inihanda nila para sayo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Habang maaga pa ay lumayo ka na sa taong iyon. Mahirap na. Kapag nahulog ka sa patibong nila.. kawawa ka, pati na rin sila. Madadamay sila Snow..."

"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. Bakit ba pakiramdam ko ay may nalalaman siya.

"Nathan San Diego is the name. Wag kang mag-alala, wala naman akong pagsasabihan ng tungkol dito eh. Kahit na may nalalaman ako ay mananatiling nakatikom ang bibig ko." ani niya. "Basta ba ipangako mo na mag-iingat ka. Payong kasamahan lang naman ito.. kapwa ko reaper."

Ano daw? Anong sinabi niya?

"Basta ba ipangako mo na mag-iingat ka. Payong kasamahan lang naman ito.. kapwa ko reaper."

Siya? Reaper?

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi maaari. Hindi ito totoo. Tumingin ako sa paligid para tignan kung may ibang tao ba sa paligid namin. Kung reaper siya bakit niya sa sasabihin sa isang pampublikong lugar kung sino siya. Hindi iyon gawain ng isang reaper.

"Kasamahan mo ako sa organisasyon. Marahil ay hindi mo ako kilala dahil masyadong malayo ang loob mo sa ibang reaper. Si Sir Steven ang nagpapunta sa akin dito. Halos sabay lang tayong dumating ng araw na umuwi ka dito."

" Yung sinabi mo kanina. Anong ibig sabihin noon?" tanong ko. Sa ngayon kumbinsido ako na reaper nga siya dahil sa binanggit niya ang pangalan ni Mr. Steven. Base sa kilos niya mukha ngang kilala niya ako.

"Hindi ko pa maaaring sabihin sayo ang nalalaman ko. Hindi pa rin kasi kami sigurado kung tama ba ang hula namin. Pero pagdating ng tamang panahon ay malalaman mo rin ang katotohanan. Sa ngayon, isa lang ang dapat mong gawin." tumigil siya sa pagsasalita at saka lumapit sa akin." Yun ay ang mag-ingat. Nagkalat ang mga kalaban, kaya talasan mo ang mga mata mo. Nasa tabi tabi lang sila. Malapit lang sayo. Nag-aantay ng tamang pagkakataon kung kailan ka nila papatayin. So watch out." bulong niya.

Humakbang siya paatras at saka ako tinalikuran pero bago siya humakbang paalis ay may sinabi pa siya.

"Wag kang mag-alala. Bago ka nila mahawakan ay dadaan muna sila sa mga kamay ko. Hindi ako makapapayag na masaktan ka nila. Kagaya ng pinangako ko kay Sir Steven, ako ang poprotekta sayo.. kahit na alam kong kaya mo naman ang sarili mo, still.. nandito pa rin ako para sayo..para protektahan ka."

Snow FrostWhere stories live. Discover now