46

6.3K 181 7
                                    

Hindi na-EDIT. 

--

KEN's POV


Hindi ko magawang kumilos. Maraming tanong ang naglalaro ngayon sa isip ko.


Tangina. Bakit Nathan?


"Kilala mo ba ang lalaking iyan?" Tanong sa akin ng officer. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.


Takte talaga. 



Bakit siya?


Muli kong tinignan ang drawing. Walang duda, si Nathan nga talaga ito. 



Hindi ko maintindihan. Bakit? Anong ginawa sa kanya ni Detective Chen? Anong rason niya sa pagpatay niya dito?



Mahigpit kong hinawakan ang papel na ito na may sketch ng mukha ni Nathan. Naguguluhan na ako.



Tumalikod na ako at saka tinungo ang sasakyan ni Kris. Shit. Kailangan kong makausap ang San Diego na iyon. 



Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Habang nagmamaneho ako ay maraming palaisipan ang tumatakbo sa utak ko. 



Naalala ko noong una namin siyang makita sa Stonelight. Noong sinabi ni Kris na nakalaban si Nathan ng isa sa mga gang na hawak ni King at kung hindi ako nagkakamali ay natalo iyong lahat ni Nathan. Pangalawa ay iyong palaging pagsunod niya noon kay Snow...



Teka... 



Si Snow!



Maaari kayang may alam siya sa totoong pagkatao nito? Pero teka...



Kung si Nathan nga ang pumatay kay Detective Chen... 




"Pwede kayang may alam si Snow sa nangyari?"



Pero imposible? Paanong magkakaroon ng partisipasyon doon si Snow ay ganoong madalas ay kasama namin siya? 




Bigla namang rumehistro sa isip ko ang mukha ni Rihana. Iyong estudyanteng nakaaway ni Snow na kinabukasan ay natagpuang patay. Napagbintangan pa siya noon at naalala ko ay may mga pulis na nag-interrogate sa kanya.

Snow FrostWhere stories live. Discover now