51

6.6K 179 5
                                    

South Korea

RIO's POV

"Ano nang balita mo sa pagsunod-sunod mo kay Justin?" Tanong ko kay Mikhail na naglalaro ng darts.

"Wala naman siyang ibang pinupuntahan sa ngayon pero madalas meron siyang kinakausap sa cellphone niya." Sagot nito sa akin at saka lumagok ng beer.

"May ideya ka ba kung sino ang kausap niya?" Tanong ko. Ibang klase talaga ang lalaking iyon. Oras na malaman ko kung anong dahilan niya at trinaydor niya kami ay ako mismo ang tatapos sa kanya.

"Wala akong ideya kung sino pero nagawan ko na ng paraan." Kumunot ang noo ko at saka siya matamang tinignan. May inilabas siyang cellphone at ibinato niya ito sa akin.

"Oh ano 'to?" Umiling-iling naman siya at saka ako nginisian.

"Yan ang cellphone ng bastardong iyon." Napataas naman ang kilay ko sa sinagot niya.

"We both know that Justin is a whore kaya madali ko lang nagawan ng paraan. I asked one of my underlings to find me a hot woman who'll seduced Justin and guesss what? Zarina took care of everything." Naiiling na pagpapaliwanag niya.

"Zarina?" sambit ko sa pangalang iyon. Pamilyar siya sa akin.

"Oo si Zarina. Your mortal enemy aside from Snow. Nagbalik na siya galing Amerika and dude, she's totally different now." Pagkukwento niya na para bang manghang-mangha.

"So that bitch is back? Ano naman kaya ang sinadya niya dito?" Wala sa sariling kong tanong. Nagkibit-balikat naman si Mikhail at saka ako nakakalokong tinignan. Ano na namang problema niya.

"C'mon Rio! Alam naman nating kaya siya umalis ay dahil ni-reject mo siya. Malay mo nagbalik siya para gantihan ka." Natatawang sabi niya kaya naman binato ko siya ng dart.

"Gago ka. Kahit na bumalik siya wala pa ring magbabago... at isa pa, may gusto akong iba kaya kahit anong gawin niya wala akong pakialam. Manigas siya." Seryosong sabi ko at saka kinalikot itong cellphone ni Justin.

Biglang natahimik si Mikhail kaya naman kunot-noo akong tumingin sa kanya.

"May iba kang gusto?" Pagtatanong niya. Bigla akong kinabahan. What the hell? Ano bang sinabi ko? Did I say it loud? Pero akala ko, mahina lang ang pagkakasabi ko non?

"Ano bang sinasabi mo?" Kunware ay nagtatakang tanong ko. Shit. Bakit ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon?

"Narinig ko ang sinabi mo Rio. Ako pa ba ang gagawin mong tanga?" Saad niya pa. What the heck. Tumayo na ako at saka walang imik na lumabas ng kwarto ko.

Tangina. Sana wag niya akong sundan.

Eksaktong paglabas ko ay siya namang pagbangga ko sa isang tao. Handa ko na sanang singhalan ito pero bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makilala ko kung sino ito...

"Zarina."

MIKHAIL's POV

"Gago ka. Kahit na bumalik siya wala pa ring magbabago... at isa pa, may gusto akong iba kaya kahit anong gawin niya wala akong pakialam. Manigas siya." Bigla akong natigilan ng marinig ko ang sinabi ni Rio. Aba ang gagong 'to? Kelan pa 'to lumablife? Hindi ako nagsalita at saka siya pinakiramdaman. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan ni-minsan ay di siya nagkwento sa akin ng tungkol sa lovelife at isa pa, no girlfriend since birth ang gagong 'to e. Bukod kasi kay Snow ay wala na siyang iba pang kinakausap na babae. Ay oo nga pala, isasama ko na si Zarina pero kasi hindi naman niya kinakausap ang babaeng iyon.

"May iba kang gusto?" Pagtatanong ko. Ngumisi ako at hindi ko alam pero mukhang magiging masaya ito. Ano ka ngayon Moran? Nasa hot seat ka. 

Snow FrostWhere stories live. Discover now