THE DAY I MET HER :)

14.6K 419 4
                                    

(KOREA)

MIKHAIL'S POV

Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng apartment ni Snow. Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakikita, at sa totoo lang di ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Lagi kong hinahanap ang presensya niya.

I knocked again for the nth time, but then wala pa ring nagbubukas ng pinto. I sighed. San naman kaya siya nagpunta? Imposible namang nasa isang misyon siya. Sa pagkakaalam ko, hindi muna siya bibigyan ng panibagong misyon dahil sa nangyari sa nakaraang transaksyon.

Kung ganun, ay nasaan na siya??

Bumalik ako sa tapat ng sasakyan ko at saka sumandal sa hood noon.

Nabaling muli ang tingin ko sa relos na suot-suot ko. Trenta minutos na ang nakakalilipas pero wala pa ring kahit na anino o bakas manlang ni Snow.

I remembered the day, that I first met her.

Flashback.

Naglalaro ako noon sa park na malapit sa subdivision namin. Kasama ko ang nanny ko na kasalukuyang may kausap sa cellphone.

Masaya kong pinatatalbog ang bolang hawak hawak ko. Aksidente kong nasipa ang bola kaya naman gumulong ito papunta sa may kalsada.

Tumakbo ako palapit dito ng biglang..

BEEEEEEP!! BEEEEEEP!!!!!

Napatingin ako sa sasakyang papunta sa direksyon ko. Hindi ko magawang maikilos ang mga paa ko. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko.

Napatingin ako sa may gilid ko ng makita kong may batang babae na patakbo sa pwesto ko.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari naramdaman ko na lang ang sarili kong lumipad sa hangin.

Nang maramdaman ko ang lupa, nagpagulong-gulong kami ng batang babae na nakayakap sa akin na para bang pinoprotektahan ako.

Hindi ko maiwasang hindi mapahikbi dahil sa mahapding sugat na natamo ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng isang boses. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil nanlalabo ang paningin ko. Iniupo niya ako at saka binigyan ng panyo. Pinunasan ko ang mga luha ko at saka ko nakita ang anyo ng batang babae na nagligtas sa akin. Napakaamo ng mukha niya, pero may kakaiba sa kanya. Ang mga mata niya. Blangko iyon. Wala kang makikitang kahit na anong emosyon.

May kinuha siya sa bulsa niya. At itinali iyon sa braso ko. Nilingon ko ito at nakita ang isa na namang panyo.

"Oh my god! Mikhail... okay ka lang ba?" tanong ng nanny ko habang palapit sa akin.

Nilingon siya ng batang babae na nasa harapan ko at saka tiim bagang na tinignan.

"You should take care of him. What if hindi ko agad siya napuntahan? Sasagutin mo ba kapag napahamak siya? You should be responsible enough para bantayan siya, since ikaw ang nanny niya. I bet kung sakali mang naaksidente nga siya..." sandali siyang tumigil sa pagsasalita at mariing tinignan ang nanny ko na nakataas ang kilay sa kanya."Tatakbuhan mo siya. Tama ba?"

Agad na kumunot ang noo ng nanny ko.

"Hoy! Ikaw na bata ka. Ang bata bata mo pa! Napakatabil na ng dila mo!" sigaw niya sa batang babae.

Napangiti ang batang babae. Ngiting hindi totoo, ngiting mapanuya.

"I guess, totoo nga ang sinabi ko. Nagagalit ka kasi totoo ang sinabi ko tama ba? Bago ko pa tulungan ang batang iyan, tinignan ko muna ang reaksyon mo. Nahuli kong nakatingin ka na sa kanya nung papatawid pa lamang siya ng kalsada, pero imbis na pigilan mo siya, hinayaan mo lang. Nang makita mong masasagaan na siya ipinagpatuloy mo lang ang pakikipagtelebabad mo sa kung sinumang kausap mo. Alam mo bang pwede kang makasuhan dahil sa kapabayaan mo?" tumingin ako sa nanny ko na agad nag-iwas ng tingin.

Snow FrostWhere stories live. Discover now