52

5.6K 172 4
                                    

A/N
Hindi na-edit. Pasensya sa mga maling grammar. Thank you for waiting.

***


Nanatili akong nakatingin sa kanya at pilit kong inaanalisa ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ano dahil bakit siya pa?! Sa dinami-dami ng pwedeng makakita sa akin ay bakit siya pa?!

"You're horrible. Pinatay mo siya" Hindi ko makuhang magsalita ng marinig ko ang sinabi niya. Wari bang tumigil ang paghinga ko ng dahil doon.

Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Kung sa ibang tao ko lang maririnig ang mga katagang iyon malamang ay isang ngisi at malamig na tingin lamang ang isasagot ko dito... pero hindi eh...

Kay King Alarquez ko kasi narinig. Sa mismong bibig niya.

"You're a killer. Tatawag ako ng pulis." Hindi magkaintindihang usal niya at saka kinuha ang cellphone niya. Wala akong nagawa kundi ang puluting muli ang baril na nabitawan ko at itutok ito sa kanya.

Wala akong choice.

"Subukan mong tumawag ng mga pulis at susunod ka sa bangkay na ito" Malamig na usal ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ngunit maya-maya ay napalitan ito ng ngisi. "Alam kong wala ng bala ang baril mo Snow." Aniya. Damn!  Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang baril.

What the fuck?! Why am I acting like this?

"Pero itong baril na hawak ko, meron itong karga... Alarquez" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Nathan na nakatayo sa likod ni King habang nakatutok ang baril niya sa ulo ni Alarquez. 

"Sinasabi ko na nga ba sa umpisa pa lang. Kaya pala kahina-hinala ang mga ikinikilos niyo" Naiiling-iling na sabi ni King.

"Kung ako sayo Alarquez mananahimik na lang ako... ikaw rin... baka gusto mong sumunod sa kaibigan mo" Nang-iinsultong saad ni Nathan.  Muli, natigilan na  naman ako. Anong ibig sabihin ni Nathan?

Siya ba ang...

"You're the one who killed Ken?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Mukhang natauhan naman si Nathan at hindi agad siya nakasagot sa akin. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nakita ko na lang na nasa sahig na silang dalawa at walang tigil na sinusuntok ni King si Nathan.

"You fuckin' kill my friend! You asshole! I will kill you!" Sigaw ni King habang walang tigil na sinusuntok si Nathan.

Ano bang iniisip niya?! Bakit niya ginawa iyon?! Nasisiraan na ba siya?!

Alam kong mga reaper kami at normal na sa amin ang pumatay pero si Ken iyon! He's a friend! A fucking friend of mine!

Oo alam kong hindi ko ipinahahalata iyon sa mga kilos ko but fuck! Kaibigan na ang turing ko sa kanila. Bukod kina Rio at Mikhail, kasali na rin sila sa mga taong pinahahalagahan ko, kahit na minsan ay wala na silang ginagawa kundi ang bwisitin ako.

Muli kong nilingon ang dalawa at kusa ng kumilos ang mga paa ko palapit sa kanila. Mabilis kong kinuha ang nabitawang baril ni Nathan at saka ko ito inihampas sa may parteng batok ni King.

Kaagad siyang nawalan ng malay dahil sa ginawa ko. Mabilis ko namang tinulungang makatayo si Nathan. "You bastard! Don't you even dare to think that I'm doing this because I care for you" Gigil na usal ko rito. "I'm doing this for myself. Sa akin ka mananagot oras na makaalis tayo rito." Diretso kong sabi habang inaalalayan siya.

"I know" Pagsuko niya. Hawak-hawak niya ang panga niya at dumudugo rin ang ilong niya.

"Stupid" Iiling-iling kong sabi.

Snow FrostWhere stories live. Discover now