25

10.1K 264 9
                                    

SNOW's POV

"Bullshit! Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?!" Inis kong bulaslas. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang  sinubukang tawagan si Davis. Nakapatay ang cellphone niya sa hindi ko malamang dahilan.

Akala ko kanina paggising ko ay lumabas lamang siya para maglakad-lakad pero magtatatlong oras na ay hindi pa rin siya bumabalik.

Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may masamang nangyari sa kanya.

Napakagat ako sa labi ko. Palakad-lakad din ako at hindi ko malaman ang gagawin ko.

"Snow, kumpirmado. Dala-dala nga ni Davis ang sasakyan mo." Napalingon ako kay San Diego na humahangos at hindi rin magkaintindihan. Pasalampak siyang naupo at bahagya pa siyang pumikit. Marahil ay dahil kaunting oras pa lamang ang naitutulog niya at dahil na rin siguro sa pagod.

"Pupunta ako sa apartment niya." Suhestyon ko.

Tumango naman siya at tumayo. "Sige. Kukuhanin ko lang ang susi ng sasakyan ko. Hintayin mo na lang ako dito." Saad niya at saka nagsimulang maglakad.

"Huwag ka ng sumama. Dito ka na lang." Pigil ko sa kanya.

"No. I'll come with you." Matigas na sabi niya. Tinitigan ko siya at pilit kong binabasa ang isip niya. Nagsimula na naman siyang maglakad.

Napabuntong hininga na lamang ako. "Sandali lang." Ani ko. Tumigil siya sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa akin. Mabilis kong kinuha ang jacket ko at ang baby pistol ko.

"Tara na." Saad ko at sabay kaming lumabas. Ayoko sana siyang isama. Gusto kong sabihing magpahinga na lamang siya, tutal ay kaya ko namang hanapin si Davis mag-isa. 

Pagkalabas na paglabas pa lang namin ay bumungad na sa akin ang itsura ng taong iyon.

Sa itsura niya ngayon dinaig niya pa ang zombie. Para bang isang linggo siyang hindi natulog. Malaking eyebags at lalo pang naningkit ang mga singkit na niyang mga mata.

Mataman niya akong tinignan at maya-maya pa ay ngumisi siya at saka umiling-iling.

"Jerk!" Sigaw ko sa isip ko.

Nakikita kong nagtatagis na ang bagang ni San Diego sa inaakto ng taong kaharap namin ngayon.

"Hindi ko alam na ganyang klase ka pala ng babae Frost." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang diring-diri siya. Sinamaan ko siya ng tingin at naikuyom ko ang kamao ko. Binalingan niya si San Diego at saka nagsalita.

"Tell me, is she good in bed?" He asked at saka muling nakakalokong tumingin sa akin. Pakiramdam ko ay nanlamig ang sistema ko dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makahuma ay nakita ko na lamang na nakahiga na siya at nakapaibabaw na sa kanya si San Diego at walang tigil na sinusuntok siya.

"Fuck you!" Galit na sigaw niya habang patuloy pa ring sumusuntok. Nakatayo lamang ako doon at pinapanood sila. Hindi ko magawang magsalita.

Kahit na isang malaking 'I don't give a shit' na ang nakadikit sa noo ko ay hindi ko maiwasang mapaisip.

"Tell me, is she good in bed?"

Muli na namang nag-echo iyon sa pandinig ko. Sa pagkakataong ito mayroon akong napagtanto. Akala ko noon ay manhid na ako, pero nang dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasang masaktan.

Hindi ko napigilang mapangiti ng mapakla sa isip ko. Napailing na lamang din ako. Ito ang unang pagkakataon na nasabihan ako ng ganuon. Sa inaakto ko ngayon, lumalabas na para bang napakasensitive kong tao... pero hindi niyo naman siguro ako masisisi.

Snow FrostWhere stories live. Discover now