CAUGHT

14.3K 399 13
                                    

SNOW's POV

"Dismiss" pagkarinig ko nang sinabing iyon ng prof. namin sa unahan ay agad akong lumabas ng pintuan. Katatapos lang ng pangalawang subject namin at ibig sabihin noon ay free time na namin.

Agad kong tinungo ang classroom ni Floribeth. I have the complete list of her schedule kaya naman alam ko kung saan siya pupuntahan.

Nung una, sinabi ko sa registrar office na gawing pareho ang schedule namin but then, puno na daw ang ilang slot ng pinapasukan niya kaya naman hindi na daw ako pwede doon. Mabuti na lang at may ilang subject pa na magkaklase kami. Three subjects to be exact.

Nakita kong palabas na siya kaya naman pasimple akong naupo sa isang bench na malapit doon.

"Snow!" rinig kong sabi niya.

Pasimple akong nag-angat ng tingin at nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Dala-dala niya ang dalawang makakapal na libro.

"Hindi ka ba nabibigatan dyan sa mga dala-dala mo?" tanong ko.

Hindi naman sa balak ko siyang tulungan. Kaya lang kasi parang ako ang nabibigatan sa dala niya.

She flashed a sweet smile bago siya nagsalita, "Hindi naman. Sanay na ako"

Napatango na lang ako sa sinabi niya.

"Te--ka? Bakit ka nga pala nandito? Tapos na ba ang klase mo?" tanong niya

"Napadaan lang ako" simpleng sagot ko.

"Ganun ba? Okay lang ba kung samahan mo akong kumain?" tanong niya habang magkadikit ang mga kamay niya na para bang nagmamakawa.

I scratch my nose as a sign of uncomfortability. Hindi ko inaasahang ang isang nerd na kagaya niya ay ganitong umasta.

"Please? Please?" sabi niya pa.

"Fine" sagot ko

Mas mababantayan ko siya kung makakasabay ko siyang kumain. Isa pa baka may malaman pa akong ilang detalye tungkol sa kanya.

"Yay! Salamat!!" sabi niya at saka ako niyakap. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Oh please! Temper. I hate it. Hindi naman sa nakikipagplastikan ako sa kanya. Kaya lang para sa akin ay naririto ako dahil isa itong misyon.

Hindi ako handa sa mga ganitong eksena.

"Ah, okay... sige, Tama na." saad ko at saka ko siya marahang itinulak palayo sa akin.

Mukha naman siyang nagulat sa inasta ko."Nako! Sorry. Sorry. Nabigla lang ako" hinging paumanhin niya.

"Ayos lang. Ang mabuti pa siguro ay dalhin mo na lang muna iyan sa locker mo" sabi ko sa kanya.

Sabay kaming naglakad sa corridor. Nang makarating kami sa tapat ng assign locker naming dalawa ay agad niyang binuksan iyon.

And to my surprise...

"Aww" narinig kong sabi niya. Pagkabukas niya kasi ay may sumirit na kung ano doon. Kulay pula iyon kaya naman halos magkulay pula na ang mukha niya pati na rin ang unipormeng suot niya ay may bahid na rin ng pulang likido.

Tumingin ako sa mga estudyanteng nakapaligid samin. Tumatawa silang lahat.

May lumapit na tatlong babae sa kanya. Pumapalakpak ang mga ito na para bang nanonood lang sila ng isang palabas.

"Woah. I never thought na magiging ganito pala kaganda ang palabas na ito"ani ng babaeng nasa gitna. Nakatingin siya kay Floribeth.

"Oh dear? Okay ka lang ba?" tanong ng isa pa.

Snow FrostWhere stories live. Discover now