KESHA.

11.9K 371 8
                                    

SOMEONE'S POV

"ANO?!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sinabi ng isa sa mga tauhan ko.

"Pasensya na po, young lady..." nanginginig na sabi niya at saka siya humakbang paatras sa akin.

"Pasensya? Pasensya ba kamo? Mabuti sana kung kada hihingi kayo ng pasensya ay mamamatay si Snow Frost! Mga wala talaga kayong silbi!!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanila.

Nakakainis talaga! Maganda na ang plano. Pagkasakay ni Snow sa sasakyan ay agad na pasasabugin iyon. Pero dahil sa katangahan magset-up ng tauhan kong ito ay hindi umayon sa plano ang nangyari. Iset-up ba naman sa 2mins ang oras eh, alam naman niyang sa 6th floor pa manggagaling ang target niya at mula sa groundfloor ay aabutin si Snow ng mahigit na dalawang minuto bago pa siya makarating sa mismong pinaparadahan ng sasakyan niya.

Ang tanga tanga talaga! Bwisit.

"Umalis na kayo ngayon sa harapan ko. Baka hindi ako makapagpigil at mapatay ko kayo!" iritang sigaw ko sa kanila.

Dali dali naman silang humakbang palapit sa pinto.

Nang makalabas sila ng pintuan ay agad akong napaupo sa upuan na malapit sa akin. Grabe! Naiinis ako sa mga tauhan ko.

Mariin akong pumikit at saka nag-isip ng panibagong plano. Kailangang maunahan ko sila na mapatay si Frost, kapag nangyari yun.. maipaghihiganti ko na ang pagkamatay ni papa.

---

SNOW POV

Sumilip ako sa rear mirror ng sasakyan ko kung saan kitang kita ko ang pagsunod na ginagawa ng pulang kotse sa likudan ko.

Ilang araw ko ng napapansin ang kotseng iyon.

Nang matanaw ko ang gate mg school ay agad kong ipinasok ang sasakyan ko at diretsong pinatakbo iyon sa may parking lot.

Habang naglalakad sa hallway ay muli ko nanamang napansin ang makahulugang tingin ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

Nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa marating ko ang corridor papunta sa classroom namin ng bigla na lang akong harangin ng limang kababaihan.

Mataman ko lang silang tinignan. Nakataas ang mga kilay nila habang nakatingin sa akin.

"Ikaw si Snow Frost hindi ba?! Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa ospital pa ang King namin!" sigaw sa akin nung babaeng nasa gitna. Base sa itsura niya ay dinaig niya pa ang clown sa kapal ng make-up niya.

Agad na kumunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko ay nakalabas na ng ospital ang lalaking iyon. Kaya ngayon, anong problema ng mga babaeng ito?

"Oo nga! dahil sayo, nagasgasan ang gwapong mukha ng King namin! Ikaw na babaeng hindi naman maganda! Maputi ka lang!" sigaw din sa akin nung babaeng maitim. Yeah. Maitim talaga siya.

"Tama! Maputi ka lang!"

"Oo nga! Maputi ka lang!"

"Wag mong landiin ang Ken ko!"

"Oo nga! Pati si Kris ko!"

"Lumayo ka sa kanila!"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon ko sa mga sinasabi nila.

"Eto lang ang masasabi ko sayo malanding babae, layuan mo ang King namin! Layuan mo ang K-3 PHANTOMS!!" saad nung babaeng nasa gitna at saka humakbang palapit sa akin.

Malamig ko lang silang pinasadahan ng tingin.

"Wala akong paki-alam sa mga sinasabi niyo. Tumabi kayo." malamig na sabi ko.

Snow FrostWhere stories live. Discover now