23

10.8K 316 14
                                    

FLORIBETH's POV

Nauna na kaming sumakay ni Snow sa sasakyan. Sa backseat kami nakapwesto at si Nathan naman ay abala sa paglalagay ng mga bagahe ko sa compartment.

Napalingon ako kay Snow ng may iabot siya sa akin.

"Paano napunta sayo 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa cellphone ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nabitawan ko ito kanina.

"Napulot ko." Simpleng sagot niya. Kahit naguguluhan ay hindi na ako nagsalita pa.

Maya-maya pa ay pumasok na rin si Nathan at saka maingat na pinaandar ang sasakyan.

Nilingon ko si Snow at nakita kong nakapikit na siya. Sa itsura ni Snow ngayon, para bang pagod na pagod siya.

"She's really tired eh." Napatingin ako kay Nathan ng bigla siyang magsalita.

Napatango na lang ako. "Ngayon lang kita nakita. Kaibigan ka rin ba ni Snow?" Tanong ko. Mukhang natigilan siya at kitang-kita ko ang mapaklang ngiting pinakawalan niya.

"I always want to be her friend since then... but how? She can't even trust me?" Makahulugang sabi niya. Hindi ko maintindihan kung anong pinaghuhugutan niya. Malungkot rin ang mga boses niya ng sabihin niya iyon. Nilingon ko si Snow na nakapikit pa rin.

Trust. Dyan nasira ang pamilya ko. Dyan sila namatay. They trust too much that's why they got abused. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit matapos ang pangyayaring iyon ay napakadali ko pa ring magtiwala. Just like now... napakalaki ng tiwala ko kay Snow. Sa sobrang laki nun ay pati kaligtasan ng buhay ko ay pinagkakatiwala ko sa kanya.

Halata naman kay Snow na mayroon siyang 'trust issues'. Maaaring may nangyari sa kanya noon kaya naman ganyan siya umasta ngayon.

Sumama ako sa kanila dahil na rin sa sinabi nilang para ito sa kaligtasan ko. Noon, lagi kong iniisip na nasa panganib ang buhay ko. Pagkatapos patayin ang pamilya ko, tumatak sa isip ko na isusunod ako ng mga taong pumatay sa kanila.

Hindi ko alam kung alam ba nila na buhay pa ako hanggang ngayon. Tahimik na naman ang buhay ko mula pa noon. Nabuhay ako sa pagtatago at may galit na kinikimkim sa loob ko.

Iniisip ko minsan na hanapin ang mga taong iyon at patayin rin sila gaya ng pagkakapatay nila sa pamilya ko. Pero iniisip ko pa lang na gagawin ko iyon ay labis na takot na ang lumulukob sa katauhan ko. Alam kong hindi ko kaya. Mahina ang loob ko.

Hindi ako kasing tapang ni Snow. Hindi ako kasing lakas niya.

Ni-hindi ko nga magawang maipagtanggol ang sarili ko sa mga bumubully sa akin... sa mga pumatay pa kaya sa magulang ko? Ang hina ko ba? Takot kasi ako. Takot akong mamatay.

"Nandito na tayo." Saad ni Nathan at kasabay noon ay ang pagtigil ng sasakyan namin.

"Clark Residential Building." Pahayag ko habang nakatingin sa gusali.

"Bumaba na tayo." Narinig kong sabi ni Snow. Gising na pala siya.

KING's POV

Kasalukuyan akong nasa sasakyan, kababalik ko lang ng Pilipinas galing nang Korea at ngayon nga ay papunta na ako sa CRB.

Muli kong sinulyapan ang envelope na nasa tabihan ko. Sa t'wing nakikita ko iyon ay hindi ko mapigilang mainis.

Sa loob ng ilang araw na pananatili ko doon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Palaging hinahanap ng sistema ko si Snow.

Bago ako umalis ay ipinagbilin ko siya kina Kris, hindi pa ako nakuntento at kumuha pa ako ng taong lihim ding magbabantay sa kanya. At kanina nga ay may ibinigay siya sa aking mga litrato na tunay namang nagdulot ng inis sa akin.

Snow FrostWhere stories live. Discover now