53

6.1K 171 15
                                    

Hindi na-edit. Sorry for the grammatical errors.

****

FLORIBETH's POV

"Hija, maaari bang isalaysay mo sa amin ang nangyari" Nakatulala lang ako sa pulis na kaharap ko. Hindi pa ganuong nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari.

Nanginginig ang kamay ko at hindi ko malaman kung paano kong sasabihin kay Snow ang nangyari.

Paano kung magalit siya sa akin? Ipinagkatiwala niya sa akin si Ixander. Sinabi niyang bantayan ko ito pero ngayon...

Mabilis akong napailing at pagkaraan ay marahas akong bumuntong hininga. Kailangan kong sabihin ito kay Snow kahit na anong mangyari.

Kung magalit man siya sa akin ay matatanggap ko, tutal ay kasalanan ko dahil naging mahina na naman ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko idinayal ang number ni Snow.

Sa unang ring pa lang nito ay sinagot na agad ni Snow ang tawag ko.

Hinihintay niya ba ang tawag ko? May ideya na kaya siya kung bakit ako tumawag?

"S-snow... N-nasaan ka?" Bungad na tanong ko. Kinakabahan ako at bakas ang takot sa boses ko.

"May inasikaso lang ako pero pabalik na rin ako dyan" Aniya. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Papunta na ba siya dito?

"S-snow... kasi..." Takte! Bakit ba hindi ko masabi-sabi sa kanya? "K-kasi Snow, si Ixander..." Huminga ako ng malalim at saka bumwelo para sabihin niya ang gusto kong sabihin.

Bahala na!

"N-nawawala si Ixander" Mabilis na sabi ko. Nakapikit ang mga mata ko at naghihintay akong sigawan niya ako pero wala akong narinig. Nang tignan ko ang screen ng cellphone ko ay natapos na ni Snow ang tawag.

Binabaan niya ako. Mukhang nadismaya ko na naman siya.

"Miss" Muling nabaling ang tingin ko sa pulis na kaharap ko.

"P-po?" Nauutal na saad ko. Umiling-iling siya at saka ako sinensyasang maupo muna. Naupo ako sa bakanteng hospital bed ni Ixander at saka ako nagsimulang alalahanin ang nangyari.

Nakatingin lamang ako sa natutulog na si Ixander. Sumulyap ako sa orasan at magtatanghali na.

Biglang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahang makikita ko ulit ang taong ito. Simula ng malaman ko ang totoong ugali niya ay pilit ko na siyang iwasan.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya at labis na kaba ang nararamdaman ko.

"You're good at playing hide and seek with me" Anas nito. Napakaseryoso ng pagkakasabi niya at malayong-malayo ito sa palabirong aura niya sa tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya.

Naglakad ito palapit sa akin at wari bang slow motion ang lahat. Kadikit ng paghakbang niya ay siya namang pagbigat lalo ng pakiramdam ko.

Sinulyapan ko si Ixander at pinagdadasal kong sana ay magising na siya.

Saglit ring sumulyap kay Ixander ang taong kaharap ko at maya-maya ay tumingin ito sa relo niya. "Kaiinom lang niya ng gamot niya hindi ba? Maaaring mamaya pa siya magising" Aniya.

Hindi ko magawang gumalaw ng magsimula siyang maupo sa tabi ng kama ni Ixander.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paano niyang nasisikmurang traydurin ang mga kaibigan niya? Paano niyang nagagawang magpanggap sa harap ng mga ito?

Snow FrostDove le storie prendono vita. Scoprilo ora