UNTITLED

13.3K 356 4
                                    

SNOW POV

"Ate Snow!" napatingin ako kay Ixander ng bigla niya akong tawagin ng ganoon.

'Ate Snow...'

Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. Siya lang.

Lalapit sana siya sa akin kaya lamang ay..

"Don't you dare.. Ixander" napalingon kaming lahat sa nagsalita.

"Oh? So, he's still alive?"

Sabagay, ang masamang damong gaya niya ay talagang matagal mamatay. Sayang naman at hindi pa siya natuluyan.

"Why Kuya?" biglang tanong ni Ixander.

"Leave us alone, we need to talk." seryosong saad niya habang nakatingin sa akin.

Lumabas silang tatlo at naiwan kaming dalawa dito sa loob.

"Ano nanamang katangahan ang ginawa mo at nagkabenda yang kamay mo?" agad na sabi niya ng sumara ang pinto.

Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He is really fond of calling me stupid. What the hell? Hindi niya ba alam na ako si Snow Frost? Ang nag-iisang kinatatakutan ng lahat sa underground society? The most deadliest reaper alive? Ofcourse. He don't. Kaya naman, malakas ang loob niya at ganan na lamang siya umasta.Psh.

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Sabihin mo na lang kung anong sasabihin mo at ng makaalis na ako dito." walang kagana-ganang sabi ko.

"Wow. Salamat huh. Ikaw lang naman dapat ang nasa kalagayan ko ngayon kung hindi kita nahagip kanina." sarkastikong sabi niya.

"Oh? Is that so?." pabalang na sagot ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba nagagawa kong ubusin ang lakas ko sa pakikipag-usap sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. Seriously? Wala naman akong sinabing masama? Anong masama sa isinagot ko sa kanya.

"Did I hit a nerve?" kalmadong sabi ko, habang humakbang palapit sa isang upuan na malapit sa kanya pero sinipa ko iyon palayo ng kaunti para hindi ako magmukhang tagabantay niya dito sa ospital.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at saka bumuntong hininga.

Looks like he was relaxing his self.

"Yung nangyari kanina..." panimula niya."Posible kayang yung nagpadala ng box ang may gawa noon?" tanong niya.

Hindi naman ako ganoong katanga para hindi maisip iyon. Kanina nung makita ko pa lang ang suot ng lalaking nakamotorsiklo ay alam ko na agad na sila ang may pakana noon. Ang hindi ko lang malaman ay sino ba sila? Anong kailangan nila sa akin? Sinusubukan kong maghanap ng impormasyon tungkol sa kanila pero sa ngayon ay wala pa akong ibang basehan kung hindi ang tattoong iyon.

"You're out of it Alarquez, kaya wag mo na lang paki-alaman ang bagay na iyon." seryosong saad ko. Hindi naman siya kasali sa gulong ito kaya para saan pa at nakikialam siya? Hindi niya alam na maaari niyang ikamatay kung patuloy siyang makikialam sa mga bagay na wala namang kinalaman kanya. Patunay noon ang nangyari kanina, wala silang paki-alam kung may ibang madamay.. ang mahalaga lang sa kanila ay ang mapatay ako, dahil iyon ang nakasulat sa papel. Kaya lamang ay ano ba talagang motibo nila?

"Sinabi ko na sayo ito noon hindi ba? Ang sabi ko, makikialam ako dahil gusto ko at hindi mo ako mapipigilan." matigas na sabi niya. As expected. Matigas talaga ang ulo niya.

"At binalaan na rin kita tungkol dito. Hindi mo gugustuhing pumasok sa isang mundo kung saan wala kang makikitang daan palabas." makahulugang sabi ko. Oras na maki-alam siya sa gulong ito tiyak na hindi magdadalawang isip ang mga kalaban na patayin siya, idagdag pang hindi ko sila kilala. Pero, sigurado ako na may kinalaman ito sa mafia. Hindi naman sa natatakot akong mamatay ang lalaking ito, ang inaalala ko lang ay hindi naman yata iyon patas sa kanya. Hindi naman siya reaper at nasisiguro ko na wala siyang kaidedeya tungkol manlang dito.

Snow FrostWhere stories live. Discover now