40

8.8K 267 37
                                    

A/N: Not edited. Tamad ang author. Pasensya na sa mga typo at maling grammar. Maikli lang ito pero sana mapangiti kayo. Hahaha!

***

RIO's POV

"Sino ba ang mga 'yon?" Agad na tanong ko kay Nathan ng makalabas kami.

"Eh kasi ano Rio... Sila yung ano..." Putot-putol na sabi niya.

"Sila yung ano? Ano ka ng ano? Gago ka ba?!" Irita kong sigaw sa kanya.

"Sila yung mga tumulong sa amin para hanapin at iligtas si Davis." Agad na paliwanag niya.

"Yung Alarquez, sino naman 'yon? Boyfriend ba talaga 'yon ng nyebeng 'yon?" tanong ko ulit. Alam ko namang hindi talaga totoo dahil sa kadaldalan nung isa sa kanila, pero mabuti na iyong sigurado.

"Ah siya ba, isa siyang gangster. Yung dalawa kanina, mga kaibigan at kasama niya sa gang. Ang K-3 Phantoms. Ang gang nila ang pinakamalakas sa Pilipinas, at ang King Alarquez na iyon ang siyang leader nila." Gangster? Kaya naman pala ganun siya maka-asta. Akala mo naman, magaling. Pero dahil nga sa sinabi ni Nathan na, grupo niya ang pinakamalakas na gang dito, hindi ko siya o sila pwedeng maliitin.

"Kaibigan ba sila ni Snow?" Interesanteng tanong ko.

Nagkibit-balikat lang si Nathan. "Hindi ko alam. Siguro? Kilala mo naman si Snow, wala sa vokabularyo niya ang salitang kaibigan... pero kung ibabase' ko ang sagot ko sa mga kilos niya. Sigurado ako na kaibigan ang turing ni Snow sa kanila." Napatango ako sa sinabi niya.

Masasabi kong malaki na ang ipinagbago ni Snow simula noong bumalik siya rito.

Medyo nag-iba na siya at masasabi kong natutuwa ako sa bagong siya. Atleast ngayon kahit papaano ay nasisiguro kong 'tao' nga talaga siya at hindi isang bato. Tss. Kaya lang minsan hindi ko rin talaga maiwasang hindi mainis sa kanya.

Yung presensya niya kasi, nakakabadtrip talaga minsan. Narinig kong bumukas ang pinto at lumabas doon sina Dad. Ngiting-ngiti si Mikhail na akala mo e' nanalo siya sa lotto. Aba! Ano kayang nangyari sa lalaking 'to?

"Hoy Mikhail, mukha kang tanga. Pwede bang umayos ka?" Irita kong sita sa kanya. Natawa naman ng mahina si Nathan, samantalang sinamaan naman ako ng tingin ni Mikhail.

"Epal ka talaga kahit kelan ano Rio?" Inis na sumbat niya sa akin at saka ako pinanlakihan ng mata. Tss. Kapag gumaganun siya, hindi ko talaga mapiglang kwestyunin ang sarili ko kung paano ko ba siya naging 'bestfriend'. Mukha kasi siyang bakla. Hindi pala, literal na mukha talaga siyang babae.

"Son, uuwi na muna kami. Ikaw na ang bahalang magbantay kay Snow." Tumango ako kay Dad matapos niyang sabihin 'yon. "At Nathan, ikaw na ang sumama sa akin pauwi. Ihatid mo rito si Floribeth, sigurado akong gusto na siyang makita ni Snow." Napaikot na lang ako ng mata ko ng marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. Tss.

Nakakainis talaga siya. Aish.

Tumalikod na sila at saka nagsimulang humakbang palayo. Nilingon ko si Mikhail at saka nginisian. "Tutal ay hindi ka naman kailangan dito... sundan mo sila. Siguraduhin mong makakarating sila ng maayos sa safe house." Utos ko.

"Kaya na nilang umuwi 'no! Isa pa, kasama na ni Sir Steven si Nathan. Kayang-kaya na niyang protektahan si Sir Steven! Tsaka, ang dami ng bodyguards ni Sir, hindi na ako kailangan pang dumagdag doon." Protesta niya. Aba! Ayaw lang nitong iwan si Snow e!

"Pwede ba Mikhail, hindi iyon 'paki-usap', 'utos' 'yon galing sa susunod na mafia boss." Mayabang na sabi ko kaya naman lalong tumalim ang mga tingin niya sa akin.

Snow FrostWhere stories live. Discover now