41

8.7K 212 10
                                    

A/N: Hindi na-edit. Pasensya na sa mga maling grammar at mga typo. Maraming salamat sa magagandang comment sa previous chapter. Eto na ang update. Enjoy!

-after a week-

SNOW's POV

"Sigurado ka bang papasok ka na Snow? Okay ka na ba talaga?" Pagtatanong sa akin ni Davis. Imbis na sumagot ay bagot na tingin lang ang ipinukol ko sa kanya.

Pa-ilang beses na kasi niya akong tinanong nito at sa totoo lang e' malapit na akong mainis. Paulit-ulit lang kasi siya at idagdag pa ang 'kakaibang' tingin niya na para bang nagsasabi na 'wag ka na munang pumasok Snow dahil hindi mo pa kaya'. Di ba? Nakakainis kapag ganun?

Para kang bata na hindi pinapayagan ng mag--

Natigil ako ng may maalala ako.

Si mom.

Bigla na lang rumehistro sa ulirat ko ang itsura ni mommy. Bigla akong natigilan.

"Ayos ka lang ba Snow?" Narinig ko tanong sa akin ni Davis. Tumango na lang ako at saka tinignan ang mga gamit ko. "Si Nathan nga pala?" Pagtatanong ko.

"Nandito na ako." Sabay naman kaming napatingin sa nagsalita at nakita ko si Nathan na bagot na nakatingin sa direksyon namin.

"Umalis na tayo." Pag-aaya ko at saka kami naglakad palabas.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko ng magvibrate ito. Napa-iling na lang ako ng makita ko ang mensahe ni Mikhail. "Nakarating na sila?" Pagtatanong ni Nathan. Kanina kasi umalis sina Sir Steven pabalik sa Korea. Tutal, ay mukhang maayos na naman daw ako e' mabuti pang bumalik na sila doon dahil may mga transaksyon na ring napo-postponed dahil sa pagtigil nila rito.

Nagtataka nga ako kung bakit ba parang nagmamadali silang umuwi gayung naroroon naman si Lucas para ayusin at pangalagaan ang mafia.

"They've just landed." Sagot ko at saka muling ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng jacket na suot ko.

Paglabas namin ng unit ay agad na bumungad sa akin ang nakakunot noong mukha ni Alarquez. Narinig kong napa-tss muna siya bago siya magsimulang maglakad papunta sa direksyon ko.

Takte! Eto na naman ang puso ko, hindi na naman magkainitindihan. Ghad!

Nang makalapit siya ay binulungan niya ako at saka sinabing, "Bakit ba lagi na lang nandyan ang lalaking iyan?" May halong pagkainis sa boses niya kaya naman medyo nailing na lang ako sa kanya.

Jealous bastard.

Nagkibit balikat na lang ako at saka siya matiim na tinignan. "Wala naman siyang ginagawang masama. Binabantayan niya lang ako." Mahinahong sabi ko. Bumuntong hininga siya at saka kami sabay na naglakad.

Pagkarating namin sa parking lot ay hindi na ako nagulat ng hilahin niya ako papunta sa sasakyan niya. Bago ako sumakay ay tinignan ko si Nathan. I mouthed, "I'm going with him." Kumunot ang noo niya noong una at para bang nagtataka pa pero hindi na naman siya umangal pa.

Nang makasakay ako ay agad na binuksan ni King ang makina at saka ito pinaandar. Teka? Nasaan nga pala sina Kris at Ken? Himala yata at hindi sila kasama ng lalaking 'to?

"Looking for those crazy heads?" Nabaling naman ang atensyon ko kay King ng magsalita siya. "Nauna na sila. Iniintay na nila tayo 'dun." Nakangiting sabi niya.

Teka?

Ngumiti siya?

Nasanay kasi ako na lagi siyang nakangisi. Tss. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon