48

6.6K 184 10
                                    

A/N. Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Busy po ako sa school, dahil sa mga paper works. Hahaha! Hindi ko alam kung kailan ko masusundan ito dahil, sira rin ang aking phone. Nakakastress ang week na ito for me but I hope na sana kahit papaano ay makabawi ako sa inyo. Mahaba-haba ito at sana ay may mabasa akong reaksyon mula sa inyo.

---

SNOW's POV

"Shit! Shit! Shit!" Sunod-sunod na mura ko habang naglalakad papunta sa sasakyan ko.

"Saan ka ba pupunta Snow?!" Sigaw ni King habang nakasunod sa akin. Papunta sana kami sa lobby kanina ng bigla na lang akong makatanggap ng mensahe kay Davis. Maka-ilang beses ko ng binasa ang address na ipinadala niya at hindi ako maaaring magkamali. Iyon ang address ng dati naming bahay. Ang hindi ko maintindihan ay kung paanong napunta siya roon. Bwisit! Ano na naman ba ang pinaggagawa niya? At paanong hindi ko na naman namalayan na umalis siya?

Sa pangalawang pagkakataon ay naging maluwag na naman ako sa pagbabantay sa kanya. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan ko ng makalapit ako rito. Pumwesto ako sa driver's seat at saka ko binalingan ng tingin si King na ngayon ay kunot-noo ng nakatingin sa akin.

"Sasama ka ba o hindi?" Mahinahong tanong ko sa kanya pero hindi manlamang siya kumikibo. Tss. Ano na naman bang problema niya? "Kung hindi ka sasama. Tumabi ka na dyan dahil nagmamadali ako." Balewalang saad ko ulit.

"Tss! Hindi ka na ba talaga magbabago? Bakit ba ang sungit mo sa akin?! Bipolar ka talaga!" Parang batang sabi niya. Ang cute niya, mukha siyang aso. Tss. "Mamaya ka na magdrama pwede ba? Sumakay ka na. Please lang." Nakapikit ang mga matang sabi ko habang minamasahe ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ang pananakit nito dahil ilang araw na rin akong nagkakaganito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya nasisiguro kong nakasakay na si King.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pares ng mga kamay na nakahawak sa may baiwang ko at kasunod noon ay ang pag-angat ko sa ere hanggang sa mapaupo ulit ako. Nang buksan ko ang mga mata ko e' hindi ko malaman ang gagawin ko.

"What the-?!" Hindi ko na nagawa pang makapagsalita ng makita ko si King na ngayon ay siya ng nakaupo sa driver's seat. What the hell? Paano niyang nagawa iyon? He was fast! Damn!

"I'll drive."Simpleng sagot na lamang niya habang may pilyong ngiti sa mga labi. What the fuck? It's too obvious that this freak is teasing me. Damn it. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya habang ini-start ang makina. Pinakita ko sa kanya ang address na itinext sa akin ni Floribeth at hindi ko alam kung dinadaya lamang ba ako ng paningin ko pero nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya. "Bakit dito? Hindi ba nung huling beses na pumunta ka doon ay- Just drive. Nandoon si Davis. Kailangan niya ako." Putol ko na lamang sa kung ano pa mang sasabihin niya.

Hindi na siya nagsalita pa at nagsimula na siyang magmaneho. Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilang hindi mag-isip.Bakit? Bakit nandoon si Davis? Anong ginagawa niya roon? How the hell did she find out that place? Wala akong naaalala na ikinwento ko sa kanya ang lugar na iyon kaya imposibleng ako ang nagsabi sa kanya. Imposible rin namang si Nathan dahil mukha namang wala siyang nalalaman tungkol sa nakaraan ko. Aish! Minsan talaga hindi ko rin maintindihan ang babaeng iyon. Sakit talaga siya sa ulo.

"Bakit ba sobrang importante ni Floribeth sayo? Hindi naman kayo magkamag-anak di ba? Bakit ang laki ng pag-aalala mo sa kanya? Ano bang meron at ganyan kayo ka-protective sa kanya? Anong meron sa inyo ni Nathan at ganyan na lang ang asta niyo sa babaeng iyon?" Nilingon ko siya dahil sa sunod-sunod na pagtatanong niya. Hindi siya nakatingin sa akin at nakapokus lamang siya sa pagmamaneho. Gamit ang mahinahon ngunit malamig na tinig ay sinagot ko siya.

Snow FrostWhere stories live. Discover now