UNBELIEVABLE

14.7K 419 13
                                    

SNOW's POV

"Goodnight, Sleep well. My precious Snow.."

Nagising ako na madilim na sa paligid. Sumulyap ako sa relos na suot ko.

7:30

"Damn." mahinang mura ko. 7:30 na pala ng gabi. Te--ka?! Si Floribeth nga pala. Shit. Shit. Shit. Shit talaga! Napakapabaya ko! Bakit nga ba inuna ko pa ang pagpapahinga kesa sa misyon ko.

Napalingon ako sa taong prenteng nakasandal sa balikat ko at natutulog.

"Bakit nandito pa ang lalaking ito?" sa pagkakatanda ko ng matulog ako kanina ay nakapwesto siya sa katabing sanga ng inuupuan ko. Paanong napunta siya rito??

"Gising" sabi ko habang tinatapik yung pisngi niya.

"Ano ba?! Natutulog yung tao eh!" sigaw niya tapos tinabig niya yung kamay ko.

Aba! Hindi ko napigilan ang sarili ko at...

BOOOOGSH***

"Aray! Ano ba?!" singhal niya sa akin habang hawak hawak ang panga niya."Bakit mo ako sinuntok huh?!"

Imbis na sagutin siya ay agad akong tumalon pababa ng puno. Kailangan kong puntahan si Floribeth, baka kung ano ng nangyari doon.

"Kung si Davis ang inaaalala mo kaya ka nagmamadaling umalis..." napatigil ako at saka siya nilingon, nakababa na siya ng puno at mataman na nakatingin sa akin."Pinapunta ko na sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya sina Kris at Ken para may magbantay sa kanya"

Agad na sumeryoso ang mga tingin ko sa kanya. Gusto kong itanong kung bakit niya ginawa iyon, kaya lamang ay nagdadalawang isip ako.

"Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay mo kay Davis, ayoko ng tanungin ka ulit dahil sigurado naman akong hindi mo rin sasabihin sa akin. Napag-isip isip ko na bakit ko pa itatanong kung pwede namang ako na lang dumiskubre noon hindi ba?" saglit siyang huminto sa pagsasalita"My queries will be answered soon and I'll find it out on my own, kaya mag-ingat ka na lang sa mga kilos mo Frost, laging nakasunod sayo ang mga mata ko, pasasaan ba at malalaman ko din ang mga dahilan at ang sikreto mo"seryosong saad niya at saka naglakad palayo.

Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya.

Napailing na lang ako. Agad kong tinungo ang daan papuntang parking lot. Dali dali akong sumakay sa sasakyan ko at mabilis na pinaharurot iyon papunta sa restaurant.

(Korea)

RIO'S POV

"Bakit ba kasi hindi mo pa sabihin sa akin kung nasaan si Snow?!" sigaw sa akin ni Mikhail.

Aba naman! Nung isang araw niya pa hinahanap si Snow at hindi ko alam kung ano ba ang kailangan niya sa nyebeng iyon! Nakakainis na, dahil sa tuwing magkikita kaming dalawa ay si Snow na lang bukambibig niya.

"Ano ba kasing kailangan mo sa nyebeng iyon huh?!" tanong ko sa kanya.

"Basta! Sabihin mo na lang!!" nanggigil na sabi niya tapos naglakad siya palapit sa akin."Nasan nga kasi?!" para siyang bata na nagtatantrums.

"Ayoko. Hindi ko sasabihin" plain na sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.Pero hindi ko siya pinansin.

Matagal na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nilingon ko siya at nakita kong nakayuko siya. Alam niyo yun? Yung tipong nagpapaawa. Ganun ang itsura niya.

"Nasa isang misyon siya, yun lang pwede kong sabihin" sabi ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung nasaan si Snow, dahil sabi ni Dad isang sikretong misyon daw iyon at ako, si Dad at Lucas lang ang nakakaalam. Hindi naman sa wala akong tiwala sa isang 'to, kaya lamang kilala ko ang ugali ni Mikhail, kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.

Snow FrostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon