64

7.4K 195 6
                                    

Hindi na-edit. Sorry for the grammatical errors.

And oh, ito lang ang masasabi ko... Trust me.

****


SNOW's POV

Nang makalabas ako ng kwarto ni Kendra ay nagmamadali akong naglakad palabas. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Nathan pero hindi ko siya pinakinggan.

Tumatakbo ang oras at hindi ko alam kung anong pinaplano ni Lucas. Ganoon na ba talaga siya kadesperado na makuha ako?

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at saka ko pasimpleng kinapa ang papel sa bulsa ko. Binasa ko ang address na nakalagay rito at matapos iyon ay mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan ko.

Aaminin ko, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung anong magagawa ko, oras na makita ko ang hayop na si Lucas.

Kailangan niya ba talagang gawin ito? Kung gusto niya akong patayin, bakit kailangan niya pang mandamay ng ibang tao?

Sa dinami-dami ng tao sa mundo. Bakit si King pa? Nakakainis!

Nang matanaw ko na ang abandunadong gusali na nakasulat sa papel ay mabilis kong inihinto ang sasakyan at bago lumabas ay naglagay muna ako ng baril at combat knife sa bulsa ko.

Kalmado akong bumaba ng sasakyan at matapos iyon ay dire-diretso akong naglakad papasok sa abandunadong gusali. Hindi ko alam kung anong balak ni Lucas pero mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit walang mga bantay ang nandito? Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko at mainam kong tinitignan ang bawat sulok ng lugar.

"Tigil" Napahinto ako ng maramdaman ko ang isang malamig na bagay na nakatutok sa may batok ko.

Damn! Hindi ko manlang naramdaman ang presensya ng taong nasa likod ko.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko tanda na wala akong hawak na armas.

"Lakad" Utos sa akin ng nasa likod. Humakbang na ako at hindi na nanlaban pa. Kung ito ang paraan para mabilis ko siyang makita then I'll just go with the flow.
Nang makarating kami sa rooftop ay agad kong nakita si King habang nakaluhod at hawak-hawak ni Lucas. Bugbog sarado ang mukha niya at kung titignan mo ng mabuti ay mahahalata mo na agad na talagang pinahirapan siya.

"Bullshit" Mahinang mura ko ng pasadahan ko ng tingin ang pagod niyang mukha. Magbabayad talaga sa akin si Lucas!

"Pakawalan mo na siya! Hayop ka talaga!" Inis na sigaw ko sa kanya. Umalingawngaw ang nakabibingi niyang tawa sa paligid. Tss.

Akala yata ng lalaking ito ay nakikipagbiruan ako sa kanya?

Hahakbang sana ako palapit sa kanya pero biglang itinaas ni Lucas ang kamay niya at as if on cue ay napapalibutan na ako ng walong tao. Base' sa itsura ng mga ito, mukhang sila ang mga reapers ni Lucas.

"Alam kong gustong-gusto mo ng lapitan ang lalaking ito pero bakit hindi muna tayo maglaro?" Nakakalokong saad niya at saka siya nagsimulang humakbang palapit sa akin. Nang tumigil siya sa harapan ko ay mataman niya akong tinignan. "At dahil hindi ako patas maglaro, hindi mo pwedeng gamitin ang baril na ito" Damn! Kinuna niya ang baril sa bulsa ko, "Maging ang combat knife na ito ay bawal din" Itinapon niya ang mga iyon malayo sa akin.

"Papatayin kita" Gigil na sabi ko. Nginisian lang ako ni Lucas at matapos iyon ay sinenyasan na niya ang mga reapers niya.

Una akong inatake ng babaeng may hawak na swiss knife. Panay lang ang pag-iwas ko sa bawat tira niya pero mayamaya ay napangiwi ako ng dumaplis ang swiss knife niya sa braso ko.

Snow FrostWhere stories live. Discover now