39

8.6K 237 16
                                    

a/n: HINDI NA-EDIT. TAMAD ANG MANUNULAT. PASENSYA SA TYPO AT MGA MALING GRAMMAR! 


MIKHAIL's POV


"I'm King Alarquez, her boyfriend."


Nalaglag ang panga ko pagkatapos magpakilala ng lalaking iyon. What the hell?! Tinignan ko si Snow at singkit ang mga mata nitong nakatingin doon sa lalaki.


Hinawakan siya ni Snow sa braso at saka hinila palapit sa kanya. May kung ano itong binulong dito. Kumunot ang noo ko.


'Nananadya ka ba Snow? Nandito ako o! Ako yung original na ka'loveteam mo! Bakit ba bumubulong ka dyan!'  Gusto ko sanang isigaw kay Snow.


Nakita kong ngumisi ang lalaking iyon at kinindatan pa si Snow. Ano na?! Dito pa ba sila maglalambingan?! Sa harapan ko?! Aish! Mga taksil!


"Who the hell is that bastard Snow?" Nilingon ko si Rio ng magtanong siya. Nilapitan ko siya at saka inakbayan. Ha! Bestfriend ko 'to! Alam kong botong-boto 'to sa akin para kay Snow. Ngumisi ako ng pagkalawak-lawak.


Tinignan ko iyong lalaki at nakakunot pa rin ang noo niya.


'Sorry dude, pero ako talaga ang para kay Snow.' Pagkausap ko sa kanya sa pamamagitan ng mga tingin ko.  Totoo naman kasi e! Ako yung nauna di ba? Kaya anong karapatan ng lalaking ito na sumingit sa 'lovestory' namin ni Snow?! Psh. 


Bumukas ang pinto at pumasok naman ang dalawa pang lalaki. Sino ba ang mga ito?


"Aw! Gising ka na pala Snow!" Sabi noong isa sa kanila.


"Yo! Yo! Yo! Snow! Kamus- opps! May ibang tao pala." Natigil naman iyong isa pa at saka kami isa-isang tinignan pero lumapit din naman ito kay Snow.


"Anong ginagawa niyo dito?" Agad na tanong ni Snow sa mga ito.


"Pasensya na Snow! Sinundan kasi namin itong si leader e! Alam mo na. Hahaha!" sagot ng isa sa kanila. Tumawa-tawa pa ito at saka pabirong yayakapin sana si Snow kaya lamang ay mabilis na nahila ni Alarquez ang manggas ng suot nitong damit.


"Don't you dare Ken" Banta nito.


"Hehe. Ang damot mo King! Parang yayakapin lang si Snow e! Kayo ba ha?! Kayo?!" Ani nito. Kumunot ang noo ko.  Teka akala ko ba-


"Manahimik ka Ken." Napangisi naman ako.


"Sabi na e." Bulaslas ko.


"I knew it." Segunda naman ni Rio.


"Hindi talaga kayo di ba?"  Pagtatanong ko. Hindi umimik si Snow at umirap lang siya.


"Right. Pathetic bastard." Saad naman ni Rio. Kita niyo na. Ako talaga ang pambato nitong si Rio e. Tingnan niyo at sa akin sumasang-ayon.


Snow FrostWhere stories live. Discover now