27

9.3K 282 5
                                    

SNOW'S POV

Habang nasa byahe kaming dalawa ay walang umiimik sa amin. Nakasunod sa amin ang sasakyan ni Nathan. He texted me a while ago asking me if I'm okay again and telling me na sa kanya sumabay sina Ken at Ixander. Nagreplay lang ako sa kanya na ayos lang ako. At isa pa, kaya ko naman ang  sarili ko.

"Uhm. About what happen a while ago." He spoke. Nakatigil kami dahil sa pula ang redlight. Hindi ako nakatingin sa kanya but I can see on my peripheral vision na nakatingin siya sa akin.

"What about it?" Sagot ko. Bakit kailangan niya pang i-bring up ang topic na iyon? Naiinis lang ako lalo. Asking that 'Is she good in bed' thing is like calling me a slut. Iyon ang dating sa akin ng pagtatanong niyang iyon kanina kay Nathan.

"I'm sorry. Nabigla lang ako. I didn't mean to say that. It's just that... uhm I'm jea... Ah no. It's nothing." Pautal-utal na sabi niya. I just looked at him with disbelief. He said sorry? I heard a sorry from King Alarquez almighty? What's going on? Katapusan na ba ng mundo? That was new to me since wala namang magandang salita ang lumalabas sa bibig niya.

Tumingin na lang ako sa unahan. Ignoring what he said. Ewan ko ba? Pero nung narinig ko ang sorry niya biglang nawala ang inis ko. What's going on? Bakit ganuon ang pakiramdam ko? Nag'green na ang light and again umandar na muli ang sasakyan.

Nasa isang highway na kami at after a few minutes of drive ay tumigil kami sa isang tabi. Nauna na akong bumaba at nakita kong umiling pa si Alarquez sa inasta ko. Why? What's wrong?

Pagkababa niya ay nakita ko ang ilang grupo ng kalalakihang nakatayo sa kabilang side ng kalsada. Agad na lumapit sa akin si King at muli na namang hinawakan ang kamay ko.

"Bakit ba? Bumitaw ka nga." Utos ko. Padalawang beses na niya ngayong hinahawakan ang kamay ko at nakakairita na. Nasasanay naman yata siya. Psh.

"Pwede bang h'wag matigas ang ulo mo? Hindi maganda ang kutob ko dito kaya hayaan mong manatili ako sa tabi mo." He said.

"Pwede ka namang manatili sa tabi ko ng hindi hinahawakan ang kamay ko!" I said sounding so madly.

"Snow Frost." He warned. Ha! As if naman na matatakot ako sa kanya.

"King Alarquez." I retorted at may diin kong sabi. Nagsukatan kami ng tingin pero nauna akong mag-iwas. That was odd. Kadalasan sila ang nag-iiwas ng tingin sa akin kapag nakita nila ang mga tinging ipinupukol ko pero bakit ngayon... nag-iba? 

"Let's go." He said at hinila ako.

Kasunod namin sina Nathan, Ken at Ixander.

"Yo King!" Bati sa amin ng isang mestisong lalaki.

"Nasaan na ang sasakyan niya?" Tanong naman nitong katabi ko.

Itinuro niya sa amin ang daan papasok ng gubat. Anong ginagawa dito ng sasakyan ko? Paanong nakarating dito si Davis? Sunod-sunod na tanong ko sa isip ko.

Habang papasok kami ay nagkalat ang mga kalalakihan at nagmamanman, they are securing the place. Napangiti ako sa isip ko. I knew it. They're not just gangsters for nothing.

Tumingin ako kay Nathan giving him a look. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin  dahil bahagya pa siyang napatungo at nag-iwas ng tingin sa akin. Masyado niya kasing minamaliit ang mga gangster na 'to. He didn't know that this 'pipitchuging gangster' na sinasabi niya ang makakatulong sa amin.

Narating namin ang kinalalagyan ng sasakyan ko at sirang-sirang ito. Basag ang mga bintana at tagtag ang mga pinto ng sasakyan. Hindi ako tanga para hindi mapansing sinadya ito.

"Mukhang sinadyang sirain ang brake nitong sasakyan mo." Nabaling ang tingin naming lahat sa isa namang singkit na nilalang na nagpupunas ng kamay niya dahil sa gas. "Bumangga ang sasakyan dahil sa kawalan ng preno. Maaaring sa highway nagdadrive ang may dala nito at dahil sa pagpapanic niya ay mas pinili niyang ibangga ang sasakyan dito." He said.

Snow FrostWhere stories live. Discover now