TOO MUCH TROUBLE

16.1K 412 13
                                    

SNOW POV

Nagmulat ako ng mga mata at agad na nabungaran ang tatlong pamilyar na pigura ng tao na prenteng nakaupo sa couch na nakapwesto sa may tagiliran ng kama ko.

Ang isa ay nakahalumbaba, ang isa naman ay nakapikit, at as usual ang isa sa kanila ay seryoso lang na nakatingin sa akin.

Naupo ako at saka isinandal ang ulo ko sa may headboard.

"Paano kayo nakapasok dito?" tanong ko sa kanila.

Mukhang nagulat pa si Kris sa naging tanong ko.

"Seryoso ka bang iyan lamang ang reaksyon mo? Hindi ka manlang ba sisigaw at sasabihing 'PAANO KAYO NAKAPASOK SA KWARTO KOO?? UHHH! RAPIST!!' wala manlang bang ganoong eksena? Tapos babatuhin mo kami ng kung ano ano habang exaggerated pa ring sumisigaw?" Kris said in a high pitch tone. Kailan ba ako masasanay sa ganoong presensya niya? Masyado siyang maingay.

"Bakit ko naman gagawin yun?" kunot noong tanong ko.

"Dahil iyon ang kadalasang reaksyon ng isang normal na babae."sagot naman ni Ken..

"What do you expect from her? For a stupid, arrogant girl like her? Talagang ganyan lang ang magiging reaksyon niya." ani ng lalaking iyon. Sa tuwing nakikita ko talaga siya ay nag-iiba na ang sistema ko. Yung tipong makita ko pa lang ang rainbow hairstyle niya ay para bang gusto kong automatic na kumuha ng gunting at kalbuhin siya. Seriously? Bakit ba ganoon ang buhok niya?! Nakakairita.

"Did you just say normal?" tanong ko kay Ken at tumango naman siya.

"Well.. this may sound strange but... I am not, your typical normal girl." seryosong saad ko saka ko siya matamang tinignan."I'm Snow Frost and I'm odd, different from what is normal or expected. Iba ako sa lahat, dahil nag-iisa lang si Snow Frost, at ako lang yun." sabi ko kanya. Mukhang nagkaroon ng malaking question mark sa ibabaw ng ulo niya dahil sa pagkunot ng noo niya at ang makahulugang pagtingin niya kay Kris na halatang hindi rin naman nakuha ang ibig kong sabihin.

Being a reaper make me distinct from others, that's why I'm odd. Different.

I already killed tons of people using my own bare hands pero kahit minsan ay wala akong pinagsisihan doon. Kagaya nang sinabi ko noon hindi ako basta basta pumapatay. Lahat ng kilos ko ay may dahilan. Tumayo ako sa kama ko at saka nilingon ang taong iyon na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Paano kayong nakapasok dito?" tanong kong muli sa kanila na mukhang nagpabalik sa mga diwa nila.

"Hindi na mahalaga iyon. 6:30 ang usapan nating dalawa at anong oras na?" sagot ng taong iyon. Tumingin ito sa relos na suot niya. "Its almost 7:00.." sermon niya.

"I didn't agree with your stupid plan Alarquez, kaya wala akong kasalanan" sagot ko. Kung tama ang memorya ko ay wala akong natatandaan na pumayag ako sa gusto niya na sa kanya ako sasabay ng pagpasok, isa pa.. sanay na akong may nagbabanta sa buhay ko. Reaper ako at hindi iyon maiaalis sa sistema ko.

"Whatever you say witch" sinamaan ko siya ng tingin. "Just do your morning rituals. I'll wait for you outside" ani nito at saka tumayo sa pagkakaupo, maging ang dalawang kasama niya ay ganun din at naglakad sila palabas ng pinto.

"Tsk."

Urgh! I sighed. I calmed myself first. I'm controlling myself not to get a gun and shoot that guy right on the spot. Urgh. Bakit ba ang kulit niya? Malala pa siya kay Mikhail. For the devil's sake!! Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at saka bumuntong hininga.

Snow FrostWhere stories live. Discover now